CHAPTER FIVE

422 36 0
                                    

___

Reto

"What's with your face?" ngiwing tanong ni R sa akin.

Nandito kami ngayon sa hallway. Naglalakad patungong parking lot. She invited me to dine with her in their house  and I said yes to her. I just really want to wipe this bad mood I had right now and being with my best friend can do that.

Nakakainis ang nangyari kanina. Sobra! Pagkatapos nang nangyari sa harden. At oo, nakarating na pala ako ng harden kanina ng hindi ko man lang namamalayan. So as I was saying, after what happened in the garden, that jerk and I’s path meet again inside the classroom! Ni hindi ko man lang alam na kaklase ko pala siya at sa kamalas-malasan ay nakita niya ako roon. Argh! May gana pa siyang ngumisi-ngisi sa akin.

Tang ina niyang gago siya!

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

"Ha?" Napatigil ako sa paglalakad at ganoon rin siya. Nabatukan tuloy ako ng wala sa oras.

"Kanina pa ako nagtatanong. What's with your face right now? Para kang kakatay ng tao." Napakamot ako sa parteng binatukan niya. Medyo masakit iyon, ah.

"Wala. Pero kung kakatay man ako ng tao ay sisiguraduhin kong iyong lalaking iyon ang mauuna kong biktima!" gigil kong sabi. Napuno naman nang pagtataka ang mukha niya.

"Lalaki? Sino?"

Nahaluan rin ito ng kuryusidad dahil na rin siguro sa sobrang inis ng mukha ko ngayon. Nag iiba talaga ang timpla ng mukha ko kapag naiisip ang lalaking iyon. Sana nasipa ko man lang siya kanina sa gitna niya. Wala akong pakialam kung hindi niya maibahagi sa iba ang lahi niya.  Bagay lang iyon sa kaniya!

"Hindi ko kilala at wala akong balak kilalanin iyon, duh? Itaob ko siya eh!" Aish! Nag-iinit na naman ang ulo ko.

"Woah. Eh, gwapo ba?" nakangisi niyang tanong.

Aba siyempre oo, est--

"Pangit. Sobrang pangit," malamya pero nakangisi kong sagot dito.

"Luh? May pangit dito sa Sanford?" taka niyang tanong at natawa naman ako. Parang required na required sa school na ito ang magaganda at gwapo. Kaya pala nakapasok ako, charot lang.

"Meron at ang lalaking nakilala ko iyon." Ngisi ko. Tutal ay bakulaw naman ang ugali niya, isasali ko na rin ang pagmumukha niya. At least sa paraang iyon, magantihan ko man lang siya.

"Grabe. Baka naman gwapo talaga, pinangit-pangit mo lang. Baka ma-inlove ka doon, R, ah. Irereto pa naman rin kita sa kapatid ko," napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Eww! Like to him? In love? Gosh, hindi ito romance novel, ano! Like, duh? Never akong magkakagusto sa antipatikong iyon. Neknek niya! Masiyado naman siyang sinuswerte," puno ng pandidiring sabi ko. Sinabayan ko pa ito nang pag-irap.

Sa ganda kong ito ay papatol lang ako sa tulad niya? Yuck! No way!

"Weh? Di nga? So puwede kitang ireto sa kapatid ko?" sunod sunod nitong tanong.

"Kung gwapo rin naman, bakit hindi?" Itinaas baba ko ang kilay ko sa kaniya na ikinatawa nito.

Tho, I don't really find handsome man or boy attractive.  Mas nagugustuhan ko ang ugali nila. May pinagbibigyan naman ako sa mga manliligaw ko noon kahit mahirap o pangit lang din. Kasi hindi estado ng buhay o mukha ang basehan ko sa mga taong gusto kong makasama kung hindi ang ugali mismo nito kaso walang umabot sa akin. Kug hindi hambog, adik, o makasarili ay masiyado namang mabilis. Minsan nga ay may nag-aya sa akin ng kasal o hindi kaya ay gawin namin ang 'bagay na iyon' na agad ko namang tinanggihan.

Kaya wala akong boyfriend ay dahil doon. Mga gago at walang respeto ang nagkakagusto sa akin. Mga sakim. Lahat na lang ng gusto nilang matupad ay iyong mga desisyon nila. Tss, stupid assholes. May iba pang ayaw humarap sa mga magulang ko. Edi ayon, ekis agad sila sa listahan ko. Mga panahong nasa highschool pa ako niyon at ngayon wala na akong tinatanggap na manliligaw. Kakapagod, puro mga gago naman.

"Aw, jackpot ka doon, sis, hehe. Gwapo na, magaling magluto, matalino, maganda boses at business minded pa," natawa na ako nang tuluyan sa sinabi nito.

"Seriously? Ipinatatapon na ba iyang kakambal mo? Kung maka-reto, ah." Ngumisi lang ito at nagkibit-balikat.

"Hindi naman, medyo lang." Humagalpak kami sa tawa dahil doon.

Nang makarating sa parking lot ay agad niyang itinuro ang kotse nila. Nasa legal age na rin naman si R  kaya puwedeng-puwede na siyang mag-drive. Sa kokonting panahon na nagtatawagan kami para magchikahan ay marami rami na din kaming nalaman sa isa't isa well except doon sa kakambal niya dahil hindi ko rin naman naitanong kung may kapatid ba siya at ganoon din naman siya sa akin. Though, I did tell her about my life. Sobrang-sobra kasi ang kagaanan ko ng loob sa kaniya. Parang nakatadhana talaga kaming maging magkaibigan.

Nang makarating kami sa bahay, este mansyon nila ay doon ko na tuluyang naibigay ang buong atensyon ko.

Sobrang ganda nito kaysa sa mga bahay na nakita ko na rati. It's like a palace where a king and queen with their prince and princess are living. May malaking fountain pa ito sa harap at sa magkabilang gilid ay paradahan ng kotse. Sobrang lawak ng lugar at may mga puno at halaman pa. Wews, eh sa bahay nga namin dikit-dikit na lahat. Sana lahat mayaman.

"Uy baba na!" Agad agad akong napababa tulad nang sabi ni R. Malapit pa sana akong maumpog kung hindi lang ako nakaiwas. Nakalimutan ko na medyo matangkad pala ako.

"Ang ganda ng palasyo ninyo!" I exclaimed like a kid in awe.

"Palasyo ka riyan. Tara na nga." Nakangiting hinila ako nito papasok ng bahay nang hindi man lang ako nakaka-move on at mas lalo akong napanganga nang makapasok kami sa loob ng niyon.

Sa sala ng palasyo, este mansyon ay may mga nakahilerang portrait at sa bawat dingding pa iyon. May nakita pa akong painting ni R doon. Para siyang model habang nakasandal sa lamesa at halata sa background nito na sa harden iyon ginanap. Iyon lang ang napansin kong portrait na may kinalaman sa mga Vasquez. Just her photo, and nothing else. Wala din akong napansin na lalaki na wari ko ay kakambal niya. Baka hindi lang mahilig sa ganoon.

"Welcome to our humble abode, Rude." Nakangiting humarap sa akin si  R at nag-bow na parang prinsesa.

I giggled and followed her steps.

I slowly bowed my head like a princess too.

"It's an honor to be welcome in this abode of yours, Rede." We both laugh afterwards.

______________________

  LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon