LILITH
Paano kaya nila nakuha ng tama ang size ko? The uniform fits me pati ang black shoes na suot ko. Binigay din nila ang duffel bag na dala ko pagkagaling ko sa mortal world.
I am browsing on my phone. May battery pa pala ito. 74% pa ang battery nito. Hindi ko din naman magamit dito dahil wala sila nito.
I keep swiping hanggang sa makita ko ang picture namin ni Papa. He is in his uniform. Pangarap ko din ang maging pulis katulad niya. Now, I can't do that. Pinalis ko ang luha sa mata ko.
May kumatok sa pintuan ko, "Let's go?" sumilip si Ree dito.
"Magsusuklay lang ako." walang gana kong sagot.
One last look at the mirror.
I look paler with my clothes. Double breasted blazer, white longsleeves, black and gold striped necktie, pencil skirt na above the knee, knee socks at black low heeled shoes. Halos lahat black bukod sa innershirt at stripes ng necktie at medyas.
Lumabas na ako ng kwarto. Tinignan ko din ang orasan sa pulso ko. Five minutes to six pm.
Kami ang huling pumasok sa ceremonial hall. Dalawang malalaking pinto ang bumukas. Sumalubong sa amin ang high ceiling na kwarto at marbled pillars. Naksabit din ang gold and diamond chandeliers sa kisame. Nakahanda din ang circular tables na may kandila sa ginta.
Naging maingay ang ibang lamesa dahil sa amin. Hindi pa ba sila sanay sa ganito? Ngayon lang ulit yata nagkaroon ng bagong estudyante.
Umupo na kami ay hindi iyon pinansin."Welcome students!" bati sa amin ng Principal. Nakasuot siya ng itim na chiton at nakaayos din ang buhok niya. Nakatayo siya sa podium habang nasa mahabang lamesa ang ibang guro.
"The King and Queen of the underworld sends their warm welcome to the new and old students."
Everyone claps because of that. Isa-isa din nilagyan ng tubig ang mga baso sa harap namin habang nagsasalita ang ang siya sa unahan.
"We will now start the claiming ceremony." she announced.
Dito daw ibibigay ang graces ng mga Gods and Goddesses sa amin bukod sa abilities na mayroon kami. Hindi ko nga alam kung ano ang ability ko.
Pinapatayo ang mga bagong dating sa ilalim ng altar.
"Seige, daughter of Eris."
"Louie, grandson of Lethe."
"Tyrone, son of Rhadamanthys."
"Summer, granddaughter of Minos."
"Julius, great grandson of Aeacus."
Pagpapakilala sa kanila. May mga graces o regalo silang natatanggap. Some are magical objects or weapons na related sa Deity nila.
"The new members of the Elite." nagcheer sa kanila ang mga kasama sa lamesa.
Sumunod ang tatlong babae sa kanila. They all look cold and snob. The look in their eyes says something. Parang may kompetisyon din ang dalawang babae sa kisla ng mga mata nila.
"Raven, daughter of Styx."
"Maeve, grandaughter of Medea."
"Astrid, grandaughter of Circe."
Everyone looks in awe with their gifts. Hindi kapani-paniwalang may mga apo si Circe at Medea. Ano kaya ang reaction ng iba kung mangkukulam ang lahing pinanggalinggan nila.
"The new members of watchers."
Nasabi na sa akin ni Milo ang tungkol sa ranking dito. It was predestined kahit hindi pa kami pumapasok. Noong una nagulat ako at... naweirduhan.
"Tayo na ang susunod." excited si Ree sa upuan niya.
"Ano kaya ang ibibigay ni Papa sa akin?" si Desmond.
Nakapagserve na din pala ng pagkain sa harap namin. Steak at mashed potato ang nakahain. Hindi ko din napansin ang gutom dahil sa mga naririnig at nakikita ko.
"Keepers take your stand under your altars." utos ni Miss Orphne.
Sumunod ako sa kanila. It feels weird. Dahil kusa akong pumunta sa altar. Hindi ko naman kilala kung sino si Hecate, kahit magbasa ng greek hindi ako marunong.
Isa-isa din kaming pinakilala.
"Milo, son of Acheron."
"Coriane, daughter of Macaria."
Hindi ko na narinig ang sumunod dahil sa itim na usok na bumalot sa akin. It's not suffocating though.
"Whoa."
Napunta ako sa isang kwarto may mga vials at bolang crystal dito. Pati spellbooks meron din. May dalawang torch sa magkahiwalay na pader. It burns bright. Making the dark room brighter.
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. The coldness seeps in my clothes. Mainit ang suot ko pero lumamig sa hawak niya.
"Lilith." halos hindi ako makahinga sa yakap niya.
Black shiny hair, her glistening almond shaped charcoal black eyes, bumagay sa kanya ang kaputian ng balat niya. Her chiton is black with gold belt na ang palda ay sumasayad sa sahig.
"M-Ma?" nauutal kong tanong.
"Yes, dear. I'm your mother."
I can't believe it. This chthonic goddess is my Mom. Napahawak ako sa bibig ko.
"I know you are still shocked but..." niyakap niya ulit ako bago tinignan maigi. Cupping my face. Checking if I am real.
"Is your father okay?" tanong niya.
Hindi ko alam kung okay pa si Papa. Simula ng umalis ako ay wala ako balita sa kanya. He called me a thief sa sarili kong bahay.
"I don't know... lumayas ako." tears form under my eyes, "Nakalimutan niya ako."
"Oh, Dear..." pinalis niya ang luha sa mga mata ko, "I'm sorry sana nalaman ko kaagad."
"Why didn't you live with us?" tanong ko.
Galit ako sa kanya. Iniwan niya kami noon. Papa raised me alone by himself. Ayaw niya din maghanap ng iba dahil naniniwala siyang babalik si Mama. Pero hindi... Walang Agnes Salazar na bumalik.
"I'm sorry I lied to him. Tungkol sa pangalan ko." her cold hands are cupping may cheeks.
"Why?" puno ng galit ang mga mata ko.
"I have duties..." paliwanag niya, "here in the Underworld."
"Paano naman ako? Kami?" nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, "Hindi mo ba kami naisip?"
"I did, pero wala na kayo sa dating niyong bahay." umiwas ako sa paghawak niya, "I saw the ashes and ruins."
"Didn't you try finding us?!" sigaw ko.
Shit. Dahil sa ability ko muntik ng mamatay yung torch na kusa naman lumiwanag ulit.
"Natakot akong baka patay na kayo." she tried to hold my hands.
"Clearly, we're not." malamig kong sagot.

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasíaTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...