LILITH
Pagkatapos sabihin ni Desmond ay pinalibutan kami ng mga ito. Naglabas din ng mga sandata ang ibang demigods.
Galing sila sa camp ng mga Olympians. They were on a mission too. Looking for Demigods like us. Nalaman ko na ang mga ito ay anak ni Aphrodite, Ares, Apollo at Hermes.
"Kanina pa dapat tayo nakaalis eh." reklamo ng anak ni Apollo.
"Kung sana hindi na sumagot yung isa diyan." sumunod ang anak ni Hermes.
"Kneel and kill yourself!" muntik ko ng gawin ang sinabi ng anak ni Aphrodite.
The cyclope disintegrated into ashes. Wala na din ang isa dahil pinatay na ni Ree. Ang problema ang mga demons naman na nakapalibot sa amin.
Gross. That's it. Naglalaway kasi ang iba sa kanila.
"Ikaw na dapat ang nagawa nito Lionel!" galit na sabi ng anak ni Aphrodite.
"Bakit ako lang?" masama ang tingin ni Lionel kay Alistair.
It's a tigh, may mainitin ang ulo sa dalawang panig. Kung hindi sila nagsagutan e di maayos kaming makakagalaw.
"Argh!" tinanggalan ko ng ulo ang demon na naging abo.
"Hindi sana kayo nagpakita sa amin." parang bata niyang sagot.
"Shut up Alistair!" saway namin nila Desmond at Milo.
"Cyrus ayusin mo pagpana mo!" utos ni Lionel.
May lumipad na arrow sa demon na malapit sa akin. Mamaya na ako magpapasalamat. Sinipa ko ang isa bago hinati sa gitna.
"Milo kaya mo bang gawin?" tanong ni Ree.
Kinokontrol ni Desmond ang isang demon para atakihin ang ibang kasama. Naputol ang connection nila ng makalmot siya ng isa sa mga ito.
Naging abo naman ng tamaan ng espada ng anak ni Hermes.
"Salamat!" umiwas siya para pugutan ng ulo ang demon.
"Walang anuman." magkatalikod na sila ngayon.
"Nice one girl!" nagthumbs up ang anak ni Aphrodite kay Ree.
"Ilag!" sinaksak ni Milo ang isang demons sa leeg na malapit sa babae.
Tinulungan niya itong tumayo. Hinayaan naman ng mga kasama ni Lionel na tapusin ang huling demon ganoon din ang kay Alistair.
Nagkalat ang abo sa paanan namin. Ang iba ay nililipad na ng hangin.
"Thank you ulit." sabi ng anak ni Aphrodite.
"Walang problema. " sagot ni Milo.
"Any way, 'di ba naghahanap kayo ng halaman?" nakangiti niyang tanong. Masyado siyang maganda kapag tinitigan.
"Erina..." pigil ni Lionel sa kanya.
"Shut up, idiot." mataray niyang sagot.
"Oo." sagot ni Ree.
Sa totoo lang hindi na namin alam kung saan ang susunod na pupuntahan. We are running out of places to look for.
"We are going to meet someone. She might help." she offered, "Kung gusto niyo lang."
"What do you think?" tanong ko sa kanila.
"Sounds nice." they agreed.
Nakaconvoy kami paalis ng lugar. May sasakyan din pala silang dala. Isang SUV. Gusto nilang sumabay kami pero nahiya kami sa ginawa ni Alistair kanina. Kaya sinundan na lang namin sila.
We drove for an hour bago narating ang isang cafe sa bayan. It looks good. Lalo na ang ambiance.
Cafe Soleil ang nakalagay sa signage. May mga estudyanteng nakauniform sa isang table habang nagkukwentuhan, mayroon ding nagtatype sa laptop habang nainom ng kape.
Pinili namin ang second floor. Mas tago ang parteng ito ng cafe. Nagtanong si Desmond kung ano ang gusto namin. Naguluhan ang iba kalaunan ay nagkasundo din.
"Andito na pala siya." sabi ni Erina.
"Sorry late ako. Inayos ko pa ang gamit ko eh." hingi niya ng pasensya.
Naka white over-all siya na nakapatong sa isang dark-green shirt na at may jacket sa baywang. Hila niya ang isang maleta suot ang isang backpack.
"Okay lang." ngiti ni Erina.
"Cyrus, hoy!" agaw ng katabi sa atensyon niya.
"H-Huh?" nauutal niyang sagot.
"Rosaleen may papagawa ako sayo pwede ba?" tanong niya.
"Ano iyon?" she leans closer for a whisper.
Bumulong lang si Erina sa kanya. Saka sila nagtanguan. "Don't worry. Demigods din sila," bulong niya.
Naupo siya sa harap namin. She closed her eyes and hands joined together. She did it thrice. Nahirapan siya sa huli pero nagawa na pa din.
"Here," binalot niya sa tatlong magkakaibang tissue ang mga buto.
Namangha ako sa ginawa niya. She can grow plants with just her hands!
I can wish for that ability but I won't. Hecate gave it to me so I will practice it."Thank you so much!" nagniningning ang mga mata ni Ree.
"Welcome." ngumiti siya sa amin.
Dumating ang mga order namin. Dala ng server na madaming braso at kamay. But the mist makes him look normal 'normal'. Two arms and hands and a mortal looking image.
"Ano..." nahihiya si Ree, "Pwede mo ba akong igawa ng cherry blossom?"
"Ree..." si Milo na tinignan siya, "Pasensya na."
"It's okay! Nagagamit ko ang ability ko para mapangiti ang iba." she giggles.
She concentrates saka umilaw ang palad niya. I blocked the CCTV camera para hindi makita ang ginagawa niya.
And voila!"Wow!" manghang-mangha siya.
"It lasts longer than the usual." she winks at her.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami. Nauna kaming umalis sa kanila. Buti naman at tumahimik ang dalawa naming kasama. Kung hindi ay hindi namin alam ang gagawin sa kanila.
Mas malayo pala ang napuntahan namin sa lokasyon ng apartment. We had a two and a half drive bago marating iyon. Ginising na lang kami ni Ree pagdating doon.
Nakatingin sa akin si Alistair. Umirap ako bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko kakalimutan ang ginawa niya sa akin. Takot ako sa heights gago ba siya?!
"Ree, kakain na tayo ng dinner." tawag ko sa kanya sa kwarto
"Okay." Binitawan niya ang bulaklak.
Ilalagay niya daw iyon sa frame pag-uwi sa dorm. Tahimik kaming kumakain. Maybe because ayaw nilang magbatuham ulit kami ng kutsilyo o pinggan.
Nagtitingin ang tatlo naming kasama.
What are they thinking?
A scenario entered my head on that spot. We are a family, which we are but not by blood. I have three kids, Desmond, the eldest, Milo, the middle child, and Ree, the youngest. And we are couple on the verge of divorce pero nakatira sa iisang bubong.
Sounds nice? Nope. Binura ko sa isip ko ang pangyayaring iyon. Not in my entire existence.
Madami pa akong dapat alalahanin. Kung naalala na ulit ako ni Papa, at mga kaya ko pang gawin. There are possibilities that we never know.

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...