Heart
"Dalian niyo!" sigaw ni R sa amin. I pouted my lips secretly. Tsk! Ang sabihin niya, hinahayaan niya lang talaga akong maiwan dito sa tabi ng gago niyang kuya. Mas binilisan ko ang lakad ko para mahabol si Redeaz nang bigla itong mawala, sa rami ng tao rito sa park ay hindi na ako nagtataka.
'Bakit nga ba kasi rito namin naisipang pumunta?'
Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. I felt someone pushed me, agarang nanlaki ang mga mata ko sa kaba, ghad! Bakit ba nakalimutan kong crowded nga pala sa puwestong kinatatayuan ko? Napapikit na lamang ako at handa na sanang tanggapin ang pagkalugmok dahil sa sariling katangahan.
"Careful next time, will you?" Oh damn! Ang mga kamay nitong nakahawak sa bewang ko ay humigpit, ganoon na lamang ang kaba ko ng mas lalo nitong ilapit ang katawan ko sa katawan niya bago ako hinila papalayo sa kinatatayuan namin.
"I lost R..." nang matauhan sa nararamdaman ay sabi ko sa kaniya. Tila bulong pa ang pagkakasabi ko no'n dahil sa paghahabol ng hangin kahit hindi naman ako tumakbo. Agaran ko ring iwinaksi ang kamay niya na nasa bewang ko. I heard him tss because of that. I choose to bit my lower lip while still pouting.
"Hayaan mo na," aniya na ikinagulat ko. Eh? Damn this two! Sabi ko na nga ba may dahilan ang isang 'yon sa bilis ng lakad eh. Pinagkakaisahan nila ako! Napasimangot ako.
"May plano kayo, 'no?" Nilingon ko ito habang nakataas ang kilay ko. Ngumisi ito ng tipid bago nagkibit-balikat. I glared at him, sabi ko na nga ba eh!
"Ang gwapo..."
"Kaso may girlfriend na bes."
"Maghihiwalay din yang mga 'yan."
"Gosh! I'm ready to catch him -pag nagkataon!"
Teka lang. Teka lang talaga. Huminga ako ng malalim, sobrang lalim as in, puwede nang malunod iyong mga babaeng nagbubulong-bulungan.
'What did they just said?!'
Uminit ata ang ulo ko ng mala '360°' mga 'te. How dare them!? Eh hindi ko pa nga 'to sinasagot tapos maghihiwalay na agad! This bitches! They are making my mood spit in fire! Pigilan niyo 'ko at nandidilim ang paningin ko! Baka mailampaso ko sila isa-isa! Ugh! Nakakapang-init ng ulo!
Wala sa sariling hinila ko ang kamay ni Geo para umalis sa puwesto namin. My mind is in chaos because of jea--este anger! Nakakainis!
"Hey slow down," anang kasama ko, marahas na binitawan ko ang kamay nito sa inis ko.
"Bakit? Gusto mong makausap ang mga babaeng 'yin, huh!? May isang ready na sumalo sa iyo doon! Go!" I shouted. Napipikon na ako!
Damn it! Eh hindi naman maganda iyong babae! She's so ugly! Pandak pa! Ang taba ng nguso! Ang itim-itim pa, yucks!
"What are you waiting for!? Go now! Argh! I hate you! Magsama kayo ng mga malalansang isda na'yon!" sigaw ko pa. Ramdam kong napatingin sa gawi namin ang ibang tao. Busangot ang mukhang tinignan ko siya. I saw him hiding his smile while biting his inner cheek. Naningkit ang mga mata ko. What? Ano? Masaya bang mainis ako? Argh! Gago!
"Hoy! Kayong dalawa! Gumagawa kayo ng eksena!" Magsasalita pa sana ako ng ang kaninang nawala ay lumitaw na. This girl! Redeaz is holding a cotton candy, nakatikwas ang kilay nito habang nakatingin sa amin.
"We are going home, now!" pikon kong sigaw bago naunang maglakad papalayo.
"Oh ghad, ano nalang mangyayari bukas?" Huling narinig ko kay Redeaz bago ako tuluyang nakalayo sakanila.
'Tss! That's her twins fault!'
--And to answer her question.
"Puwede ba? Lumayo layo ka ng onti sa akin?" I glared at him. Naiinis ako sa kaniya, sobra!
Bakit ba kasi guwapo siya? Ayan tuloy kahit hipon at isda ay nagkakagusto sa kaniya. Naiinis ako, dapat hindi na lang siya gwapo! Okay na iyong cute, bakit ginawa pang Adonis? Napairap ako sa hangin.
"Papalayuin mo 'yan tapos kapag may lumapit magagalit ka. Seriously, R?" Napasimangot ako sa bulong ni Redeaz. Halatang nakangiwi ito sa boses pa lang.
"Kaya mas lalong ayaw ko sa kaniya, kapag naging kami edi marami akong kaagaw!" bulong ko pabalik, mataman at palihim akong nakatingin sa gawi ni Geo habang sinasabi nito kay manang Lina ang gusto niyang kainin.
Nilingon ko si Redeaz bago ako nag-made face.
"Ewan ko sa 'yo. Para namang magpapaagaw 'yang si kuya, patay na patay 'yan sa iyo kung 'di mo lang alam." Ngumisi pa ito, napanguso naman ako.
"Is he the someone you're talking about?" Nang maalala ang sinabi nito sa akin noong una ay naitanong ko na lamang. She smiled widely and that answers my question, so tama nga ang hinala ko. So she really knew since then.
"Who else? Atsaka kuya can tame you, and definitely kaya ka rin niyang barahin sa ugali mo." Natahimik ako sa sinabi nito.
Palihim na tumingin ulit ako kay Geo ngunit tila nabulunan ako sa sariling laway nang mahuli ko itong nakatitig lamang sa akin. Wala sa oras na napalunok ako.
'Can he really be a man for me?'
That question popped up in my head out of nowhere. He raise his brows up while staring at me intently. Tipid na iling ang isinagot ko bago ko iniwas ang tingin sa kaniya.
'There's no harm in trying, right?' I asked myself. I'm just really not that sure.
'Follow your heart.' My inner me said, pinakinggan ko ang tibok ng puso ko. Sa lakas nito ay tila alam ko na ang nais nitong sabihin sa akin.
"I'm giving you a chance. You have now my permission, don't waste it gago," sa wakas ay naisatinig ko, nilingon ko siya at tipid akong napanguso. Tila nagulat naman ang dalawa sa bigla kong pagsasalita at nang matauhan ay napanganga si Redeaz bago nagtitili habang niyayakap ako.
Isang tipid na ngiti ang kumawala sa labi ni Geo sa sinabi ko. Sa mga mata nito kahit hindi siya magsalita ay alam kong masaya siya sa naging desisyon ko. I felt my heart jump in joy seeing his eyes smile in happiness.
"You won't regret it, I vow you that." Sana nga, 'cause even though I won't follow my heart I know to myself that I still want him.
________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Acak'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...
