CHAPTER ONE

1K 62 37
                                    

Warning: If you love perfection then f*ck off:)

___

Rude

"Ate!" reklamo nito ng kunin ko sa kaniya ang remote ng TV. I raised my brow at him, nanghahamon ng rambulan.

"Oh? Kakasa ka?" masungit kong tanong. Pahapyaw na sumimangot ito bago tumahimik na lamang.

Pairap na lumingon ako sa TV'ng nasa harapan bago inilipat ang channel tungkol sa mga bituin and such.

Oh, how I love such sceneries.

Hindi ko mapigilang ngumiti ng makita sa TV ang paborito kong tignan. Para sa akin kahit maraming magagandang view dito sa Pilipinas o sa buong mundo man ay ito pa rin ang pinaka-paborito ko.

"Ate." Salubong ang kilay na nilingon ko ang kapatid ko. His lips protruded for a pout.

"Grabe ka. Kanina nakangiti ka tapos tinawag ka lang ay ang sungit mo na agad. Ang rude-rude mo, ate. Maldita pa." Simangot nito. Sumimangot din ako sa likod ng isipan ko. Itong isang ito, nako.

Tsk! Salubong lang ang kilay, rude na agad?

Pinili ko na lang ngumisi sa kapatid ko kahit gustong gusto ko na talaga siyang itaob.

"Well that's my name. So, anong mayroon?" taas kilay kong tanong. Istorbo rin itong isang ito, eh.

"Manliligaw mo kanina pa sumisigaw sa labas." Napakurap-kurap ako sa sinabi nito.

May manliligaw ako?

"May manliligaw ako?" ulit ko sa tanong ng isipan ko. Napatampal ito sa noo niya.

"Marami kang manliligaw, ate. Nakalimutan mo na?" Napakamot ako sa pisngi ko. Well, kind of.

"Well, they are nothing but a bunch of assholes and jerks. Also, hindi naman sila kagwapuhan. May iba pero slight lang bagsak pa sa ugali. Naku, huwag na lang. Hindi ko pa nahahanap ang perfect man ko, well not literally, wait lang babastedin ko lang."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilabas ang taong naghihintay sa labas ng bahay namin na manliligaw ko 'kuno'. Agad kong nakita ang anak ng mayor sa bayan na ito. He is handsome, but I don't like him. Masiyadong mayabang. Pareho kami. Sinong magpapakumbaba? Ako? No way, a very big NO.

"What are you doing here, Carlos? Hindi mo ba nasagap sa balita na hindi ako tumatanggap ng..." I trailed my words off and look at him from head to toe." Duwendeng manliligaw?"

I smiled at him without humor. Agad namula ang mukha nito sa sinabi ko. Oh, it's not my fault that what I said was painfully true. Oppsie, dapat kasi nag-growie siya. Mas matangkad pa ako sa sa kaniya sa lagay na ito, ah.

"Rudeoz, at least may naiwan pa sa manliligaw mo. I heard that you were fired again from work." I raised my brow at him.

So what? May naipon naman ako at para namang iyon na lang ang last na restawrang mapapasukan ko. Duh? Stupid asshole.

Paano ba naman kasi. Iyong asawa ng manager doon, inakalang nilalandi ko iyong lalaki. Ghad! Stupidness all over the world! Duh? Ako? Papatol sa babaero? No way. Hindi ko lang talaga maatim na manloloko iyong lalaki at stupida naman iyong babae. Hindi niya alam, at ayaw niya ring maniwala. Edi wow.

"Sinabi ko naman sa iyo na sagutin mo na ako. You don't need to work anymore. I can give you all your needs and all you have to do is live like a princess while being my wife, isn't that great?" He grinned.

Nakita ko pa ang sirang ngipin niya. Eww. Pabor sana sa akin iyong sinabi niya maliban sa parteng gagawin niya akong asawa niya. Duh? I'm still nineteen. Bata pa ako para roon. I don't even love nor like him. Wala siyang pag-asa sa akin lalo na ngayon.

Napabuntonghininga ako. Ito! Ito ang problema sa mayayaman, ghad! Nagdidilim paningin ko. Pigilan sana ako ng kalukuwa ko kung hindi ay masasapak ko ito!

I glared at him. " Lumayas ka sa harap ng pamamahay namin, Carlos. Pagbilang ko ng tatlo at nandito ka pa rin sa harapan ko..." I trailed my words off and whistled loudly.

Hindi pa man tumatagal ay nagsilabasan lahat ng kapitbahay namin at ang pamilya ko. May ibang may hawak na pampalo, kutsilyo, baton, etcetera.

"Isa, dal--" Napangisi na lamang ako ng magkandauga-uga ito sa pagtakbo palabas ng eskinita kung saan kami nakatira. Yes, we are not rich not like them. Pero masaya naman ako, kaya ano pang hihilingin ko sa mundo?

Nagtawanan ang lahat ng tao na lumabas pa sa pamamahay nila dahil lang sa akin. They were talking about how coward that damn asshole is. I shouted my 'thanks' to them. Ito ang buhay na mayroon ako mula pagkabata. I am treated, always, like a princess here in our place. Dahil mukha rin naman daw akong prinsesa sa mukhang mayroon ako na namana ko naman sa nowhere-to-be-found kong ama.

Pagkatapos daw kasing malaman nito na nakabuo sila ni Mama ay iniwan niya ito ng walang pasabi. Thanks God, my Mom fell in love again. At ngayon ay sa tamang tao na.  Ako ang panganay sa pamilya namin at may tatlo pa akong kapatid na lalaki. And thankfully, they all treated me like their biological older sister, especially my father who really treats me like I’m his. Kaya sa buhay na mayroon ako ay wala na akong mahihiling pa. Well, there is one, but I doubt that it will happen.

"Ang malas mo talaga sa manliligaw, ate," Flare said. Ang pumapangalawa sa akin. Siya ang panganay na lalaki sa tatlo.

"Duh! At least maswerte sa mukha," I jokingly said.

"Yabang." Simangot nito.

"Mayabang talaga iyan, kuya, kaya nga ayaw niya kay Kuya Carlos eh dahil baka malamangan siya or worse mapalitan!" Ang pangalawang lalaki ni Papa ay tumawa.

I shrugged my shoulders. It's partly true so I will not even deny it.

"Wala naman siyang maipagmamayabang. Retokeng mukha? Duwende height? Sirang ngipin? Ghad! That's ridiculous!" I laughed in disgusts.

"Ayan ka na naman, ate. Ang rude-rude mo na naman. Kaya wala kang jowa eh." Ang bunso namin ay sumimangot.

"Bakit? Gusto mo na akong magka-boyfriend, bunso?" I smiled sweetly at him.

"Opo. Para solo ko na ang TV," my smile faded at what he said. Napuno nang tawa ni Flare at Yuan ang buong sala. Habang ako ay tameme pa rin.

"Grabe bunso---HAHAHAHA tama ka riyan, bunso. Rude pa naman din ni ate, hindi ba? Hindi ba?" natatawa pa ring sabi ni Yuan.

"Ayan, may nakamana na sa ugali mo ate--HAHAHAHA perfect na perfect!" Flare laughed with so much humor that made my blood boil.

Napabuntonghininga ako nang malalim. I really need it to calm my nerves down. Pero nang makita kong tumatawa pa rin sila ay tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

Huwag mo akong pigilan, mabait kong konsensya. Sasakal lang ako ng mga bubwit!

"Peste! Humanda kayo sa akin!"

_____________

Let’s get connected!

Facebook Account: Rosas Del'Fuego.
Instagram Account: rosasasss_
Twitter Account: rosasasss_

To those who wanted to message me anonymously, you can check this link out: sayout.me/say/rosasasss

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon