CHAPTER FORTY EIGHT

182 13 0
                                    

Grandma

Titig na titig sa akin ang ginang na si Ariela Marie Vasquez, panay naman ang iwas ko dito. Kanina pa ng makipagbeso-beso ito sa'kin ay hindi na nito nilubayan ng tingin ang bawat galaw ko.

'Ghad! Naghahanap ba siya ng mali sa galaw ko?'

"Hija, hindi ka ba kumportable?" Napalingon ulit ako sa gawi ng Mommy ni R dahil sa naging tanong niya.

"Mom, who wouldn't be uncomfortable? Kanina ka pa kaya nakatitig sakanya." Napangiwi ako sa sinabi ni Redeaz, ang Daddy naman nitong si Augusto Blake Vasquez ay natawa. Hindi talaga ako makapaniwala, their family are really for beauty, lahat sila ay pawang may gandang maipagmamalaki. I just can't believe this, its like facing the gods and goddesses.

Kiming ngumiti ako sa ginang na Mommy ng dalawa.

"Hindi po ako sanay na tinitigan, Ma'am." Kagat labing tugon ko, palihim namang hinawakan ni Geo ang kamay ko na nasa tabi ko lang naman. I look at him and smile, assuring him that I'm okay.

"Oh, sorry. First time kasing magdala ni Geo ng girlfriend and you're really beautiful hija, hindi ko maiwasang titigan ka and please don't call me ma'am just Tita, that would be lovely." Magaang ngumiti ito sa'kin, nahihiya man ay nagantihan ko rin ito ng maginhawang ngiti at tingin.

"The truth is, I thought your being observant to point out something wrong about me after all I'm not rich like all of you. Baka iniisip nyo ding ginagamit ko lang ang anak nyo." Napamaang ang dalawang nakakatanda sa sinabi ko, Tita Ariela was gaping at me, tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. I pouted. Isang halakhak galing kay Sir Augusto ang aking narinig, bakas ang kaaliwan at saya sa boses nito. Nilingon ko si R, nagkibit-balikat lang naman ito, she mouthed 'they like you' which made me think twice, eh? She sure? Sa ginawa kong pagsagot ay baka nagalit ang mga ito o na-offend.

"I can't believe your actually thinking like that. I'm sorry Rudeoz hija but I'm not thinking like that and I'm not observing you to point out something wrong. I'm just really amazed. And I trust my son's taste when it comes to her girl and now I know kung bakit patay na patay sayo ang anak ko. Your something," ng mahimasmasan sa gulat ay naisatinig ng ginang, napahinga naman ako ng malalim bago apologetic na ngumiti sakanya.

"I'm sorry too, Tita Ariela." Napapalakpak ito sa sinabi ko, bakas ang kasiyahan sa mukha nya.

"That's better, you can call my husband Tito Augusto. Don't worry he doesn't mind at hindi rin sya nag-iisip ng masama tungkol sa'yo." Humalakhak ang ginang, kahit ang tawa nito ay napakapino at talagang malambing pakinggan, masarap pakinggan sa tenga and I don't know but every time she laughs ay parang natutunaw ang puso ko sa saya. Nakangiwing tumawa din naman ako.

"I like you for my son, thank you for making him happy Rudeoz." Pagsali ni Tito Augusto sa usapan, tila may humaplos sa puso ko ng ngumiti ito. I smiled at their father.

"Thank you Tito. Hindi ko po kayo bibiguin, I'll make him happy as long as I can." Napalingon ako kay Geo na kanina pa nakatitig sa'kin, natawa ako sa aking isipan. He really love watching me. He mouthed 'I love you' and I mouthed back my 'I love you too', kontentong napangiti ito.

Pagkatapos ng hapunan namin ay inaya ni Tito Augusto sa opisina si Geo habang inaya naman ako ng kwentuhan ni Tita Ariela, she's really beautiful and totally kind like R. Sa hula ko ay dito nagmana ng ugali si R habang sa mukha naman ay sa Daddy niya, may mga soft features din naman siyang namana kay Tita pero mas lamang ang sa daddy niya, nakapagtataka nga at wala sa parents ni Geo ang kamukha niya o namanahan. That made me more confused.

"You totally rock my world with your words." Tumawa ang ginang, tinanggap ko naman ang alok nitong juice. Natawa rin si Redeaz. Siguro nga ay palaging nasa business ang pamilya ng kambal pero nakikinita kong close ang mga ito sa isa't isa kahit miminsan lang magkita, they do have the bond of a family after being away with each other for a long time. Kami ng pamilya ko ay hindi sanay sa ganoon, parati kaming andiyan para sa isa't isa kahit sa mga simpleng bagay lang.

"Nako, Mommy masanay ka na diyan. Ganyan talaga 'yan, sobrang prangka. Remember want I told you? About our first meet? Yung inaway niya ang sales lady? It was amazing Mommy, para siyang anghel pero kapag inagrabyado ay hindi nagpapatalo." Nakangiwing yumuko naman ako sa sinabi ni R, magpapagood shot sana ako sa Mommy niya tapos naikwento na niya pala ang mga tungkol sa bagay na 'yun.

"Yes, I do remember that one. Thank you for doing that by the way hija," nag-angat ako ng tingin sa sinabi nito bago nahihiyang ngumiti.

"Its nothing Tita." Sagot ko dito.

"You really remind me of someone when you smile Rudeoz, especially the way you talk." Napamulagta ako sa sinabi nito, ang kaninang nawalang kaba sa dibdib ko ay nagbalik. I look at them, coldness is eating me up.

"You notice that one too Mom? Napansin ko nga din 'yon eh. I thought it was an old artist pero I never thought that it was grandma.."

'Lola na naman?'










____________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon