CHAPTER TWELVE

299 30 0
                                    

___

Peace Be With You

"Ang sarap! I never tasted this before medyo weird rin kasi," aliw na sabi ni R. I look at her confused.

"Weird?"

"Oo, weird ng mga pagkain. They call this street foods, right?" Ani nito habang nilalantakan ang isaw at betamax. May binili din akong kwek kwek, most of the time I'm really weird, ginawa kong ulam 'yong kwek kwek at nakisabay na rin si R na ngayon pa nakatikim. Wala siyang naging reklamo at kain lang ng kain.

I nodded, "Hmm, for us masarap na 'to. Ito na ata ang pinakamasarap para sa akin. Its very tasty and delicious."

Sa kabilang banda ay tahimik lang si Geo na kumakain, wala man lang side comments tungkol sa pagkain parang kami lang ni Redeaz ang magkasama sa sobrang tahimik niya. Nalaman ko lang na first time nilang kumain sa ganito. Hindi naman sila maarte kaya walang problema.

"Yeah, tasty. Padagdagan ang akin R." Tinawag ko naman si Aling Lina at nagpadagdag pa ako ng limang isaw at tatlong betamax para kay Redeaz.

"Meron nito sa gilid ng school pero I think wala masyadong pumapansin no'n, mayayaman kasi halos lahat ng tao sa Sanford," kibit balikat ko.

"Right. But now that I have tasted this, hmm bibili na ako doon. Samahan mo ko, ah?" Tumango lang ako sakanya dahil do'n. Matutuwa iyong manong na nagbebenta do'n.

Ng matapos kami doon ay nagsimba muna kami. Kakasimula lang ng mesa ng makapasok kami, pinili naming umupo sa likurang bahagi ng simbahan. Gusto ko sanang nasa gilid ako ni Redeaz kaso pinagigitnaan na nila ako ngayon. I can feel the tension between Geo and I.

Hindi pa pala maganda and last meeting namin.

Ng nasa part na kung saan kakantahin yung 'Ama Namin' ay mas lalo akong nanigas at wala sa sariling hinawakan ang kamay niya habang kumakanta.

"Why are you trembling?" Napalunok ako ng sabihin niyang iyon.

"Trembling--what?" Kagat labi kong tanong. His effects towards me is scary yet exciting. Nababaliw ata ako pero iyon talaga ang nararamdaman ko, I may not voice it out but I did miss seeing his face for the past few days. Lalo na ang mga malalamig niyang mata but it doesn't mean anything alright? Talagang miss ko lang na walang kabangayan, I hate his guts yet I miss it too.

"Your hands are trembling," tuluyan na akong napatigil sa pagkanta dahil sa sinabi niya. I look at R and I felt relieved ng makitang seryoso lamang itong nakatingin sa harapan habang kumakanta.

"I am not," tanggi ko at marahang pinakalma ang sarili. I glance at his side and I was shocked when I caught him looking or staring at me intently.

"Yes you are, are you scared?" Mahina niyang tanong.

"Why would I be scared?" Taka kong tanong. His lips protruded a bit. He click his tongue inside.

"Our last meeting was not good. Baka lang natakot kita ng sinigawan kita. I'm sorry," aniya habang seryosong nakatitig sa akin. 'Di na naiwasan ng puso kong mag-react. Iniwas ko sakanya ang tingin ko dahil panay pa din ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan talaga ako sa mga titig niya, para kasing may sinasabi ang mga ito.

"Okay lang, I understand," mahina kong sinabi para na din maiwasan na marinig kami ni Redeaz.

Hindi na kami nag usap pa o bulong bulong pa dahil natapos na ang kanta. I don't even know but I'm kind of sad when we let go of each other's hand.

'Chansing ka talaga!' I pouted at what my inner me said.

'No, I'm not. Bumitaw naman ako, ah?' Kontra ko dito.

This is me every time I'm confused, alone or what. Sarili ko lagi ang kausap ko.

'So kapag hinayaan ka 'di ka na bibitaw?'

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng inner me ko. Shit, parang ganoon na nga. Napalunok ako sa isiping iyon.

Nababaliw na ba ako? Why would I not let go of his hand? Ano bang meron sa mga kamay niya at ayaw ko na siyang bitawan? Makakain ba kamay niya? Nakakabusog ba? Hindi naman ah! I must be crazy thinking such--eww! Nakakainis ang utak ko, my mind is brainwashing me! Of course hindi ko siya gustong hawakan! It just came out of my mind but it doesn't mean gusto ko talaga! Duh? Me? Gusto siyang hawakan? Yuck! Ew!

Pasimple akong tumingin sa gawi niya at halos masamid ako sa sariling laway ng makitang mataman lamang itong nakatitig sa 'kin. I shyly glance away.

"Let's have a truce," napabalik ang tingin ko sakanya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Truce?" I ask, clueless at what he wanted to happen.

"Let's be friends. Shall we?" Ngumiti ito, ayon na naman ang ngiti niyang nakakatunaw. Napangiti naman ako ng ma-timing 'to sa isang gawain na palaging mangyayari kapag nagsisimba kami.

"Peace be with you, then." I smiled.

"Peace be with you, Rude," Aniyang pabulong.



_____________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon