56

72 3 0
                                        

REE

"The Cornucopia was bought two days ago." sabi sa amin ni Colette.

Nakaloud speaker ang cellphone niya sa coffee table.

"Paano natin hahapin iyon? Sabi niyo nakabackpack di ba?" tanong ni Soleil.

"Check your area. Baka napadpad na siya diyan sa lugar niyo." si Lionel.

Milo drinks his coffee, "Alright. Magcocover kami ng grounds mamaya."

"Magsesend na lang kami ng picture." si Colette.

"Alright. Ingat kayo!" sabi ni Soleil.

"Kayo din. Lalo na ikaw." si Lionel.

Pinatay na niya ang tawag doon. Saka bumuntong hininga. We had a lead kung sino hindi kung saan dinala ang cornucopia.

Bigla naman umulan sa labas. Napalitan ng makulimlim na ulap ang sikat ng araw. Malalaki din ang patak na bumababa sa bintana.

"I'm sorry." nahiya siya sa amin.

Milo looks at her, "Namimiss mo na ba siya?"

"Kaunti. Ayaw ko naman na masanay akong nandiyan siya." ngumiti ito sa amin.

Alistair looks angry. Wala naman kaming ginagawa. Nakakunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Kanina ay palakad-lakad siya bago umupo saka tatayo ulit.

"Soleil layo ka diyan." nagpalit sila ni Milo.

Hanggang sa pagbaba namin ay nakakunot ang noo ni Alistair. Masama din ang tingin na binibigay niya sa amin.

"Alistair tinatakot mo si Soleil." sabi ko sa kanya.

Lalo kasing lumakas ang hangin kumpara sa ulan. Madilim pa din pero   hindi na katulad kanina.

Umangat ang tingin niya sa amin, "I'm sorry. Don't mind me."

"Kahapon ka pa ganyan. Kahit nung dinner." puna ni Milo.

He flicks his tongue habang umiigting ang panga, "Kinutuban ako bigla."

Inuna namin ang black market baka kasi doon dalahin ang nabiling cornucopia. Nagsend naman sila Colette ng picture.

"Paano natin to makikilala. Hindi natin kita ang mukha."

May piercing sa kaliwang tenga, shoulder length na buhok, black branded cap, at backpack na branded.

"Walang hihiwalay. Delikado ang lugar na ito." paalala ni Milo.

Halos lahat ng tao dito ay nakatakip ang kalahati ng mukha. Only their eyes are seen. May mga nakabandana at salamin. To keep their eyes and hairstyle.

Nakahanda ang mga weapon namin.

May hawak naman na compass si Soleil. It is a mist detection compass. Para alam namin kung mapagkakatiwalaan ang pagtatanungan.

"Excuse me," tawag ni Alistair sa attention ng isang vendor, "May nakikita ba kayon ganito?" he showed the picture of the horn.

Nagprint kami dahil delikado kapag cellphone ang ginamit. Hindi namin sila makocontact.

"Sa dulo. May nagbebenta ng ganyan."

Tinago nila kami sa likod nila dahil iba ang tingin niya sa amin. Kahit ang iba ay ganoon din.

"Dapat sa hotel na lang kayo." sabi ni Milo.

Napalitan ang pagiging clueless ni Soleil, she becomes serious, "Tapusin na lang agad natin ito."

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon