CHAPTER TWENTY

281 23 1
                                    

Reality

"Rude, pakidala naman 'to sa field." Tinanggap ko ang inabot na tela sa akin ng kaklase ko.

"Ito lang ba?" Tanong ko, tumango naman 'to atsaka ako tinalikuran ng walang pasabi. Tahimik kong dinala ang tela bago lumabas ng classroom. Wala akong kasa-kasamang gago ngayon, may inutos rin kasi sakanya. Busy rin si R sa darating na contest at sa booth nila lalo na't siya ang President ng classroom nila.

Ang ginawa naming booth ngayon ay iyong simple lang, pinili ng President namin iyong kainan booth at kahit anong pagkain ang ibebenta namin para mas maraming pwedeng pagpilian ang mga estudyante. Pang mayaman man o pang simple lang so I suggested street foods na inaprobahan naman nito. Ako ang magluluto nito dahil ako din naman daw ang nagsuggest ng ganoong pagkain and it's fine for me. I will gladly help.

Ako lang din naman kasi ang marunong mag ihaw ng street foods sakanila pero kung gusto nilang matuto ay syempre tuturuan ko sila, I just want to introduced them those kind of foods na para kay Redeaz noong una ay weird pero hindi na tinigilan sa pagkain, at alam kong kapag natikman na nila ang ganon ay magugustuhan rin nila, well not all of them pero at least meron.

"Rude, may gagawin ka pa ba?" Pagkalagay ko ng tela sa mesa na nasa field ay iyon agad ang bumungad na tanong sa'kin. Nakatayo na ngayon ang booth namin, design na lamang ang kulang dito.

"Bakit?" Hindi ko na napigilang itaas ang kilay ko, kanina ko pa 'to napapansin. Every now and then ay ako lang lagi ang inuutusan nilang bumalik balik dito sa field at sa classroom. Akala ata nila ay hindi ko napapansin. This girls..!

I don't know what's wrong with them, wala akong ginagawang masama pero ito sila, parang mga batang nang-aaya ng away like duh? We are not young anymore but they still act like a kid. Mga bata lang kasi ang ganito, kapag naiinggit mang-aaway kasi dapat sila lang ang maganda, sila lang ang magaling, sila lang ang bida, too bad no matter what they do I know to myself that I'm still better than them hindi dahil sa itsura ko kundi dahil hindi ako kasing babaw nila. Mukha silang tanga, stupid people.

They look pathetic begging for people to notice them.

"Makataas naman 'yang kilay mo eh iyong utos na nga lang namin ang naitutulong mo dito sa booth na 'to." I don't know her name pero alam kong isa siya sa mga may gusto kay gago. Marami sila sa harapan ko pero siya lang ang tinignan ko, nasu-suffocate ako sa mga pagmumukha nila.

My blood boiled at what she said. Ako pa talaga, ah? This girl is getting in my nerves, gusto atang mapahiya. Ha! Willing akong gawin iyon kung ganito lang din naman kakitid ang utak niya ay mas lalong gusto kong gawin iyon.

"At least iyong kilay ko totoo hindi kagaya ng sa'yo na hanggang drawing lang. Atsaka paki ko ba kung iyon nalang ang naitutulong ko? At least may naitulong eh kayo? Nag-utos lang ang boss niyong 'di din naman kagandahan ay sumunod rin kayo, syempre same feathers flocks together nga eh so sama sama talaga kayo. Panay kayo utos wala naman kayong nagagawa kundi utos lang. Ano mga 'te? Inggit na inggit na ba kayo sa ganda ko?" Tanong ko habang nakataas pa din ang kilay, they are really pissing me off. Okay lang sana kung busy rin sila kaya nila ako inutusan pero bwesit lang.

Alam ko naman kasing sila ang nauutusan na gawin ang mga pinagawa nila sa 'kin pero pinapasa rin nila at sa akin pa. At hindi naman siguro coincidence na lahat sila sa 'kin inutos ang lahat, diba? Everyone would think its odd. Hindi ko rin sinabi 'to kay Leandra dahil busy siya sa booth and I'm not a kid para lang magsumbong. Kailangan ko lang isampal sa pagmumukha ng mga ito na hindi ako tinatablan sa mga pinanggagawa nila, baka ay sila pa ang lugi sa huli sa ginagawa nilang ito. I just want to warn them after all ay very hard talaga ang makipag away sa isang dyosa at ako iyon.

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon