41

83 2 0
                                    

MILO

"Looking for demigods, huh?" Hades looks at us dismayed.

"We're sorry. We need to confirm it first. For everyone's safety." Orphne explains to him.

She covers for us dahil siya ang nagutos noon. Nagmamadali pa kaming bumaba ng sasakayan papunta sa office niya. Pagdating namin ay nandito na si Hades.

"You have a point. But still... you lied to me!" he angrily points his staff to us. Halos patay sindi din ang ilaw sa office.

"We apologize for lying to you, King Hades." nakayuko kong sagot.

"A real keepers, indeed." puri niya sa amin.

"We met Hecate and Macaria in the hotel." sinabi ni Ree sa kanila.

Nagulat si Orphne. Hades is not surprised at all. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya. He stood there. Staring at us.

"What did they say?" Si Orphne.

"There's a snake in this place." si Lilith.

"I know. It is viper." Si Orphne, "Nakawala pala siya noong isang araw. Nakita din naman ng nurse."

"It is not Viper!" si Ree. Looking disappointed.

We know. Just go with the conversation. Hades talks in our heads.

"Ganoon po ba? Buti walang natuklaw. Ayaw pa naman niya ng ginugulat." sabi ni Lilith.

"I'm sorry." humingi ng tawad si Ree.

"May mga ahas naman talaga dito dahil malapit tayo sa gubat. Naturally, snakes live here." Orphne explains diniinan ang salitang live, "Nauna sila sa atin."

How do they know? Did someone tell them? Kilala ba nila? They are being cautious in what they speak all of a sudden.

May kumatok sa pinto ng office. Sumilip dito ang apo ni Medea. Si Maeve.

We act naturally. Friendly but cautious.

"Good morning po. May pinapakuha po ang nurse kay Lilith. Nasa dorm daw po nila." sabi niya.

"Samahan na kita." sabi ni Ree.

"No need, mabilis lang ito." she waves at us.

Lumingon siya sa amin bago lumabasa. A silent communication among the five of us. Nagtanguan na lang kami.

"Be careful keepers. That snake is not contained for nothing. It might harm you in your territory."

"Yes, Ma'am."

Hinihingal na bumalik si Lilith sa office. Halatang nagpanic. "May... n-nangulo sa... dorm!"

"Orphne. Check it with it with them." utos ni Hades.

"Yes, Your highness." formal niyang sagot.

Pagdating namin ay magulo nga ang loob. Basag ang pinto ng balcony, nagkalat ang mga bubog sa kusina at salas, the tv is broken. The sketch that Ree made is torn into pieces.

"Check your rooms." utos ni Orphne.

Pagdating ko sa kwarto ay wala naman nagalaw. I double checked everything. Pinuntahan ko si Ree. She looks angry, ganoon din si Lilith.

Their rooms are messed-up. Lilith clothes are thrown on the floor, basag ang salamin. Kumalat ang pintura sa sahig at kama ni Ree. May ibang painting din na sinira.

"I lost my music box." Lilith's eyes looks dark.

Nakayukom naman ang kamay ni Ree sa nasirang mga painting sa kwarto, lalo na sa drawing na punit-punit.

"Bakit kami lang ang sira ang kwarto?!" nagpupuyos niyang sigaw.

"Calm down." hinawakan ko ang balikat niya.

Pinagsuspetsahan ang isang taong kilala namin. But may witness na nagpatunay na hindi siya ang may gawa noon.

Alistair came back with a black hound with him. Nagtaas naman ng kilay si Lilith sa ginawa niya.

"Trace the scent." he told the dog.

"Did you check your room?" sabi ni Desmond sa kanya.

"None was moved." he looks at the Lilith.

Sila lang ang sinira ang kwarto. Ang tanong bakit?

"Stay on the top floor this evening. Ipapaayos ko muna ang dorm niyo." sabi ni Orphne.

Top floor?

It's a presidential suite. Doon tumutuloy si Hades at Persephone. Dalawa naman ang kwarto doon. Isa kila Hades at isa kay Colette. Hindi naman siya tumutuloy doon kay walang nagamit.

Kumuha kami ng ilang gamit. Inayos din ni Lilith at Ree ang mga gamit sa kwarto nila.

Paglabas namin ay may mga estudyante na sa labas ng dorm.

"Grabe naman ang ginawa sa dorm nila."

"Buti nga mga pa-VIP kasi. Kala mo importante."

"Nadamay pa sila sa kamalasan nung kasama nila."

"Tumahimik ka nga! Baka isumpa ka pa noon eh."

Sinamaan ni Ree ng tingin ang nagbubulungan. Lilith is walking like nothing. Desmond and Alistair is left to investigate. Sasamahan ko ang dalawa sa taas.

Hindi nila pinansin ang ayos ng kwarto. Bagkus ay naupo sila sa mahabang sofa.

"PA-VIP?! EH MUNTIK NA TAYONG MAMATAY SA GINAGAWA NATIN!" sigaw ni Ree, "BUTI NGA HINDI NILA PINOPROBLEMA ANG PROPHECY!" nakayukom ang kamay niya.

Tahimik naman si Lilith. Malungkot na naman siyang tulala.

"Wag mo silang pansinin. Naiinggit lang sila." coming from the former who shrieked before.

Lilith smiled weakly, "I need to be alone."

Pumasok siya sa kwarto sa kanan, closing the door. Napatingin naman ako kay Ree. Nakatayo siya sa tapat ng kwartong pinasukan ng kasama.

"Let her be." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ano bang ginawa natin?" tanong niya, "Why us? Pwede naman sa iba."

"Hush. Matatapos din ito." alo ko.

Mababawasan hindi matatapos. We have more weight on our shoulders.

Pinagusapan namin sa hotel kung sasabihin ang nalaman namin kay Trophonius.

Not yet.

Sasabihin namin kapag tapos na ang isang ito. Si Orphne kasi ang namomroblema para sa amin. Ito lang ang magagawa namin para mabawasan iyon.

We need to be selfish this time. This is given to us to solve. Hindi naman ibibigay sa amin kung hindi namin kaya.

Pumasok si Desmond at Alistair.

"Nahanap na namin ang may gawa."
Si Desmond.

Kumalas sa akin si Ree. Naghihintay ng kasunod na sasabihin. Anticipating the nesxt words.

"Hindi niya daw alam ang ginagawa niya." Si Alistair, "Sinira lang ang lugar. No perpetrator."

"Bakit daw ang kwarto nila Ree ang binuksan?" tanong ko.

"Iyon daw ang naisip niyang sirain." Si Desmond.

Hindi pwedeng walang motibo. Dahil naisip niyang sirain ang dorm at kwarto nila ay ginawa na niya?! Nonsense.

"I don't think so." sagot ni Ree.

"Where is she?" si Alistair.

"Locked herself up." tinuro niya ang pinto.

"Nadinig niya yung sinabi ng iba. She acts tough though." dugtong ko.

"Let me talk to her." Alistair said.

Si Ree ang kumatok pero siya ang papasok sa loob ng kwarto. She needs to be alone but this time kailangan niya ng kausap.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon