Anak
"Rude! Rudeoz stop!" Hinihingal man ay sinikap kong bilisan ang takbo ko. Napaluha na lang ako lalo. Bakit kailangan niya pa akong habulin? Hindi niya ba naiintindihan ang nangyayari? Hindi kami puwede! Hindi man kami magkadugo ay hindi pa rin kami puwede! Isa akong totoong Vasquez at ganoon din siya, sa batas ay magkapatid kami. Hinding hindi kami puwede!
"Rudeoz! Please stop!" Nasa mismong gate na ako nang mahawakan na ako nito ng tuluyan, sa pagod ko ay tuluyan na akong napalunod sa lupa na agad niya namang pinigilang mangyari.
"R-Rude..." I am deeply hurt when I heard his voice shake while hugging me tightly. Panay ang halik nito sa buhok ko na tila takot na takot at kinakabahan sa maaaring gawin ko, at kahit nanghihina ay panay rin ang iwas ko sa kaniya.
"Tama na, this is wrong..." Nanginginig ang labi ko at kahit anong pigil ko sa luha ko ay 'di ko magawa. Masaya lang naman kami noong mga nakaraang araw ah, bakit naman ata ang bilis bawiin? At ang masaklap, sa masakit at nakakagulat na sitwasyon pa.
"A-Anong mali? Hindi tayo magkapatid, Rude, nagkapalit lang tayo ng mga magulang, ng buhay pero ako parin 'to. Mahal na mahal kita, Rudeoz. Hindi mo naman ako iiwan dahil dito, 'di ba? Sa batas, oo magkatapatid tayo kung papalitan nila ang apleyido mo pero gagawa ako ng paraan, ako ang g-gagawa ng paraan, 'w-wag mo lang... akong iwan please... mahal na mahal kita..." Itinulak ko siya, umiling ako nang umiling. At ano? S-Sasaktan ko ang mga taong 'yon? Tang ina naman!
"Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito?" tanong ko sa kaniya, pilit kong tinataboy ang mga kamay nitong pilit yumayakap sa katawan ko. Kapag ipipilit niya pa ito ay baka bumigay na ako. I may be strong and fierce but damn it! I know that when it comes to him I'm weak! Mahina ako eh, siya ang kahinaan ko. After all his my center, his the weak spot I have.
"Kahapon pa lang, I just realize that when I saw how familiar your Mom's face is, those black and dark eyes, those were just like mine. I know from the very start that I'm not the Vasquez's real heir, alam ko sa simula pa lang dahil minsan nang naaksidente si Redeaz ng nasa highschool pa lang kami, in my mind I'm her twin kaya noong sinabi ng doktor na kailangan niya ng dugo ay nag-volunteer ako, j-just to find out that we didn't match. Hindi ko iyon ipinagsabi sa mga kinilala kong magulang dahil kahit wala lagi sa tabi namin ni Redeaz ang mga ito ay alam kong mahal na mahal nila kami. I don't want to hurt them kaya sinabi ko sa sarili ko na mag-iimbestiga muna ako. Maghahanap muna ako ng tungkol sa magulang ko at baka may makalap ako pero nagtagpo ulit ang landas nating dalawa. 'Di ko na kakayaning pakawalan ka, Rudeoz. Mahal na mahal kita... hanggang sa kagabi, alam kong nakilala niya agad ako, that's why I was looking at her intently. I know she's my mother, my real mother..." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nito, masakit isipin na ang itinuring kong ina mula pagkabata ay hindi ko pala talaga totoong magulang. Now I doubt if I really deserve those loving eyes, caring touch and sweet voice.
At siya na mismo ang nagsabi na hindi niya kayang saktan ang mga itinuring niyang magulang, ano pa kaya ako? I can never take away their son from them, hindi ko rin sila kayang saktan.
"I-I'm sorry Geo pero sa batas ay hindi tayo p'wede, isa ka pa ring Vasquez. Hinding hindi magbabago 'yon." Napakagat labi ako sa paulit ulit kong rason, natatang ina narin ako sa sarili ko. Gustong gusto kong yakapin siya at ikulong sa mga bisig ko, sabihin na magiging okay din ang lahat pero hindi ko kaya dahil kahit ako hindi 'yon magawa sa sarili ko.
I started to wiped my tears as I turned my back at him.
"Let's end this. I'm s-sorry, hindi ko kaya..." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya at dali-dali akong tumakbo papalayo sa kaniya.
Pagkalabas ko ng village ay may taxi ding may kalalabas lang na pasahero, agad akong sumakay dito pagkaalis ng babae. Doon ko ipinagpatuloy ang pagluha ko, ang sakit-sakit naman eh! Kung ganito lang din pala ang mangyayari, kung dito lang rin pala mahahantong ang lahat, bakit ipinagtagpo pa kami? Tang ina 'di na uso 'yon eh! Bakit kailangan pa naming magkakilala? Tang ina naman kasi, bakit kailangan ko pa siyang mahalin ng husto kung ganito lang din pala ang mangyayari!? Tang inang pag-ibig 'yan!
Nagmahalan kahit ito ay hindi puwede
Ipinaglaban ngunit tayo ay talo pa rin sa huli
Susuko na lang para sa katahimikan
Ititigil ang kahibangan tayo man ay nahihirapan
Matalim ang tingin na tinignan ko ang manong na nag-da drive ng taxi, pa-lingon lingon din naman ito sa akin na tila nagtataka at nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay agad siyang napakurap kurap.
"Nananadya ba kayo, manong?" inis kong tanong dito, pinunasan ko ang basa kong pisngi.
"M-Ma'am?" utal nitong tanong, puno pa rin ng pagtataka ang mukha nito.
"Kapag hindi niyo po ititigil ang radyo niyo, talagang ipapaabush ko itong kotse niyo! Tang ina, brokenhearted na nga itong tao, sayang saya ka pa riyan sa pinapatugtog mo! Nako! Panot!" buong lakas kong sigaw dito, I can't control myself anymore. Kapag hindi ko inilabas lahat ng nararamdaman ko ay baka mapatay ko na 'to si manong panot! Nakakainis! Nang makarating ako sa eskineta ay padabog ko pa itong binayaran 'tsaka ako nagmamadaling naglakad pauwi.
Mom wearing a wide smile welcomed me outside the house pero agad din itong natigilan nang makita ng tuluyan ang hitsura ko. Sa pagkakaalala ko ay sinabunutan ko ang sarili ko kanina habang nasa loob ng taxi at hula ko'y sirang sira na rin ang make up ko sa mukha na si M-Mama mismo ang nag-effort.
"Anak anong nangyari?" Napatingin ako sa nag-aalala nitong mukha, mapakla akong napangiti.
'Anak, from the very start I never deserve that after all I'm not her's..'
___________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Casuale'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...