___
The Twins
"Wahh! Ang kyut-kyut ng kapatid mo R!" tila batang sambit ni Redeaz sa'kin. Napangiti naman ako sakanya, she looks cute too.
"Salbahi iyon." I pouted, hindi ko pa din nakakalimutan ang araw kung kailan sinabi ni Clark na gusto niya na akong magka -boyfriend para masolo na niya ang TV, ang bad.
Andito kami ngayon sa bahay namin. Plano kasi naming manood ng stars mamayang gabi sa isang open field dito sa eskinita namin. Sabado ngayon at plano niya ring matulog ngayon dito sa bahay namin. I let her dahil gusto ko din naman siyang makasama ngayong gabi, Redeaz and I are being clingy with each other lalo na't ito ang kauna unahang nagkaroon kami ng kaibigan.
"Eh baka naman inaaway mo," she said. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Totoo naman kasi but duh? Kailangan talaga ganoon? Talagang boyfriend agad para lang wala na siyang kahati? Grabeng bata.
"Hindi kaya," deny ko rito. Andito kami sa kwarto ko, she's roaming around my cute room, literal na sobrang liit naman kasi ng space. Ang katabing kwarto nito sa kaliwa ay ang kina papa at mama, sa kabila ay sa tatlo kong kapatid, ako lang ang nag iisa dito sa kwarto dahil babae daw ako.
Binitawan nito ang tinititigan niyang litrato which is me nung bata palang ako.
"Weh 'di nga? Bumulong iyon sa akin kanina, rude ka daw." Ngumiwi ito. Ngumisi ako.
"Because that's my name..?" patanong kong sabi at binuntunan pa nang tawa.
"Whatever R, rude ka naman talaga." Ngisi niya, napapailing. I shrugged my shoulders. Marahan akong lumapit sa maliit kong kama para maupo doon.
"Sa deserving lang." I laughed.
"May nakakabara na kaya sa ugali mo?" she asked, curiosity is written all over her face. I pouted when I remember someone. If only she knew my first meeting with her twin in the school, siguradong matatawa siya.
Pinili ko na lamang ngumisi.
"Meron, yung bunso." Nagkibit balikat ako, natawa naman ito.
"Dapat lang. Naku, sana ako rin kaya kang barahin. Kaso sobrang anghel ng mukha mo, baby face pa at may pagka doll face. Paano ko 'yan masusungitan at mababara?" Itinuro pa nito ang mukha ko habang nakasimangot. Natawa lang ako.
"Don't worry, dadating ka din doon."
"Yeah, papasaan pa. By the way kapag tinititigan ko talaga ang mukha mo ay may naaalala ako, I don't know pero para ka talagang may kamukha R. Artista siguro, the feature of your face or your face directly is somewhat familiar." Napahawak pa ito sa baba niya na tila nag-iisip. Takang napatingin naman ako sakanya. I pouted my lips, wala naman akong naaalalang artista na medyo kamukha ko o kamukha ko talaga pero baka nga meron. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng drama, ang pinapanood ko lang sa TV ay yung discovery channel at iyong iba pang channel na may kinalaman sa stars at minsan lang iyon kaya minsan lang rin ako nanonood.
"Really? Sino kaya?" nangingiti kong tanon. Paniguradong maganda iyon syempre maganda ako, duh?
"I don't know but your face is really familiar, sobra hindi ko lang maalala." She pouted. Inayos nito ang suot na glasses. Redeaz is kinda or really famous kaya kapag lumalabas siya at nagmamall ay palagi siyang may suot na disguise. Katulad noong una kong kita sakanya. Well, hindi kataka-taka iyon, I search about her at nalaman kong isa siyang model sa isang clothing company, bags and many more and to think na mayayaman din ang mga Vasquez at maraming kumpanyang pag-aari, mapa-resorts man o restaurants.
Suwerte ko na lang talaga at nakakuha ako ng scholarship sa Sanford kung saan lahat ng nag-aaral ay mayayaman. Wews, destiny really loves me that much. At dahil din kay destiny kaya ko nakilala si R, I know we're meant to be friends and meet in the mall the first time I talk to her.
"'Wag mo na isipin masyado. Let it be baka matanda na iyong artistang nakita mo na medyo kamukha ko kaya 'di mo maalala." Nagkibit-balikat ako. It doesn't really matter, ano naman ngayon kung may kamukha akong artista? Makakatulong ba siya sa akin? Kasi kung oo, edi ako na mismo maghahanap sakanya.
Redeaz is really pretty, mula sa maalon nitong buhok na kulay itim, chinitang mata, malapusong labi at matangos na ilong. Sobrang kinis rin nito at bagay na bagay sakanya ang mala gatas na kutis. Pang modelo rin talaga ang tangkad at tindig nito. Magkaibang magkaiba sila ni Geo na ikinamamangha ko. Well, they are not identical twins kaya hindi kataka-taka iyon.
Geo is moreno, kulay brown din ang buhok nito na may halong itim. His eyes are not chinito at kung kay R ay chocolate brown ang mata, itim na itim naman ang kay Geo. Maninipis din ang labi nito na mapula pula, talagang ginawa para sa straight line at hindi para ngumiti amp. Katangusan lang ata ng ilong ang pareho sila hehe. And well Geo's body built is amazing as a Z, tila laging nag-g-gym kahit wala pa talaga akong nasilip, charot lang HAHA pero wala pa talaga akong nakita, base on observation lang iyon.
Siguro kaya ganoon ay dahil magkaiba sila ng pinagmanahan, baka kay R sa Mommy niya at sa Daddy naman ang kay Geo. Sounds amazing, gusto ko na tuloy makilala ang parents nila. Wews, 'di na nahiya selp? Haha.
__________________________
LROA_26💕
-Redeaz Marie Vasquez:>
-Auriel Geopardy Vasquez
(Isipin niyo ng mabuti HAHAHAHAH)
Thanks again to Picrew for this characters of mine hihi.
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Aléatoire'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...