CHAPTER FIFTY FOUR

189 17 0
                                    

Isda

4 YEARS LATER...

"Rude! Mapapagalitan tayo nito!" angal ni Lisa sa akin, napakamot ako sa pisngi ko bago pinandilatan ng mata si Lisa. Remember her? She's my maid and she's not just an ordinary maid. She's an agent and her duty is to protect me not just to protect but to also guard me.

"Konti lang naman atsaka duh? Hindi ito malalaman nina Mom and Dad kung hindi ka magsusumbong." Irap ko sa kaniya, kahit kailan ay hindi nagbago ang ugali ko. Mangarap ka na lang ay pwede pa.

"Duh din po. Nakalimutan mo atang sikat ka, kahit saan ka magpunta may press na nakabuntot. Paano tayo makakatakas sakanila, huh? You know, may pakpak ang balita at mananagot tayo nito kapag umabot sa parents mo na pupunta ka na naman ng cl---"

"Twinny!" I heard Lisa grunted, kita ko rin ang nakabusangot na si Ana sa likod ni Redeaz. Natawa na lamang ako.

"Glad your here, kanina pa ako ginigisa nitong isa. Let's go." Agad kaming naghawak-kamay at handa na sanang umalis ng harangan kami ng dalawa naming personal maid slash bodyguard.

"Hep! Hep! At sinong nagsabi na p'wede kayong umalis? Delikado nga 'di ba?" Kamot ulong saad ni Lisa na sinang-ayunan naman ni Ana. Aishh! This two! Kung alam lang naming dalawa ni Redeaz na magiging ganito ang trabaho ng dalawa ay hindi na sana namin sila tinanggap pa four years ago. Hay naku, pagsisisi nga naman nasa huli.

"Horay, horay... eh ano pa bang silbi ninyong dalawa? You two needs to protect us, right? Then do that. Uuwi rin naman tayo agad and I promise, hindi ako papatol sa mga lamang dagat na inggit sa ka-dyosahan ko." Itinaas ko pa ang kamay ko, ngumiwi ang dalawa sa sinabi ko. Of course, kung hindi nagbago ang ka-dyosahan ko ay mas lalong hindi magbabago ang mga inggit na lamang dagat. Paano ba naman kasi ay hanggang talampakan lang sila. Serves them right, mga pangit naman talaga sila hmp.

"Gaga! Wag kang magbuhat ng sarili mong bangko!" Binatukan ako ni R, I pouted, totoo naman eh.

"At least true," ganti ko sa kaniya, nilingon namin ang dalawang nakaharang. Tinaasan ko ang mga ito ng kilay at alam kong ganoon narin si R, napabuntong hininga ang mga ito bago napipilitang padaanin kami.

"Hanggang nine lang tayo, okay?" Tumango ako sa sinabi ni Lisa, wala naman akong plano na maglasing. Ewan nga lang dito sa kasama ko. Its still seven, tapos na din ang trabaho ko sa kumpanya namin. Redeaz is done too, may sariling hospital si R at siya ang nagma-manage dito at miminsan ay sumasideline siya bilang doktor lalo na kapag kulang ang tauhan niya.

"Buti naman at hindi ka late." bulong ko sakanya, agad kong hinubad ang suot kong formal attire. Siya naman ay nakabihis na at handang handa ng pumarty. Ibinigay nito sa akin ang isang backless na red dress, masyado pang mababa ang neckline nito at expose na expose din ang hinaharap ko sa suot ko. Napangiwi na lamang ako pero 'di umangal bago ito sinuot. Dapat talaga ako na ang magdala ng sarili kong damit next time, Redeaz is very fond of sexy dresses, jeez..

"Walang nangungulit eh, okay narin 'yon. Flare is just really an idiot! Lalapit lapit, magpaparamdam ta's mawawala! Wow lang ha!" Umirap ito, I chuckled. Maraming nagbago sa nakalipas na taon and yes, Flare. That boy, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng batang 'yon pero ngayon ay si Redeaz ang target niya. Inamin nito sa akin na gusto niya si R, noon pa daw. I don't know what happened, what change his perception towards Redeaz but we don't really know what a person's thought is. We just have to hope that its something good.

"Huwag ka papaloko sa batang 'yon. Balita ko ay marami iyong chicks sa school." Tinapik ko ang balikat niya, agaran namang umasim ang mukha niya. Aliw na napatingin ako sa reaksyon nito. Biro lang naman iyon dahil sa nakalipas na isang taon ay wala akong narinig na babae ni Flare. Hindi ko naman talaga alam kung anong mayroon sa kanila but I think Redeaz like him.

"I know, I saw him earlier kissing someone." Ow, nilingon nito ang bintana at doon na tumingin. Nilingon ko naman si Ana, si Lisa kasi ang driver namin. Nagkibit balikat ito.

"Sinong babae?" pabulong kong tanong sa kaniya.

"Yung binabalikan lagi, sino pa ba?" Bulong nito pabalik, ayy. Napailing na lamang ako. Tss, buhay nila 'yan kaya sila na bahala. Taga-support lang ako.

"We're here!" pasigaw kong sabi, tila natauhan naman itong katabi ko. I nudged her shoulders.

"Ano? Papasok pa ba tayo o tutunganga ka na lang diyan forever?" sarkastiko kong tanong sa kaniya, inirapan naman ako nito.

"Walang forever, let's go!" Tili nito bago naunang lumabas ng kotse, agad naman akong sumunod sakanya. Nang makapasok kami sa loob ng bar ay kumekembot kembot pa itong naglakad patungong counter, napailing nalang ako. Hindi pa nga siya nakakainom ay mukha na siyang lasing, what more mamaya? Ganito ba talaga pag brokenhearted? Napangiwi ako, not me though. Nagkukulong lang ako eh, zombie mode haha.

"Cheers!" Itinaas nito ang baso ng  margarita, naghead bang pa ito para sabayan ang dumadagundong na musika sa loob ng bar bago ininom ang shot niya. Wala na sa tabi namin ang bantay namin. Nasa paligid na siguro, securing our safety. Okay lang sana kung lumalandi na iyong mga 'yon eh, para naman hindi tumandang dalaga. Naku, mahirap na.

"Hey, slow down alright? Wala akong balak buhatin ka," nakangiwing saway ko, ngumisi ito at tumango.

"Ana would d-do that..." Bumungisngis ito bago sunod sunod na ininom ang shots niya, ako naman ay pasipsip sipsip lang lalo na't hindi ako p'wedeng malasing na ganito ang isang 'to. Ako iyong nag-ayang magsaya pero bakit naging ganito? Why o why? Charot lang.

"Oh, look who's here..." Ang malanding boses na iyon na hilig na ata akong inisin simula ng lumipat ako sa Sanford ang tila naging dahilan ng biglaang pag-init ng ulo ko. Bakit nga ba may mga lamang dagat dito kahit lupa 'to?

Ay ewan, basta dyosa ako.

Matamis na ngumiti ako bago nilingon ang nagsalita.

Ay, isda...

"Aw, malansang isda."







_________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon