CHAPTER SEVEN

365 31 0
                                    

___

Work

"Masarap?" excited na tanong ni R sa 'kin. I nodded my head. Masarap naman talaga.

"Uuwi ka na ba agad pagkatapos nito?" tanong niya ulit. Tumango ulit ako. Buti at naka-pagpaalam ako sa mga magulang ko kanina. I texted them my whereabouts at hinayaan lang din naman nila ako nang sabihin kong gagabihin ako sa pag-uwi.

Hindi ako lumilingon sa kahit saang gawi maliban sa gawi ni R, hindi rin ako nagsasalita masyado, naiilang ako sa presensya ng kakambal niyang gago. Nakakainis, nakakahiya at kahit nais ko na sanang magpaalam kanina para umalis ay 'di ko nagawa lalo na nang makita kong excited si R na makasalo ako sa hapag. Kaya ito, tiis-tiis muna ako sa kahihiyang ginawa ko. R doesn't know about me and her twin being enemies. Talagang mainit ang dugo ko sa lalaking 'to. Hmp! Gwapo sana kaso 'di nagmana sa mukha niya ang ugaling meron siya.

"Huwag mo na akong hintayin bukas sa school. Kita na lang tayo sa vacant time natin." I smiled at her, napuno naman nang pagtataka ang mukha niya. Nasa plano na kasi naman na kung sino mang mauuna sa school ay siyang maghihintay tapos sabay na kaming maglalakad sa hallway para makapag chikahan bago maghihiwalay ng landas dahil magkaiba naman kami ng building.

"Bakit?"


"May dadaanan lang kasi ako kaya baka ma-late ako ng onti. You know, kelangan ko pang maghanap ng mapapasukan para magpart-time." Nagkibit-balikat ako.

"Oh, about that one. May isang libreng slot sa cafe ng kaibigan ko. May nag-resign kasi dahil may sakit iyong isa nilang waitress, so are you free?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Really? Saan ba 'yan?" I asked excitedly. Kapag nagkataon ay hindi ko na kailangan pang daanan iyong isang restaurant na nakita kong nagha-hire ng waitress at hindi na rin ako magpapakahirap pang maghanap uli kapag hindi ako natanggap doon. I just have to do my job finely this time. Kahit iyon naman palagi ang ginagawa ko sadyang may mga stupidong tao lang sa mundo na hindi marunong maniwala sa mga sasabihin ko. Akala naman nila, ikinaangat nila iyon. Whatever I have to get rid of those thoughts. Nag-iinit na naman ang ulo ko.

"Iyong cafe malapit lang sa school. We'll visit it tomorrow, ano game ka ba?" Ngumisi ito. Jackpot! Malapit lang pala sa school, kapag natanggap ako doon ay mas lalong hindi ako mahihirapan. Sana lang ay mabait iyong amo ko doon o kahit iyong manager lang.

"Sure!"

"Sinong kaibigan iyan Redeaz?" napawi ang ngisi ko ng magsalita siya.

"Si Charlie, kuya. I told him about her and he agreed." Tumango tango pa si R habang nakangiti.

Nilingon naman ako ni gago. I raised my brow at him at tipid na umiling ito. I pouted.

Problema niya? Tss.

"Okay, samahan mo 'ko bukas, hehe. I'm going to take it, thank you!" She chuckled.

**

"Ang ganda mo pala talaga sa personal." Ang kaibigan ni R na si Charlie ay ngumiti.

"Thank you, free pa ba iyong slot bilang waitress? I really need that."

"Ah, yes meron pa naman. By the way can I ask you something?" Tumaas ang kilay ko sakanya. I look around to find R at nasa counter lang pala ito, napailing ako. Wews, para sa isang part time model ay hindi siya halata. Masyadong matakaw si Redeaz.

"Sure, ano ba iyon?" Ibinalik ko sakanya ang atensyon ko. Charlie is coolly handsome, and definitely something parang kahit malayo 'to sa'yo ay mararamdaman mo pa din ang presensya niya, he's somewhat like me. I don't know, pero parang nakikita ko sakanya ang sarili ko. Kung paano ko dalhin ang sarili ko sa mga bagay-bagay. He's like a male version of me.

"May boyfriend ka na?" Naglabas ito ng pilyong ngiti na ikinangiwi ko. Damn, ba't nga ba ako nabiyayaan ng ganda?

"Oh, well mister. I'm not really into having boyfriend lalo na kung isang tulad mo din naman ito." I smiled, he's not my type. At kahit attractiveness ay wala akong nadadama sa isang 'to, yes he's handsome, just handsome nothing else. May crush ako sakaniya, pero iyon lang. I just like how he approach someone and talk to them like he can bring that someone to his own made of world. That is something.

"So straightforward. I like that. Pwede ka bang ligawan?" napailing ako sa sinabi nito.

"No. I don't like you. Andito ako para kumuha ng part time job hindi para pumayag makipaglandian sa iyo o kahit magpaligaw man lang." Itinaas nito ang dalawang kamay habang tumatawa. Pinili ko namang umirap na lamang.

"Just trying my luck missy. Baka lang naman pumayag ka, I can be your boyfrien--"

"She's not up for that, stop it Charlie," isang lalaking may malamig na boses ang nagsalita. I shivered a little and my heart also reacted for no reason. Napakagat labi ako at mabilis na napasinghap ng hilahin ako nito papalapit sakanya.

"A-Ah, bitawan mo nga ako," madiin kong bulong, naiilang sa kokonting distansya na meron kami. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari kagabi at nahihiya pa rin ako sa kagagahang ginawa ko.

"Why? You want to be with him? My twin likes Charlie, I'm just protecting what's hers," malamig din nitong bulong habang masama ang tingin sa harapan namin.

"Ang sweet mo naman. Tss, I don't like Charlie so anong ipinuputok ng butsi mo? Hindi ko 'yan aagawin sa kapatid mo na best friend ko, pangit naman," balik kong bulong habang pasimpleng hinahawi ang braso nitong nakahawak sa akin.

"Magkakilala kayo?" napatingin ako kay Charlie dahil sa itinanong niya. My forehead creased, ngumiwi rin ako.

"No."
"Yes."

I glared at him.

"Hindi tayo magkakilala," madiin kong bulong.

"Tss. Alis na kami bro. Pakisabi na lang kay Redeaz na nauna na kami," napabuntong hininga ako sa sinabi niya dahil sa inis. Napipikon na talaga ako sa isang 'to! Anong karapatan niyang isama ako sa kahit saan?

"Okay. Rudeoz you can start working tomorrow." I smiled at Charlie at nais ko na din sanang magreklamo dahil hawak hawak pa ako ng gago ng bigla na lamang akong hinila nito palabas ng cafe.

"Ano bang problema mo? May usapan kami ni R, bitaw! Ano ba!?" Naiinis kong sigaw pero tila wala itong narinig at nagpatuloy lamang siya sa paghila sa akin.

Arghh! Kakainis! Bakit nga ba 'to napunta doon? Bwesit na gagong bakulaw!

__________________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon