CHAPTER FORTY THREE

201 17 0
                                    

Dark Eyes

"Anong oras ba sila dadating?" Tanong ni Mama sa'kin, excited talaga siya masyado lalo na dahil makikita niya ulit si R.

"Parating na 'yun, Ma." Ngumiti ako sakanya, 'di tulad ng nakagawian ay hindi na'ko nagpahatid pa sa dalawa. Nag-paalam na rin ako kay Charlie na 'di muna ako papasok dahil sa dinner na'to at umuwi naman muna ang dalawa para makapag-bihis sila. Redeaz mentioned that her Mom prepared something for tonight kaya kailangan din nilang umuwi para kunin 'yon.

"Hay nako, sana 'di mo nalang pinag-bihis." Napailing nalang ako sa sinabi nito at natawa.

"Mangangamoy naman sila hon, tsaka baka namamawis na ang likod ng mga bata." Kontra ni Papa dito. Iniwan ko na lamang ang mga ito at hinayaang maglabing-labing.

"Ate, boyfriend niyo na po ba talaga si Kuya Auriel?" Tiningala ako ni Clark, nakaupo ito sa sofa at nakaharap na naman sa TV. Matamis na ngumiti ako sakaniya.

"Yes, Clark. Diba gusto mong magka-boyfriend si ate para solo mo na ang TV? Mangyayari na 'yun Clark." Kumunot ang noo ko ng ngumiwi ito.

"Oh? Anong problema?" Taka kong tanong.

"Ginayuma mo ba siya, ate?" Napamaang ako, what the heck? Ginayuma!?

"Ano!? At bakit ko naman gagawin 'yun?!" Gulat kong tanong sa batang paslit na nasa harapan ko. Sinamaan ko ito ng tingin, ngumiwi naman siya.

"Para po magustuhan ka niya, sabi ni Kuya Yuan kapag 'di ka daw gusto ng gusto mo ay gayuma daw ang sagot dun. So ginayuma niyo po si Kuya Auriel?" Nandidilat ang mga matang tinitigan ko ang bunso. Pigilan niyo ako, nandidilim paningin ko! Ibabaon ko 'to! Grr!

'Just what the hell is he talking about!?'

"Bakit? Wala bang kagusto gusto sa'kin, ha?" Sarkastiko kong tanong dito, ngumiwi naman muna siya bago umiling sa'kin. Isang malakas na tili ang pinakawalan ko at handa na sana itong kurutin sa singit ng sumigaw mula sa labas si Flare.

"Ate! Andito na po sila!" Isang nagbabantang tingin ang ibinigay ko kay Clark bago ako tumalikod para salubungin ang kambal sa labas. Inis na inis pa rin ako! Ano ako? Baliw!? Yucks! Pinangako ko nga noon na hindi ako luluhod kailan man eh! At talagang hindi ako luluhod! Tsaka duh? I'm not that stupid when it comes to love, kahit kailan ay hindi ako manggagayuma ng lalaki para lang--just like eww! Hindi naman ako baliw para gawin 'yun!

Atsaka ako? Walang kagusto gusto sa'kin? Sa akin? Talaga lang ah. Nahiya naman ako sa rami ng manliligaw ko, mga walang binatbat nga lang kaya nga isa lang ang nakahuli sa puso ko eh--wait, bumabanat na'ko, hindi bagay sa'kin. Yucks! Mukha akong tanga.

"R!" Tili ni Redeaz ng makita ako, agad naman akong tumakbo papalapit sakaniya bago siya niyakap, natawa pa kami dahil sa suot naming dalawa. Pareho kaming naka-dress at pareho din ang design nito.

"Wow! Para kayong mag-kambal, ate!" Puna ni Yuan, agad naman kaming nag-post ni R bago natawa na lamang sa kalokohan naming dalawa.

"Si Geo?" Tanong ko kay Redeaz, ngayon ko lang napansin na wala ang kakambal nito. Kung saan saang lupalop na naman nagpunta, baka may nakapulot na namang hipon sa isang 'yun. Tsk, lapitin pa naman 'yun ng mga lamang dagat. Just like duh? Hipons and fishes are everywhere!

Natatawang tinusok nito ang pisngi ko.

"Don't worry, nasa labas lang si kuya, Flare is helping him. Sabi ko naman sayo, 'di ba? Mommy prepared some foods for you and your family. Nabanggit ko kasi na favourite mo ang homemade pizza at leche flan and she did made some." Ngumiti ito, napanguso naman ako bago napangiti. Her Mom is sweet, sana pala noon ko pa ito nakilala, para kasing may nagsasabi sa'kin na makakasundo ko ito sa kahit ano mang bagay. Aside from spicy foods ay 'yun talaga ang mga paborito kong pagkain, masarap kasi talaga at hindi nakakasawa lalo na kung ikaw ang may gawa.

"Hindi na sana siya nag-abala. Napagod pa siguro tuloy ang Mommy niyo." napailing ako, tinapik nito ang balikat ko bago nagkibit-balikat.

"She loves what she's doing, after all ay paborito niya din naman iyon." Napa-woah ako sa sinabi nito.

"Really?" Gulat kong ani, ngumisi ito at tumango. Redeaz doesn't really like pizza and leche flan that much pero kumakain naman siya nun, ang paborito niya talaga ay 'yung mga spicy foods tulad ng akin, ang sabi nya'y namana niya iyon sa Daddy niya.

"Good evening." Geo's cold yet soothing voice interrupted our talk, mabilis na napalingon ako sa gawi niya bago napangiti.

"Good evening, din." I tuck my loose hair behind my ear, ehem pabebe mode muna tayo hehe.

"Aysus! Landi landi niyo, para kayong 'di nagkita ng isang taon!" Napangiwi ako sa sinabi ni R bago napairap, inis na nilingon ko ito at binatukan.

"Epal ka! Gaga!" Gigil kong bulong, natawa lang naman ito. Tsk!

"Redeaz hija. Andito na pala kayo!" Sabay sabay kaming napalingon sa gawi ng sumigaw, andun si Mama habang nakaakbay sakanya si Papa. Ngiting ngiti ito.

"Tita!" Sinalubong ni R si Mama ng yakap ng tumakbo siya papalapit sa mga ito na ginantihan din naman ni Mama. Mama roamed her eyes around looking for someone at ng natagpuan nito ang hinahanap ay tila natigilan pa ito.

"Good evening." Dahan dahang naglakad papalapit si Geo sa dalawang mag-kayakap, napabitaw si Mama kay Redeaz ng tuluyan na silang nag-kaharap ni Geo.

And is it just me? Or Geo really resembles my Mom's dark eyes?

'What's going on here?'






_____________

LROA_26💕

AN: If nagtataka kayo bakit sunod sunod update ko ket walang readers haha may hinahabol po akong deadline kaya diniretso ko na lahat para 'di na rin ako tamarin char haha, this year 2020 ko talaga 'to tatapusin, hindi mag-eend ang September na 'di ko 'to matatapos haha. Ciao!

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon