CHAPTER THIRTY FOUR

213 20 0
                                    

Mood

"Good morning." Isang malapad na ngisi ang kasabay ng pagbati ni R sa'kin.

"Good morning din." Napakurap kurap ako ng maramdaman ko ang mahinang paghila ng kung sino mang poncio pilato sa bag ko, handa na sana akong manapak ng maamoy ko ang pabango nito at heto na naman, halos atakihin ako sa puso dahil sa lakas ng tibok nito.

"Good morning, Rude." Napakagat labi ako. R on the other hand was squealing like an idiot, literally siya pa ang mas kinikilig kesa sa'kin. Ghad! Nakakahiya!

"Morning din," I almost stammered when I replied na agad ko namang itinago sa pamamagitan ng pagtikhim.

"No good?" He asked, his voice is kind of gentle and warm and I find it really sweet for him to do that.

"Huh?" I ask, confused at ng makuha ko ang ibig sabihin nito ay agad akong napangiti ng palihim.

'Of course its good. Mukha ba naman niya ang makikita ko sa umaga papaanong hindi magiging good 'di ba?'

"It's good, very good." Ngumiti ako sakanya at 'tsaka ko lang naalala na hawak niya pala ang bag ko. Nabura ang ngiti sa mga labi ko.

"Can I get that back? Hindi naman putol ang kamay ko." Kahit itago ko sa pamamagitan ng pagtawa ay alam kong nahalata niya ang rudeness sa boses ko. Hindi ko rdin napigilan itaas ang kilay ko.

'Argh! Bakit ba? Eh sa nasanay na'ko!' Ngumuso ako ng palihim.

"I'm courting you, just let me." Aniya, ngayon ay harap harapan na akong napanguso.

"Yes your courting me at wala sa part ng courting ang alilain kita, okay?" Ganti ko, napairap pa ako ng onti.

I just can't! Duh? Sa macho niyang 'yan magdadala siya ng pink na bag? Ano siya beki? Baka mapagkamalan at ayaw ko ding kumalat ang balitang nililigawan niya ako at baka atakihin ako ng mga may gusto sakanya at maging criminal pa ako. Ew! I'm not gonna staint my hand with their bloods, hindi worth it.

"Missy, courting you is just like slaving me." Aniya pabalik.

"Kuya is right! Don't you know na literal na ipinagsibak ni Daddy si Mom nung nililigawan niya palang ito? At mas malala pa 'yon sa pag aalila!" Pagsali ni R sa usapan, I didn't even notice her.

'Na sakanya lang kasi ang atensyon mo!' Whatever.

"Ewan ko sa inyo! Basta ikaw, 'wag kang magreklamo. Baka isumbat mo pa sa'kin 'yang ginagawa mo!" I faced Geo, inirapan ko pa siya. Redeaz chuckled, aliw na aliw ito sa'kin kahit wala namang nakakatuwa.

"I will not. I am courting you so I can get your yes and I want your yes while doing my hard work, okay? Gusto pa din naman kita kahit alilain mo ako." Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nito. How can he just simply say that word?

"Do you really mean that?" I ask, kinabog ng malakas ang dibdib ko. What if nagbibiro lang siya, 'di ba? We have so many differences baka nga ay sukuan niya ako. I'm poor and he's not at kahit sabihin nating may pagka-cold siya ay mabait pa din naman si Geo unlike me. I'm very hard to handle! Paano kung habang nililigawan niya ako ay sumuko na siya agad? What about my feelings?

"Of course---"

"My kuya twinny really mean that! He likes you so much before I meet you atsaka duh? Hindi kita hahayaang mapunta sa lalaking walang binatbat 'no, basta kapag sinaktan ka ni kuya just tell me para mabatukan ko agad." I almost laugh at R, si Geo naman ay matalim ang mga matang nakatingin kay Redeaz. Bakit niya kasi pinutol? Hahaha.

"Redeaz Marie Vasquez." Geo's cold voice made R face him. Agaran itong nag-peace sign sa kakambal habang tumatawa.

"He-he, may klase pa pala ako. See you mamaya, Rudeoz!" Agaran itong tumakbo papalayo bago pa man siya maabot ni Geo at makurot.

"Let her be," I laugh, sumimangot naman ito. And that's a foul! I literally find that action of his cute!

'Miminsan lang 'to, lulubus lubusin ko na..'

Wala sa sariling kinurot ko ang pisngi nito para panggigilan. Ilang beses ko na naman nakurot ang pisngi niya but still, feeling ko first time ko palang 'tong nagawa lalo na ngayong nililigawan na niya ako. Damn! Sanaol nililigawan hahaha.

"Cute, now let's go." Agad akong tumalikod pagkatapos ng ginawa ko lalo na't nakaramdam na'ko ng pag-kailang lalo na sa mga titig na ibinibigay niya. I almost jump in surprise when he stop me by holding my hand. Ehh!

"Your way cuter than me and I like you more because of that." Napalunok ako, kiming tumawa ako dahil sa tibok ng puso ko. Ghad! 'Wag kang lalabas diyan, made-deads tayo!

"Ewan ko sa'yo! T-tara na nga!" Hinila ko ang kamay ko pabalik bago nagmamadaling naunang lumakad sakanya. I felt my cheek heated when I heard him laugh because of my reaction, dang it!

'Damn this guy! Masasakal ko talaga 'to! Arghh!' Sa pagmamahal. Charot!

"Nako! Kung 'di ka lang gwapo at cute!" At crush ko!

"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat bago natakpan ang sariling bibig. How did he? Namura ko ang sarili ko, nakakahiya! May multong ngisi sa mga labi nito, tae ka self!

"A-ah, ano wala. N-nothing, really nothing," nagkanda utal utal kong sabi sakanya. Nagtaas ito ng kilay, nasa tabi ko na ito at sinasabayan ang paglalakad ko. Umiling naman ako ng umiling bilang sagot.

"Your blushing." Aniya, sinamaan ko siya ng tingin. Hindi porke't nahihiya ako ay magpapatalo na ako! Hmp!

"Original face ko na 'to! Rossy cheek, hmp!" Irap ko sakanya, ng makitang malapit na kami sa room ay mas lalo ko lamang binilisan ang lakad ko. Aish! Ang sarap niyang mang-asar este nakakainis siyang mang-asar! Yun! Yun na nga!

"Woah! Good morning, Miss Sanford!" Everyone cheered, may nagsaboy pa ng bulaklak na puro petals na din naman. Napangiti naman ako but my smile faded when that girl run towards the door behind me to greet someone.

"Good morning Mister Sanf--"

"Geo, ang bag ko." I interrupted, kasing lamig ng yelo ang boses ko at kahit anong tago ko ay 'di ko magawa dahil halatang halata sa boses ko ang pagkainis. Ni wala akong pake kung nagmukha akong bastos dahil sa pagputol sa pagbati niya.

Everyone became silent, tila nagulat pa sila sa sinabi ko. Hinarap ko naman ang babaeng kontrabida sa buhay ko, now now, she ruined my dresses and gowns before, I won't let her ruined my mood this time.









________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon