DESMOND
We are clueless where to start finding Colette. Kaya wala pang liwanag ay tumulak na kami papunta sa mortal realms. Hindi namin alam kung ano ang sinabi nila sa mga estudyante doon but this mission goes first.
Nasa gitna nila Ree si Milo. Katabi ko naman si Alistair na nakapikit, but awake. Both of the girls are watching the sky turn orange. Maya-maya ay nakita kong nakatulog na ang dalawa.
Ginawa nilang unan ang balikat ni Milo."Saan tayo magsisimula?" he said in a hushed voice.
"I don't know. Madami siyang pwedeng puntahan sa mortal realms." paliwanag ko, "Hindi din natin siya ganun kakilala."
"Do you think they were looking for her too?"
"Yung mga kasama natin noon?"
"Siguro. She is one of them after all."
Diretso ang tingin ko sa kalsada hanggang sa makita ko ang highway. We are used to this things. Ang pangit nga lang ay kapag sunod-sunod ang pinapagawa sa amin.
May oras na kababalik pa lang namin ay aalis ulit kami sa mortal realms. May oras naman na wala talagang missions.
"Gisingin mo na sila. I'll get their things." utos ko.
Umikot ako para makuha ang mga gamit. For a week lang ang dala namin. Iniwan din namin si Quinzel at Viper sa clinic, gusto din kasi ng nurse ng may kasama. Baka mawili sila sa ganoon.
Humihikab pa si Ree habang kinukusot ni Lilith ang mga mata. Inaantok pa ang dalawa sa itsura.
"Good morning Sir, Ma'am. Do you have any reservation?" tanong ng receptionist.
"Yes. Two double rooms." sagot ni Milo.
"Let me check our records. This will be quick." ngumiti ito.
"Please do." sagot niya.
Tahimik saglit ang front desk ng maliit na Hotel. Isang linggo lang naman kaya ito na ang kinuha namin. We can't waste money kahit mayaman kami.
Pagkatapos ng sampung minuto at umangat ang ulo ng receptionist.
"Here are your keys for room 315 and 316, under Mr. Milo Sanders reservation. Enjoy your stay!" sabi niya.
"Thank you!" he responds.
Binigay niya ang susi ng 315 sa kanila, sa amin ang 316. Ayaw nilang kasama kami sa kwarto at baka kung ano pa ang isipin ng mga staff dito. Quality time daw nila iyon.
Girls and their wierd stuffs.
"Should we start then?" tanong ni Milo.
"In a bit. Magpahinga muna tayo." sabi ko, "We should grab our lunch nalipasan na tayo sa almusal."
"Alistair, let's go." he called his attention.
Sa labas kami kumain. Naisip na din namin magtanong-tanong pagkatapos nito. Iiwan namin ang sasakyan sa Hotel. Doon na din kami magkikita-kita.
Magkasama si Milo at Ree, ako at si Lilith, gusto naman magsolo ni Alistair.
"Excuse me. Nakikita niyo po ba siya dito?" tanong ko sa guard ng isang school.
"Pasensya na hijo, hindi eh." sagot niya.
"Salamat po." si Lilith.
Sinunod-sunod namin ang mga apartment at bed space sa mga kanto. Wala kaming nakuhang sagot sa mga ito. Hindi na namin mabilang ang mga bahay na pinuntahan. Kahit ang baranggay ay walang maisagot.
"Wala kasing nakatira dito. Baka sa kabilang Barangay." sabi ng tanod.
"Salamat Manong." sagot ko.
Bumili ako ng tubig para sa amin ni Lilith. Tirik na tirik ang araw kaya sobrang init.
"Eto o." inabot ko ang isang boteng tubig.
"Salamat." kinuha niya ito sa kamay ko, "Magtanong-tanong tayo sa pulis."
Suhestiyon niya."We better be." sabi ko.
Wala kaming mapapala kung sa ganito kami magtatanong.
Nakarating kami sa isang pulis station. Wala naman masyadong tao. Bukod sa nagtatalong mag-asawa sa isang tabi. Halatang naririndi ang pulis sa kanilang dalawa.
"Bakit ayaw mo siyang iwan?!" sigaw ng isang lalaki.
"Anak ko siya. Hindi mo ba matanggap iyon?!" sigaw naman pabalik ng babae.
"Anak ng demonyo iyan!" turo niya sa batang lalaki na nagtatago sa likod ng babae.
"Hindi! Ako ang nagpalaki sa kanya kaya alam ko." sagot niya sa lalaking kaharap.
"Halika nga ditong bata ka!" hinila niyang ang batang lalaki.
"Mama!" hagulgol nito.
"Bitawan mo siya!" hinila niya pabalik ang anak.
"Lourdes ako ang asawa mo! Bastardo lang isang ito."
The mother lost her grip to her child. Humahagulgol na pumapalag ang bata sa hawak niya. Pilit na tinatawag ang inang walang magawa.
"Simula ngayon diyan ka matutulog."
Dinala siya sa isang madilim at maduming bodega sa bahay.
"Si Mama! Gusto ko si Mama!" iyak niya.
Hinawakan niya ang panga ng paslit, "Hindi mo siya nanay. Wala siyang anak na demonyo!"
"Desmond you're spacing out." tawag sa akin ni Lilith.
"I'm sorry. Sa pagod lang siguro ito." ngumiti ako.
Wala ang nagtatalong mag-asawa. Kanina pa siguro nakaalis. Si Lilith na ang nagtanong dahil mas may alam siya sa ganitong bagay.
Sinabihan na lang kami na tatawagan kapag may balita. Iniwan namin sa kanila ang numero ng hotel na tinutuluyan namin dahil wala kaming cellphone.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Lilith.
"Oo. Ayos lang ako." labas sa ilong kong sagot.
"You're lying." sabi niya.
"I'm not." titig ko sa mata niya.
"Hindi magaling ng teacher natin kung hindi ko malalaman ang kasinungalingan sa hindi." she insist.
"Wala iyon." medyo tumaas ang boses ko.
Nagulat siya, "O-okay."
"I'm sorry, stress lang ng paghahanap ito." bawi ko.
She shrugged, "Siguro nga."
I'm sorry, Lilith. I can't tell you may past. Masyado pa din masakit kahit matagal na ang nakalipas. I can't bear to remember it all. Just bits of it makes it too painful to handle.
Kami ang huling dumating sa Hotel. Wala kaming nakuhang sagot sa araw na iyon. Magtatanong kami sa susunod na Barangay bukas. Baka andun na ang hinahanap namin.
Natulog na kami pagkatapos magpahinga after dinner. We can't afford to enjoy this stay.
Where are you Colette Blackburn?
Ano ang dahilan mo bakit ka lumayas?
BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...