CHAPTER FIFTY NINE

201 16 0
                                    

True

"OMG! Talaga? Nakita mo si Auriel? Oh ano? Anong nangyari?" Excited na tanong ni Redeaz, gustuhin ko man itong sabunutan sa pagiging gaga ng tanong niya ay 'di ko magawa.

"Tae, alangan namang maging feeling close ako, ano ako? Baliw?" Irap ko na agad namang sinuway ng nagme-make up sa'kin.

"Ate Les, 'wag mo masyado gawing coloring book 'yang mukha ko, please lang," Ungot ko sa first timer kong make up artist, napatingin ako sakanya sa malaking salamin na nasa harap namin. She giggle, lumabas ang mga biloy nito sa pisngi habang naniningkit ang singkit na mata. Cute, I pouted, pero hindi na siya magiging cute sa paningin ko kapag sinira niya ang mukha ko.

"Duh? Syempre maghe-hello ka, mangangamusta na din. Ano ka ba naman, baka ay namimiss ka na din nung tao, ano," Aniya, halata sa boses nito ang pamimilosopo, naa-adapt na niya ang ugali ko.

"Tss, well I won't do that. You know the drill naman diba? Ghad, R!" Kung hindi lang ako mababatukan kapag ginulo ko ang buhok ko ay matagal ko na sanang ginawa. She's frustrating the hell out of me, alam niya naman ang nangyari noon! Kung anong ginawa ko, ghad! Makukuha ko pa kayang mag-hello or what? Baka nga ay ayaw na akong makausap ng tao eh! But he did kanina pero we don't know, baka ay g-galit siya sa loob loob niya. I just can't face him when I know to myself that I've hurt him.

Nilingon ko si Redeaz ng 'di ako makapagpigil lalo na ng tumayo na siya. She's all done.

"Wala namang nagsabi na gawin mo iyong ginawa mo noon, bakit nga ba? Auriel is willing to fight for the both of you, he's willing to ruin his name just for you but what did you do? Nakayanan niya ngang lampasan si Dad eh kasi Dad seen the determination in his eyes just because he loves you, hindi ko alam kong anong sinabi mo sakanya noon ng hinabol ka niya, I don't know what words you had thrown at him before that made him so hopeless yet determined but one thing is for sure, he loves you so damn much. I know him for years, ng siya ang kinilala kong kakambal at kapatid ay nakilala ko ng lubusan si Auriel, he's my only kuya. He loves too much and when he did, he will give his everything and he give you everything even when you told him the words that broke him. I'm not blaming you for what had happened, ang akin lang ay bakit 'di mo hayaang sumaya ng tuluyan ang sarili mo? I know what you feel until now, Rude. Were twins, you can never hide it even if you buried it deep inside your darkness. Why do you keep on running away if in the first place you just wanted to be with him? Bakit ka tago ng tago if all you want is to hug him tight? Bakit Rude? Kasi ako, a-ako ang naaawa sa'yo, yes you can talk bravely to anyone pero sa sarili mo..." Napailing iling ito at hindi na tinapos ang kung ano pa mang sasabihin niya.

Napabuntong hininga na lamang ako ng lumabas ito sa kwarto ko, agad namang sumunod sakanya ang make up artist niya kaya kami nalang ni ate Les ang naiwan sa loob.

"Bakit nga ba, Rude?" Ang katahimikan na namagitan sa loob ng  kwarto ay naputol ng itanong yun ni Ate Les. I looked up at her, confused.

"Why are you running? Hiding?" She asked, magaan nitong idinampi sa pisngi ko ang brush para sa blush on.

"I don't know....hindi ko nga rin alam kong bakit hindi nila ako m-maintindihan, I just did what I did to calm the storm. Oo, alam kong handa akong ipaglaban ni Geo but if he did that baka mas lalong gumulo ang lahat a-at masasaktan ko ang mga magulang namin, ang kinilala niyang magulang.." I thought it was all done pero pagkasabi ko no'n ay bumalik na naman ang kirot.

Iyon lang naman kasi ang iniisip ko noon, I can't bear to hurt my parents. I can't bear to hurt anyone, 'pag may sinabi ang ibang tao kay Geo, hindi lang ako ang masasaktan, sina Mama, Mommy, Daddy, what will they feel? I bet it will hurt me, us.

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon