CHAPTER SIX

358 33 0
                                    

___

Malas

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito, inilihis ko ang tingin sa TV'ng nasa harapan ko para ibaling sakaniya ang tingin.

"Eh? Kahit ano na lang basta ba makakain," sagot ko habang itinaas baba ang kilay.

"Wala kang allergy?" tanong niya ulit, ngumuso ako at nag-isip.

"Allergy? Ah, wala naman. Immune na 'tong katawan ko sa kahit ano." Ngisi ko sakanya.

"Okay, dito ka muna sa sala. Magpapaluto lang ako kay manang ng dinner." Tumango lang ako sakaniya bago ibinalik ang tingin sa TV.

Hindi ko pa maiwasang balik-balikan nang tingin ang buong sala nila. Hindi talaga ako makapaniwala na naging kaibigan ko ang tulad ni R. Mayaman siya, mahirap naman ako, kahit naman sabihin natin na wala ng silbi ang estado ng buhay basta pagkakaibigan ay hindi pa rin naman natin maiwasang mapaisip.

I don't really care about what other people say about me pero ayaw ko din namang mandarag ng tao lalo na kung si Redeaz iyon, she doesn't deserve it. She's just too good to be true, she accepted me even though I'm really not suitable as her friend pero ito at andito pa ako sa bahay nila para maghapunan. Makakasapak talaga ako kapag may nanakit sa nararamdaman ng kaibigan ko.

"Sino ka?" natigil ako sa mga iniisip ko dahil sa nagsalita na iyon, at sobra din akong kinabahan dahil sa boses nito. Bakit ang lamig? Air-conditioned ba ang bibig nito?

Dahan-dahan akong napalingon sa gawi ng tanggapan. At, at---

"Ikaw!?" buong lakas kong tanong habang nakaturo ang hintuturo sakaniya.

"Well, we've meet again Miss." I glared at him.

"Huwag mo akong mamiss-miss gago! Sino ka? Why are you here?" sunod sunod kong tanong, damn! Sana lang hindi siya, like yuck! Ew! Gwapo nga pero masama ang ugali niya.

'Parang ikaw,' anang konsensya ko, napasimangot ako ng wala sa oras.

At least aware ako, duh?

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo sa pamamahay namin? Magnanakaw ka?" Ano!? Maderpaker pala 'tong lalaking 'to eh! Nag-salubong ang kilay ko sa inis. Ang galing talaga ng isang 'to mang-inis. Mabibigyan ko siya ng award ng wala sa oras at talagang magiging sapak sa mukha iyon. Wala akong pakialam kung nasa bahay nila ako. As a human, I have all the right to do things I wanted at ang pagkatay sakaniya ang uunahin ko. Bahala ng mainis sa akin si R basta makaganti lang ako sa isang 'to!

"Ako? Magnanakaw sa mukha kong 'to? Aba! Ginagago mo ba ako lalaki!?" pikon kong tanong.

Ngumisi ito, tang ina lang at nakuha niya pang ngumisi! Pigilan niyo ako at itataob ko 'to! Maha-high blood ako ng wala sa oras dahil sa isang 'to.

"Well, high-tech na rin naman ang mga magnanakaw ngayon. Baka lang naman, at hindi kataka-taka iyon, baka nga'y ginagamit mo pa ang ganda mo para sa gawaing iyon." Kikiligin sana ako dahil tinawag niya akong maganda pero umurong iyon dahil sa sinabi niya.

"Peste ka! Magnanakaw mo mukha mo! Oo, mahirap kami pero hindi ako ganoong tao kayasa naman sa'yo gwapo nga mapagbintang naman!" Tinalikuran ko ito para puntahan si R. Mas mabuti pang umalis na lang ako kaysa mag-stay dito. Tang ina lang, nakakailang mura na ako dahil sa lalaking iyon. 'Di ako makapaniwala. Siya? As in siya iyong lalaking kakambal ni R? Damn! Ayaw ko nang mareto at ayaw ko na sa nirereto ni R. Hinding hindi ako magkakagusto sa gagong iyon! Like eww!

Padabog na naglakad ako ng may humila sa akin para pumigil.

"Ano ba?! Bitaw!" Malakas kong tinapik ang kamay nitong nakahawak sa akin na tila may nakakahawa siyang sakit. Meron naman talaga, sakit sa pagiging gago at ayaw kong mahawaan nun, duh?

"Saan ka ba pupunta?" halata ang pagtataka sa boses nito ng magtanong. Salubong ang kilay na nilingon ko siya.

"Pupuntahan ko si R sa kusina. Uuwi na ako!" inis kong sabi.

"Ikaw si R?" Kumurap kurap ito na tila may nalaman na nakakabigla. Well, yes nakakabigla naman talaga lalo na't ang ganda ganda ko.

Ang cute niya sana sa reaction niyang iyon kung maganda lang ang first meeting namin kaso HINDI! So binabawi ko na, hindi siya CUTE! HINDI!

"Tawagan namin iyon, bakit ba?" Taas kilay kong tanong. Ngumisi ito.

"Wala, by the way hindi papuntang kusina 'yan. Saan ka ba? Maglalaba? Labandera ka na pala ngayon?" Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Agad kong itinulak ang dibdib niya at napunta sa kabilang deriksyon at hindi na ako nagkamali dahil naamoy ko na doon ang bagong luto na adobo.

'Nakakahiya!'

"Oh, R? Sorry nainip ka na ba doon? Luto na ang adobo, tumulong rin kasi ako kaya 'di ako agad nakapunta sa sala." I pouted my lips. Nakarinig ako ng yabag ng paa papunta sa gawing 'to dahilan para manigas ako. Nakakainis! Bakit ba kasi nagawa ko ang kahihiyang iyon?!

"Kuya! Andito ka na pala!" masayang bati nito sa dumating.

"Good evening." Katulad ng unang salita niya kanina ng makita ako sa sa sala ay naging malamig ulit ang boses niya. Nakakataka tuloy, ang pilyo niya kapag ako ang kausap. Ang hilig niya ring ngumisi at mang-asar pero pagdating sa iba'y tumatahimk, ni hindi niya din kayang ngumiti. Iyon ang napansin ko kanina sa classroom. Sa kamalas-malasan ay classmates kaming dalawa, tss. Bipolar lang ang peg?

"R, I want you to meet my kuya. Rudeoz Green this is Auriel Geopardy, my twin. Twin, this is Rudeoz Green, my newfound best friend." She smiled sweetly, wala akong nagawa kung hindi harapin ang kakambal niya. I felt my heart jump in embarrassment as I slowly face him.

"Nice to meet you, R." Pilyong ngumisi ito dahilan para ako ay mapasimangot.

'It was never nice to meet you, gago.'

Anong kamalasan sa buhay pa ba ang makukuha ko? Arghh!

__________________________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon