CHAPTER FIFTEEN

300 28 0
                                    

___

Partner

"Hey, malapit na ang festival. Are you going to join some contest?" Umagang umaga palang ay ito na ang bungad ni R sa 'kin. I knotted my forehead, contest?

"Contest? What kind?" Kuryoso kong tanong.

"Beauty, voice, moves, and many more. And many many more booths! OMG! Excited na ako!" She giggled, napaisip naman ako. Contest, I'm not really into beauty contest kahit yeah, maganda ako. My voice is good pero hindi pa ako nakakasali sa isang contest. And yeah, talented rin ako sa sayawan.

"May sasalihan ka?" Tanong ko sakanya.

"Yep, meron. Dance contest. Marami kami dun at puro medicinal students." She smiled.

"Nag-practice na kayo?" Gulat kong tanong.

"Uhum, ng malaman kong magkakaroon na naman ng festival ay agad akong nagpa-meeting para sa araw na iyon." Hindi na kataka-taka iyon, Redeaz is their classroom President. Sa amin ay 'yong pinakamatalino na mabait din naman. Hindi rin ako babagay sa posisyon na iyon, hanggang ganda lang ako eh charot basta ayaw ko sa gano'n, baka 'pag hindi sumunod ang isa sa kanila sa akin ay makapahiya pa 'ko, kaya 'wag nalang. At tsaka delikado rin lalo na't mainitin ang ulo ko, mandilim pa paningin ko at makasapak ako ng kaklase. Actually nominated ako bilang President sa classroom na tinanggihan ko at 'yon ang mga inirason ko. May natawa pa sa sinabi ko noon at ng taliman ko ng tingin ay natahimik, alam niya atang seryoso ako, sa talim ba naman ng tingin ko, 'di ba?

"Hm, hindi ko alam kung may sasalihan ba ako. I'll think about it." Kibit balikat ko na lamang, she also shrugged and smiled. We bid our 'see you's' ng oras na para magkahiwalay kami ng landas.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa tahimik na hallway. I pouted ng maalalang hindi siya kasama ngayong araw sa pagsundo sa akin. Nagtataka pa rin ako sa inasta niya kagabi, he suddenly turn cold. Ni hindi ko na rin sya nakausap. Isang malamig na 'bye' at 'night' lang ang sinabi niya sa akin kagabi. I badly want to ask him what's wrong pero wala naman akong number niya.

Hays, I know hindi dapat ako magreklamo sa inaasta niya pero feeling ko kasi may problema siya, tatanungin ko sana si R kaso baka mag-alala siya sa kakambal, I don't want her to worry kaya gusto ko sana ako nalang mismo ang magtatanong sakanya.

Alam kong para akong girlfriend dito na nagrereklamo but ew! Hindi kami talo, ang akin lang ay ayaw ko ng bad vibes lalo na kung susungitan niya lang ako at panlalamigan. Argh! Doon siya sa kinagagalitan niya manlamig, 'wag niya kong idamay. Aba!

I felt someone walk beside me. Agad kong nalaman kong sino ito ng mag react ang puso ko, hindi na talaga nawala ang kahihiyan ko ng tumapak ako sa mansyon nila. I always felt nervous towards him dahil lagi kong naiisip na baka pagtawanan niya ako. Hindi ko alam kung anong koneksyon nun sa tibok ng puso ko but anyways..

"Geo!" I smiled widely at him. He just nodded his head at me, napasimangot tuloy ako ng wala sa oras.

"What's wrong? Still in bad mood?" Tanong ko. Kahit gusto kong mag walk out dahil mukha akong tanga kakausap sa isang yelo ay hindi ko magawa, I'm curious, alright?

"Nothing. Just wake up in the wrong side of bed," He answered gloomily.

"Tss, you always wake up in the wrong side of bed. Kailan magiging right 'yan, ha?" Reklamo ko at inunahan siya sa paglalakad. I don't have time to talk to someone like him. Nakakainis!

Parang ako pa tuloy ang naghahabol na makausap siya. Naghahabol naman talaga ako, I'm just concern! Baka may problema siya tapos, tapos--arghhh! Nakakapandilim ng paningin!

Ng makarating ako sa classroom ay tahimik lamang akong pumasok. Everyone became silent too, dahil na rin siguro sa dahilan na pumasok si Geo na nakasunod lang din naman sa'kin. Absent nga 'to palagi, 'di ba? Mayor kasi, tss.

At hindi ko alam kung mag-a-assume ba ako o hindi pero ng magsimula 'yong truce at naging malapit kami ng onti sa isa't isa ay palagi na siyang pumapasok. Naisip ko lang na baka pumapasok na siya dahil sa'kin at dahil may something but then, duh? Ew nga pala! Yucks! At mas yuck dahil sa ugali niya, hmp! It was actually fine for him not to attend the class dahil sobrang talino din naman niya. Mag kambal talaga sila ni R, pareho ng maganda at gwapo, matalino pa.

'Argh! Why am I complementing him now?!'

Napasimangot ako.

'Hindi sya 'no! I'm complementing R, not that gago!'

"Good morning guys! Please take your proper seat!" Ang magiliw naming President ay nagsalita. He's a gay by the way. Ng nakaupo na at naging tahimik ang lahat ay agad niyang sinimulan ang nais niyang sabihin.

"So, I think you all heard about the festival, right?" We all answered 'yes' in unison.

"And about that festival, may mga contest na gaganapin. Top 1 for that is the beauty contest but as far as I know, pinalitan na nila ito ngayon, it will be Mr. and Miss Sanford. So for that contest, I want one guy and girl to willingly volunteer their selves. So who's up for it?" Pumalakpak ito habang nakangiti, I slumped on my seat deeply. I'm not into this thing anyway at mas lalo akong walang ganang sumali dahil mainit na rin ang ulo ko.

"Anyone? Yung seryoso talaga," he added ng halos lahat ng classmate ko ay nagtaas ng kamay. Magaganda't gwapo naman silang lahat so not bad.

"At yung makakasagot sa Q&A ng tama, iyong galing sa heart talaga ang sagot. Someone who can do the talents too," Dahil sa sinabing iyon ay nabawasan ang nagtaas ng kamay. They groaned in frustrations.

"Voting nalang Pres!" One of my classmates suggested na pinahintulutan naman nito.

"So for boys, sinong gusto niyo?" He asked.

"Si Auriel, Pres! Yummy!" Ang katabi ko ay ngiting ngiti ng isigaw iyon. I look at her from head to toe.

'Tss, kinulang naman sa tela.'

Dahil sa napili na si Geo ay wala ng lumaban pa sa boys. Talo na din naman sila. Himala nga at hindi nagreklamo ang gago, gusto niya ata ang gagawin niya. Whatever.

"For girls, sino ang gu---"

"I want Rudeoz to be my partner," Rinig ko ang singhapan ng lahat sa sinabi niyang iyon. Lahat ng mata ay napunta sa akin.

'Did I hear it right?'


_____________________

LROA_26💕

Happy Reading:)

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon