CHAPTER FIFTY EIGHT

183 15 0
                                    

Back

Tila napapasong napaupo ako ng dahil sa nangyari. Tila hindi naman ako nito napansin dahil panay pa rin ang lingon nito sa paligid at panay rin ang tingin sa relo.

'May kikitain siguro siya..' anang isang bahagi ng isipan ko. I pouted, sino naman kaya? Babae niya? Girlfriend niya? O asawa niya? My blood boiled at that at hindi rin nakatakas sa akin ang paninikip ng dibdib ko.

'Teka, teka kalma! Akala ko ba wala na?' Napangiwi ako at natauhan sa isiping iyon. Sinapo ko ang dibdib ko na kanina pa nagbabarilan sa loob. Hmp, dapat hindi ganito ang reaksyon ko eh! So what if he has a girlfriend now? Or a wife? Wala akong pakialam, wala talaga!

Nang makitang tumalikod ito sa gawi ko ay agad akong tumayo pero agad ding napatago sa isang bahagi ng resto ng makitang napalingon ito sa p'westo ko kanina, napahinga tuloy ako ng malalim as sobrang kaba.

"Damn!" Nasapo ko ang noo ko ng maalala na kailangan ko pa palang dumaan sa gawi niya bago makalabas ng resto. Kahit gustong gusto ko talaga siyang titigan at hangaan sa mukha niya ngayon ay hindi ko magawa. This is not the right time, alright? May right time para doon atsaka duhh? Bakit ko naman siya hahangaan hindi ba? After all eh wala na naman talaga, wala na talaga! Erase na siya! Okay na.

Napangiwi ako nang makitang may mga nagtatakang napatingin sa akin, I sighed in relief when I didn't see any reporter or press com, ghad! Nakakasakit ng ulo ang mga iyon. Hindi naman ako artista pero grabe sila maka-interview, amp. Sinuyod ko nang tingin ang buong paligid para makakita ng pu-p'wedeng pagtaguan habang dadaan sa gawi ni Geo. Tsk! Bakit kasi hindi pa dumadating ang kikitain niya? Kailangan ko pa tuloy mataranta sa kakatago!

'Ba't ka ba kasi nagtatago? What for?' natauhan ako sa tanong ng isipan ko, para saan nga ba at nagtatago ako? Well duhh, its just that I'm not comfortable seeing him, not now, not tonight, not ever!

'At bakit hindi ka kumportable? Still into him, hmm?' Inis na napabuga ako ng hangin. I'm crazy! Why am I even asking myself? Or even talk to myself! Ghad! This is frustrating!

'Sinasagot mo naman..' Whatever! Hindi na ngayon! Hindi na talaga, as in!

Busangot ang mukhang sinilip ko si Geo at hanggang ngayon ay  andoon pa rin ito sa p'westo niya nakatayo. Talagang malapit siya sa gawi ng entrance, ghad! Bakit hindi man lang siya sinisita? Oh! I know right, that's because he's a famous business tycoon at halatang halata iyon dahil halos lahat ata ng tao sa loob ng restaurant ay nakatingin sa gawi niya. Ang iba ay kuryuso, may humahanga at lumalapit pa para makipag-usap na ini-entertain niya rin naman. Some were old, adults and well young man and ladies, may mga nagpapa-cute pa sa kaniya. Tss, kahit kailan ay marami talagang nagpapapansin sa kaniya lalo na ang mga lamang dagat, let's name them 'hipons and fishes'. Napairap na lamang ako, if only may lalapit sa kaniya na pamilya and they would talk for an hour then that would be a very good help.

Ngayon tuloy ako nagsisisi na hindi ko isinama si Lisa, tss nakakainis kasi siya kanina eh! She really loves pissing me off.

And right at the moment, God heard my prayers. Sa gawi ko ay may mga kabataang tumayo at handal nang umalis. I hurriedly took my steps, dahan-dahan at kalmadong nakisabay ako sa lakad ng mga ito. S'werte ko na rin dahil may lumapit din sa gawi ni Geo na mga bussines men para makipag-usap. Pero siguro naiwan ko talaga ang lucky charm ko sa bahay, ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa pagsali-sali ko noon sa pagmomodelo, and the worst part was.... I was known by many teenagers because of that! The red haired girl na kasali sa grupo ng kabataan na pinagtataguan ko ay biglang napalingon sa gawi ko. She looks surprised at bago ko pa siya mapatahimik ay napasinghap na siya and she even pointed a finger at me! Oh ghad!

'Why o why?'

"Rudeoz Vasquez!" aniya na tila tuwang tuwa pa. Girl, I'm not happy. Nandidilim paningin ko sa 'yo, pigilan niyo ako at itutumba ko 'to! Argh!

Dahil sa sinabi niya ay napalingon din sa gawi ko ang iba, oh ghad! How I hate too much attentions! Ginamit ko ang folder na hawak ko para ipantakip sa mukha ko as I hurriedly walk to get out of this place. Damn this day! Really!

Halos mapatili at mapatalon ako sa saya ng tuluyan na akong nakalabas sa resto but my smile faded when someone held my wrist firmly.

"Long time no see..." Tuluyan ng nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa kaba pagkakita ko sa mukha niya, natameme pa ako sa harapan nito dahil sa bigla. Oh ghad! Mas lalo talaga siyang gumwapo! Este, wala sa sariling iwinaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko. Napalunok ako bago hinawakan ang sariling pulso na binitawan niya naman agad.

"L-Long time no see t-too." Napakagat labi ako dahil sa pagkakautal ko. He was staring at me seriously, tila kinilala nito ang buong pagkatao ko, kulang na lang ata ay pati ang kaluluwa ko ay titigan niya rin. Naiilang at kabado na iniwas ko sa kaniya ang aking tingin.

"You're more way bea---"

"Auriel!" Naputol ang sasabihin nito at napalingon sa babaeng kararating lamang, I took that opportunity to leave. Mabilis na nilakad ko ang gawi ng aking kotse at ng napalingon ito sa gawi ko ay tuluyan na akong nakalayo.

'He's really back, and no matter how I deny it... I-I miss him..'











_______

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon