CHAPTER THIRTEEN

660 33 2
                                        

___

Wonderland

"R!" Tili ni Redeaz ng makita ako. Katatapos lang ng one hour class namin at two p.m. na ngayon. R texted me to meet her in the cafeteria. I roamed my eyes around to look for someone.

'Wala siya?'

"Oh? Ako ang nandito, ang kakambal ko ang hinahanap mo. Nakakatampo ka na R! Naging mag-kaibigan lang kayo ni Kuya, echapwera na agad ako." She pouted, inirapan ko naman siya.

"Manlilibre daw siya. Libre iyon R, 'di ko iyon palalagpasin." I grinned and sat in the vacant chair.

"Oh, well. Kaya nga tayo mag-best friend dahil pareho tayong matakaw." She chuckled.

"Here's your food." Napasinghap ako at mabilis na napatingala sa bagong dating. I automatically smiled at him, ni hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa gawi namin.

"Libre mo kuya?" Tanong ni R na nagniningning na ang mga mata.

"Hmm kay Rudeoz, saiyo hindi. May sarili kang pera," agarang napasimangot ang kakambal nito sa sinabi niya. Pinalo ko naman ang braso nito.

'Shit, matigas bhe.'

"Ang sama mo, libre mo na din kambal mo." I pouted, nagbeautiful eyes naman si Redeaz. Bumuntong hininga lang ito at tumango. Tumili sa saya si R, ako naman ay napangiti lang.

"Pero ikaw na pumunta sa counter, tinatamad nako." Inilihad nito ang pera na agad namang tinanggap ni Redeaz.

"Okay, iisipin ko nalang na iyon ang rason at hindi--"

"Babawiin ko o aalis ka na?" Tatawa tawa namang umalis si Redeaz, may pa-hum hum pa itong nalalaman dahil lang sa nakalibre na naman. Masarap naman kasi talagang kumain lalo na kung libre hehe.

"Takaw talaga," tatawa tawang sabi ko. Nilingon ko naman si Geo.

'Ayan na naman 'yang titig niya.'

"Anong tinititig titig mo, gago?" Taas kilay kong tanong. The side of his lips rose up for a smile. Damn, malapit na sana akong mabulunan sa kinakain ko.

'Kalma selp, ngiti lang 'yon. Ngiti lang!'

"How's your day?" Tanong nito. Inirapan ko siya.

"Magkasama tayo palagi sa classroom tapos tinatanong mo ako. Are you nuts?" Nakangiwi kong tanong sakanya.

"Tss, then how are you?" Masungit nitong tanong dahilan para matawa ako. Hinarap ko siya at tinigilan muna sa kakapakpak ang pagkaing nasa harap ko. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kamay ko, naglagay rin ako ng alcohol sa kamay ko pagkatapos ay malakas kong pinisil ang pisngi niya at pinanggigilan ng sobra. Ang kyut!

"I'm fine po, sungit. Eh, ikaw? Ba't ka na naman nagsusungit, hmm?" Ngisi ko. Umiwas ito ng tingin at hindi nakaligtas sa 'kin ang ginawang pag-irap niya. Sungit talaga.

"You didn't answer my first question properly," aniya sa masungit na paraan pa din at hindi pa rin ito lumilingon sa gawi ko. Gusto ko sanang tanungin siya kung sino kausap niya kaso 'wag na, baka lalo lang uminit ulo niya hahaha.

"Fine po, mister. My day is fine. Beautiful as ever." Itinaas baba ko ang kilay ko ng lumingon na rin ito sa akin sa wakas kaso salubong naman ang kilay. May problema ata talaga sa mundo itong isang 'to. Saan ba 'to ipinaglihi? Kahit ano atang gawin niya, masungit pa rin siya, amp.

"And why is it fine and beautiful?" Tanong niya. Napakamot ako ng palihim sa batok ko. Napalingon ako kung nasaan si Redeaz na nasa counter pa rin, napangiwi ako. Ba't ba ako naiwan sa isang 'to?

'Raming tanong ng batang 'to, nako!'

Napailing nalang ako. Simula ng nagsimula kami sa truce naming dalawa as friends ay palagi na siyang ganito. Asking my day, my mood, my life and many more at puro 'yon tungkol sa akin. Nasasanay na nga rin ako at problema 'yon grr. Pano kung 'di gumana 'tong truce namin at mauwi kami sa pikunan, pa rin? Tapos ganito siya lagi, Redeaz is very very right, her twin is really sweet. Tinalo pa ang isang boyfriend sa mga tanong niya at ayaw kong masanay pero wala na, kahit presensya niya nga lang ay hinahanap-hanap ko na.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at pinili na lamang siyang titigan.

'Eh sa maganda palagi ang view ko eh, paanong 'di magiging fine and beautiful?' I smiled at my own thoughts.

Yes it's true and that's my reason why. Paano ba naman kasi, sa classroom palagi ko siyang nakikita. Pag nakikipagkita ako kay R ay andoon rin siya, dumagdag pa ang 'our day' namin na kaming tatlo lang naman ang magkakasama. Nasanay na rin ako na sila mismo ang sumusundo sa akin sa bahay. At kung asaan man ako ay nandoon rin siya lagi, kahit sa cafe ni Charlie pag nagpapart time ako ay andoon rin siya syempre kasama si R, and they would always send me home safely. Pasalamat nga ako at walang nakakapansin sa mga kaklase ko kapag sumasama siya sa akin, maybe they think its only because of Redeaz why we have to get along.

And now, ito ang resulta. Palagi kong nakikita ang pagmumukha niyang gwapo. Ni hindi man lang ito nakakasawang tignan, I could stare at him forever. Hindi na masama, hayss.

"Rudeoz Green," napakurap kurap ako ng may nagsalita. Uh? Who's that? May kadoble cara na ba 'tong tinititigan kong gwapo? Hmm, kahit gago 'to ay okay lang. Mapagtyatyagaan na hehe.

"R! Best friend, yuhoo! Matutunaw na 'yang kakambal ko! Tigilan mo na!" Nanlaki ang mga mata ko, omyghad! Ehhh?!

"Nako! Wala na, finish na. Napunta ng wonderland si Best friend. Sama mo naman ako Rudeoz." Iniwas ko ang tingin ko kay Geo, my cheeks are flashing red. I'm blushing in embarrassment! At mas lalo lamang 'tong namula ng makita ko ang multong ngisi sa labi niya. Tangina mo selp! Ba't ba puro ka kahihiyan? Argh! Nakakainis ka! Nakakainis!

'Oh ghad! Ilang kahihiyan pa ba ang magagawa ko?!'

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Damn, beautiful nga. Sa sobrang beautiful ito at natutula na ako. Kahihiyan pa more, kinakahiya kita selp! Nako!

"Tss, R kumain ka muna. Hindi nakakabusog 'yang pagtitig mo kay kuya. Magugutom ka lang lalo diyan, okay sana kung pati ako ay dinala mo sa wonderland kaso sinasarili mo, bago ka umulit sa wonderland, kain ka muna baka matuluyan ka," masama kong tinignan si Redeaz para patigilin pero patuloy lamang to sa panenermon.

Argh! Lupa bukas! Lamunin mo na ako, please..

"I'll come with you, mamaya sa cafe," Napapitlag ako sa mula sa pagkakaupo ng magsalita siya. I pouted when I heard him chuckled at my reaction. Damn it!

____________________________

LROA_26💕

PS. Sorry for the late update hehe. Kinda busy but I have tons of update for you to read:) Have fun.

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon