21

126 5 0
                                    

MILO

Nagalinlangan pa kaming buksan ang sulat. Pero pagkabasa namin ay para sa amin nga ito. Hindi naman kasi sinabi sa labas ng sobre kung para kanino. Tsk.

Hades loves this kind of things. Magugulat ka na lang may bigay na pala sayo hindi mo pa alam.

Ako na ang bumasa ng sulat. Naging background music na lang ang pinapanood namin. Sumakto pa ang tugtog para dito. Pasuspense ang effect.

"Keepers, In behalf of the Underworld I would like to summon you to the mortal realms. I want you to do this mission discreetly for a problem has arrived on my door. My daughter, the princess of the underworld, ran away. She is nowhere to be found. Search all the possible places in the mortal realms until the end of the world." I cleared my throat, "You shall be rewarded for the benefit of the doubt in search for your missing Princess. I have problems to be solved that's why I ask for your help. Rest assured you will have your rewards if the mission is fulfilled. Hades."

"Di na nakikita ito ng watchers? tanong ni Lilith.

"Nope. Binalutan ng mist ang letter." I told her.

"Kailan tayo magsisimula?" si Desmond.

"Kapag nakita na natin ang anino ni Alistair." sagot ko.

Ang lalaking iyon. Kung saan-saan nagsususuot. Para talaga siyang si Quinzel. He is silent kaya parang hindi namin siya kasama.

"I'll look for him." sabi ko.

"Sasama ako." volunteer ni Desmond.

Pinagayos na lang namin ng mga pinagkainan at gamit ang mga babae. This legwork is for us. Mapapabilis din ang paghahanap kung kami ang gagawa. Baka gumala lang ang dalawa.

"East wing ako, sa West wing ka na. Dito ulit tayo magkita." sabi ni Desmond.

Sinimulan kong suyudin ang West wing. I checked every rooms pero wala. Ang naglalakihang bintana ay nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko.

Where could he be? Palagi na lang siyang wala sa dorm.

"Hindi ka ba nagsasawa diyan?" tanong ng isang babae.

"Bakit naman?" nakaupo siya sa isang haligi sa bintana.

Nagtago ako sa pader na malayo sa kanila. Nadidinig ko sila dahil sila lang ang nandito sa hallway. Umeecho ang boses nila.

"It's trash." sabi ni Kiera.

"Why do you care?" bored na sagot ni Alistair.

"Galing ba iyan sa bagong salta?" naiinis niyang tanong.

Girlfriend ba siya at ganyan siya umasta. Kaya walang nalapit kay Alistair dahil pinagbabantaan ng babaeng ito. No one dares to disobey her.

"Don't call her that?" malamig na turan ng kausap.

Interesting.

"Gusto mo na ba siya ha?!" sigaw ni Kiera.

"Walang kang pake doon. Pwede ba?" naiirita na si Alistair sa tono ng boses niya.

"So you do." she scoffs.

"Get lost, Kiera." sabi niya dito.

I want to laugh. This girl is so pathetic. Persistent as she is ay barado naman kay Lilith. Ngayon kay Alistair.

"Alistair, I like you!" she confessed.

"No, Kiera you don't." he retorted, "Hindi mo ba nakikita na pinapahirapan mo lang ang sarili mo?"

What a speech Alistair. Kakaiba ang kinikilos niya ngayon. He seems... Wordy.

"Hindi. Sa iba ka kasi nagpapapansin kahit ayaw sayo." si Kiera.

"That's none of your business." he said.

"That is my business! Noong wala pa siya hindi ka naman ganyan. Bakit are you in love with her?" she's desperate.

"So what if I am?" he told her.

What? Para akong nakikinig ng isang telenovela. The cliché set-up of a girl and a boy. The love triangle, the third party.

And he what? Love's Lilith? Tatawanan lang siya noon. She hated him in the first place.

"She doesn't like you," Kiera retorted.

"Ano ngayon? Did I told her? I don't," he is so honest pero tumitiklop kapag kaharap ito.

"You will push through kahit masakit?" tanong ni Kiera.

"If that's what it takes," buong tapang niyang sagot.

Bakit nga naman gano'n? We love the person who hated us instead of looking someone who loves us. We like to reach something far when there is something near us.

Ito siguro ang sakit ng mga mortal. Maging martyr.

Humahagulgol na umalis si Kiera. She shed tears of sadness and shame. Kilala ko ang ugali niya. Alam kong gaganti siya kay Lilith.

Saka ako lumabas ng pinagtataguan ko. Inayos ko ang tono ng boses at paglalakad ko.

"Alistair," tawag ko sa kanya.

"Milo..." bati ni pabalik, "Narinig mo ba kami?"

"Anong narinig?" patay malisya kong sagot, "Bakit anong mayroon?"

"Wala," sagot niya, "What is it?" tanong niya.

"Pagusapan natin sa dorm. Hindi pwede sa labas." inunahan ko siya sa paglalakad.

Akala ko tinapon niya ang librong iyon. So he kept it and reads it in secret kaya lagi siyang nawawala? He really is unpredictable.

Kapag may binigay si Kiera ay tinatapon niya ito agad. Tapos ito... I cannot believe what I'm seeing.

Lilith anong mayroon sa suntok mo at nagkaganito ang kaibigan namin.

Pagdating sa dorm ay nandoon na si Desmond at hindi na ako nahintay. Pinaliwanag din namin kay Alistair ang mangyayari at kung ano ang gagawin namin.

"Okay," sagot niya.

Iyon lang ang nakuha naming sagot sa kanya. Naging matipid ulit siya sa pagsasalita. Almost no response at all!

Kagagaling lang ni Lilith galing sa kusina. Pinakain siguro si Quinzel at Viper.

My lips rose from the corner and look at her. Iiling-iling ako sa kanya. Nagtataka naman ang dalawa sa inasal ko. I don't want to spoil what I heard. Sa akin muna iyon.

That fool!

Iisipin ko muna ang mission namin. Colette will never do that unless there's a reason. Ano nga ba iyon?

Siya ang tagapamana ng institute na ito. She will lead this someday. Not now dahil hindi pa pinapasa ni Hades sa kanya. She is lucky dahil walang sapilitang kasal na nagaganap sa kanya.

I heard her step-mom and her dad's marriage is upon force. But Persephone got lucky. Hindi katulad nila Zeus, who had affairs, ang napang-asawa niya. He is Loyal to her. And Colette is one lucky girl to have a caring step mother.

Now, where in the mortal realms is the Princess hiding?

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon