CHAPTER FORTY SEVEN

190 14 0
                                    

Meet The Parents


Kinakabahan man sa mangyayari ngayong gabi ay tuluyan parin akong lumabas ng bahay, simpleng puting dress lamang ang isinuot ko na may belt na pang vintage ang design, pinaresan ko lang rin ito ng converse shoes, wala rin kasi ako sa mood na mag-heels. Baka sumakit pa ang paa ko mamaya at mamaga.

Geo wearing a black polo and a boyfriend jeans welcomed me outside, nakasandal ito sa kotse nya habang nakatingala sa kalangitan. Maganda kasi ito ngayong gabi, punong puno ng bituin at malaking malaki talaga ang bilugang buwan. Ng mapansin ako nito ay naibigay niya agad sa'kin ang buong atensyon niya, nakangiti ito sa'kin at halatang halata sa mukha niya ang kasiyahan. Sa mga mata rin nito ay nakikita ko ang pagmamahal niya para sa'kin, it was heartwarming. Napangiti narin ako sakanya, ng nakalapit na ako sakanya ng tuluyan ay nagkatitigan pa kaming dalawa, feeling the peacefulness were giving to each other bago nya ako pinatakan ng halik sa noo.

"Your so beautiful, baby." I pouted my lips to hide my smile. 'Pag siya talaga ang nagsasabi ng maganda sa'kin ay kinikilig ako, I don't even know why. Katulad nalang ng una naming interaction sa school garden, when he smiled at me, it feels heaven and he was the first guy who made me blush! Tsk tsk tsk, hay nako. 'Pag sa ibang lalaki ay wala akong maramdaman, I'm just proud about my beauty but I never felt overwhelmed or really beautiful even though I'm beautiful. Basta kapag siya ay parang iba na, damn I'm really whipped.

"Thank you." pinisil nito ang pisngi ko at ininat para pangitiin, natatawang tinampal ko naman ang kamay niya.

"Ano ba!?" Ngumisi ito sa'kin bago pinugpog ng halik ang buong mukha ko hanggang sa tumigil ito sa labi ko, damang dama ko ang pagmamahal niya sa'kin sa mga halik niya, masuyo ko lamang itong tinanggap at ng matapos ang halik niya ay pawang nakasandal ang noo namin sa isa't isa.

Buti na lamang at nanonood siguro sila Mama ngayon ng TV, hindi nila napansin ang kalandian ko dito sa labas. Pinasok pa kasi ni Geo ang kotse niya at talagang nilagay sa harap ng bahay namin, kahapon naman ay malayo layo ito samin dahil ayaw nilang makaistorbo ng mga tao at talagang pinagtulungan lang ang pagbubuhat ng mga dala nilang pagkain. Alam na tuloy lahat ng kapitbahay ko na may jowa ako at gwapo pa hihi.

"Kinakabahan ka ba?" Sa gitna ng katahimikan namin ay tanong niya, I bit my lower lip and nodded. This will be the very first time that I'll meet his parents at take note, mayayaman parents niya. Hays, siya lang din naman talaga ang naging kauna-unahang boyfriend ko, first time kong makaramdam ng ganitong klase ng emosyon at sa lalaki pa kaya ng umamin rin siya sa'kin ay alam kong 'di ko na siya papakawalan pa. Yes, I do hate his guts the very first time we've meet, na para sakanya ay hindi naman daw 'yun ang first time dahil may mas nauna pa but the hell I care now? I'm in love with him and that's it. I still hate him now though, I hate how he can answer every words I say, kung papaano niya ako pilosopohin at barahin sa mga sinasabi ko sakanya.

I hate how arrogant he is, dahil alam ko rin naman sa sarili ko na tama siya sa lahat ng pangangatwiran niya. Its just that, that was the very first time someone talk to me like that, and has the guts to correct and slap the truth in my face.

Its amazing how he can pissed and control me at the same time. How he can make me love him despite hating him.

This was the first time someone loves me despite my attitude, despite every flaws and imperfections I had. Despite my status in life lalo na at mayaman pa siya. Yes, may mga manliligaw ako na mayayaman but those assholes, I know what they want, its my body and I'm not a fool to give in no matter how poor we are.

Geo is something and I'm scared that one day, I have to choose between something and him. That would really hurt me.

"Don't worry, you'll be alright. Hindi naman mapili sina Mom at Dad sa mga kaibigan ni Redeaz. You'll be good." Hinuli nito ang kamay ko at hinagkan. I smiled at him, hindi niya alam na hindi na ako ngayon kinakabahan tungkol sa bagay na 'yon. I'm now nervous about the real us, our real identity. May hinala na'ko pero natatakot ako, pano kung magulo kami dahil dun? Anong mangyayari sa relasyon namin pag nagkataon? What about us? What will happen to us?

I'm now confused and scared.

"Thank you." Madamdamin kong sabi sakanya.

"I love you." Aniya at ayun na naman, tila baliw kung tumibok ang puso ko sa bilis nito. Kahit kailan ay talagang siya lang ang nakakagawa nito sa'kin and yes, even I too was thinking that he's the one. Na pag nawala siya sa akin ay hindi ko na kakayanin pa at pag nagkataong tama ako, everything will be a mess.

This night will give me the answers I wanted, after this my confused mind will surely be cleared and changes would happen even though I don't want to.

"I love you too, Geo. I love you too.."

Habang papunta kami sa mansion ng mga Vasquez ay hindi na nawala ang pagkabalisa ko na hindi ko naman pinapahalata kay Geo. Panay din ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba and when we finally arrived at our destination, coldness was already eating me up.

"R!" Redeaz greeted me with a wide smile, agaran rin ako nitong niyakap ng sobrang higpit. Natawa nalang ako, para naman kaming hindi nagkita ng ilang libong taon sa yakap niya sa akin.

"I'm glad you two are already here, kanina pa ako ginigisa ni Mommy. She's too excited to meet you!" Bulalas nito, napairap pa ito kaya mas lalo lamang akong natawa sa sinabi niya.

"Sorry, you know your twin." Bulong ko dito, napataas na lang ito sa kamay nya na tila suko na.

"Yeah right. By the way, you look beautiful. Simple yet elegant." Kinindatan ako nito, siya din naman ay ganoon. Simpleng hapit na hapit na itim na dress ang suot nito. Naka-heels din sya pero dahil mas matangkad ako ng onti sakanya ay nakahabol parin ang height ko kahit nakasapatos lang.

"You too, you look beaut---"

"Oh! Son, I'm glad your all here!" Isang malambing na boses ang aking narinig dahilan para maputol ang aking sasabihin. Agaran naman akong hinila ni R para iharap sa main door.

'Oh ghad! Meet the parents na nga!'












________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon