CHAPTER TWENTY NINE

225 22 0
                                    

Heaven

"Congrats, Rude! Ang galing mo! I mean kayo ni Kuya Auriel hehe para akong nanood sa isang movie, gosh! May chemistry!" bati ni Billie na may kasama pang pagtili, tila nagniningning pa ang mata nito, I gave her a tight smile.

"Thank you, good luck sa inyo ni Billy." Tumango ito sa akin. Dire-diretso naman akong naglakad patungong dressing room, at hanggang ngayon ang kabog sa dibdib ko ay hindi pa rin nawawala. Dang!

"R!" I looked at Redeaz, she's looking at me too. Confusion is written all over her face.

"Ah, yes?" I raised my brow at her. Isang napakalalim na buntong-hininga ang nilabas ko nang iniwas nito ang tingin sa akin. Oh, come on.

"Wala, tara. Let's change your clothes? Q&A na ang next, 'di ba?" I know she want to say something but she can't. Tss, iba rin ang iniisip ng isang 'to.

"I know what you're thinking, R. Cut it off, you got it all wrong." Irap ko bago tumawa ng marahan, pero sa loob-loob ko ay tila nais nang lumabas ng puso ko sa pagwawala nito.

"I don't know Rudeoz. I don't know if I should believe you," iling iling niyang sabi. Ang mga labi niya ay may pilyang ngising nakapaskil.

'Arghh!'

"Whatever. I don't like him!" puno ng diin kong sambit.

She chuckled. Aliw na aliw ito sa akin, at sa naging reaksyon ko. I grunted!

"Wala naman akong sinabi tungkol doon, huwag masyadong defensive, 'kay? Napaghahalataan ka eh," my eyes widen at what she said. Shocks! Napalapit ako sa kaniya para bumulong, ghad! Baka lalo akong pag-initan ng mga babaeng andito!

"Oh ghad! What you're thinking right now is really freaking gross, Redeaz! Come on! Why would I like someone like him!? He's a gago! A bakulaw! A-A super pangit human being! And duh? Siya ang dahilan kung bakit maraming may galit sa akin, at kung bakit hinabol habol ako ng mga isda't hipon na may gusto sa kaniya! Its his fault why my dresses and gowns are ruined--"

"And you know what? Mas lalo lang rarami ang may galit sa iyo simula ngayong araw. What you and kuya did back in the stage even if it's an act, triggered someone's jealousy. Hays, ang sweet niyo kayo roon, parang ehem mag-jowa talaga. May chemistry! Ghad! Parang may mga tinatagong pagtingin. Day and night you're the guy I want... chosen by my own heart la la la..." She cut me off while chuckling, at nakuha pang kumanta.

"Ingat-ingat din kasi minsan." She smirked.

My eyes widen at what she said. Kahit nais kong manakal ng best friend ay 'di ko magawa dahil lahat nang sinabi niya ay totoo!

'Oh my, what did I get into?' hopeless kong tanong sa aking isipan.

"Oh well, that's fine. I'm your number one supporter. I ship you two since day one, and I would be the happiest girl in earth kung magkatotoo man ang lahat nang naisip ko tungko--"

"Cut it out!" I shouted in frustrations, ang ilang nasa tabi-tabi lang ay napatingin sa aming dalawa. I gave them death glares dahilan para umiwas agad sila ng tingin. Argh! I hate this!

"You're not helping at all!" ungot ko sa matalik kong kaibigan. Naupo ako sa upuan ko, siya naman ay kinuha ang gown na susuotin ko mamaya sa Q&A.

"I will help you naman, I'll be at your rescue kapag inaway ka nila lalo na kapag sobrang dami na nila. Hindi kita pababayaan hehe." Itinaas baba niya pa ang kilay niya habang nakangisi, I breath in annoyance.

'Really? She's really a big-big help! Argh!'

"Shut up, Redeaz! Whatever, that will never happen anyway. What you're thinking will never happen!" Irap ko bago kinuha sa kaniya ang gown para magbihis na.

"You'll never know," pilya niyang sinabi.

She help me out with the gown. Ang long sleeve nito ay nawala dahilan para maging sleeveless, ang punit-punit nito sa dulo ay talagang nakakainis na ewan, cuz' I really find it cute too, and the gown really turned out to be so colorful. Ganoon pa rin ang ayos ng buhok ko at ganoon lang din ang make up.

"Woah!" bulalas ni R, nanlaki ang mga mata nito at nakaawang pa ang labi niya.

"What? Is it that bad?" Ngiwi ko, ayaw ko rin naman talagang mapahiya, but those girls really triggered me so damn much.

"No, geez! I can't just believe it. The gown is pretty ruined and it's not really a good sight to look at, but then you wear it, at kahit talagang napakaewan ay-- gosh! It looks good on you!" She squiled in delight and to believe her, inikot niya ako hanggang makita ko na ang aking sariling repleksyon, at katulad niya ay tuluyan na ring napaawang ang labi ko.

'Damn, mas lalo akong naging dyosa!'

"Dyosang dyosa na ako, R!" I giggled like a kid. Napairap ito sa pagbubuhat ko ng sariling bangko bago nagkibit balikat at napangisi, oh girl your best friend will never change.

"Yeah, ipapakita natin sa mga babaeng 'yon kung sino ang kinalaban nila," puno ng determinasyon na tugon niya. We both laughed.

Nang sabay kaming lumabas ay halos lahat ng ulo ay napalingon sa gawi namin. I heard gasp from them na hindi ko naman pinansin. Nag-flip hair pa talaga ako habang nakairap, sinadya ko iyong ipakita kay inggit girl na andito rin, at imbis ako ang suportahan dahil ako ang kaklase ay nasa ibang section siya, tss surely nagpaplastikan lang 'yang mga iyan.

Hindi pa rin nawala ang inis ko sa ginawa niya sa gown ko, at mga dresses pero wala na akong magagawa doon, nangyari na. Ngayon ko lang din 'yan napansin na pumasok, buti nga at ngayon lang siya nagpakita dahil baka maisampal ko sa kaniya lahat ng makita ko.

"See this, bitches? This is what real beauty is,' puno ng kahanginang sabi ko sa aking isipan. Gusto ko lang ipamukha kay inggit na naging clown na sa kapal ng make up. Parang binudburan ng harina sa sobrang puti at iyong pisngi niya? Parang sinampal ng isang daang demonyo sa sobrang pula. Like ewww!

Tinalikuran ko na ang mga ito habang nakataas ang kilay.

"Wow! Gandang ganda na naman ako nito sa 'yo!" Manghang mangha na sabi ni Charlie. I gave him a smirk, at pasimpleng inalis ang mga kamay niyang nakaakbay sa akin lalo na nang makita ko ang pares ng mga matang puno ng kalamigan habang nakatitig sa akin.

"Thanks, Charlie."

"You're welcome." Malayang pinasadahan niya ng tingin ang aking mukha nang may biglang mga brasong umangkin sa bewang ko. I stiffened, literally.

"You still have a pageant to win. Let's go." He's cold voice echoed in my right air, I bit my lower lip nervously. Napansin ko rin ang gulat na tingin sa min ng iba, ang iba ay inis na nakatingin sa akin na hindi ko naman pinansin.

"Ah, yes. Excuse us." Kahit naisin ko mang alisin ang mga braso niya hindi ko rin magawa.

'It feels like heaven, and I'm really really doomed!'





_________________

LROA_26💕

Sorry for late updates:)

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon