___
Pera
"Rude, is it okay for you to join the contest?" Nakangiting tanong ni Pres sa akin.
"No. Marami namang babae riyan, let him choose basta 'wag lang ako," malamig kong tugon. Masamang nakatingin sa akin ang ibang babae. The hell I care? Hindi naman sila ang nireject, kung makatingin. Tss, sarap tusukin ng mga mata.
Naiinis pa rin ako. Wow lang kasi! Pagkatapos niya kong panlamigan kanina, idadamay niya naman ako sa kalokohan na'to. Tss! Ano bang mapapala ko rito? This is just a piece of pageant. Pambatang laro, and what would I get in this? Fame? Nah, don't need it. Famous na'ko sa bansag na bastos kaya hindi ko na kailangan pang gumawa ng ibang pagkakaabalahan para sumikat.
"Auriel, ayaw niya. Pwede namang iba nalan--"
"Then hindi ako sasali. Her or none at all," putol nito sa sasabihin pa ni Leandra o Leandro. Matalim ang tingin na nilingon ko siya. Alam kong nalulungkot na ang President namin ngayon, after all ay perfect na perfect na si Geo sa pageant na 'yon. He can do the talents portion and definitely he's oozing a very sexy sex appeal at matalino rin siya, hindi na siya mahihirapan pang sumagot sa tanong ng judge if ever and now, ito siya nagpapakagago na naman. Tang ina talaga ng gago na'to, sarap ibaon sa kailaliman ng lupa, hmp!
"What's your problem!? Kagabi ka pa, ah!" I shouted in frustrations. Nagsinghapan ulit ang mga kaklase ko and I know why, wala silang alam na close ako sakanya. Akala lang nila na kaya ko siya nakakasama ay dahil sa kakambal niya. Pwes! Mali sila! Magco-conclude na nga lang mali mali pa!
"Tell me, may nagawa na naman ba akong mali?" tanong ko, nakakainis lang. Hindi ako manghuhula that's why I'm asking him pero tang ina lang rin hindi din naman siya pipi o bingi pero ba't ayaw niyang sagutin ng maayos ang simple kong tanong? Anong gusto niya? Ibalibag ko siya? Grrr! Kainis!
Naiinis ako ng bonggang bongga sa gagong 'to!
"Let's talk about it later. Answer my proposal first, yes or no?" kalmado nitong tanong. I creased my forehead in frustrations. Talaga naman..!
"Aba! No! Gusto mo ng sagot? Edi no, hindi. Naiintindihan mo? Kung gusto mong makakuha ng ibang sagot maliban sa hindi at no then answer my question first, anong problema mo?" mariin kong tanong. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at akmang lalapit sa'kin ng dinuro ko siya. Damn! It will be a damn wrong move kung lalapit nga siya baka magmakaawa ang mga magaganda niyang mata, I just have this idiotic feeling na hindi ko ito matatanggihan pag nagkataon at ayaw ko nun! Aba! Hindi ako marupok na kaibigan, kahit si R babatukan ko pa para magtino, hmp!
At anong akala niya? Dahil gwapo siya bibigay na'ko agad, luh? Mag-isip siya ulit, pwede ko namang isipin na kahit gago siya ay bakulaw naman ang ugali niya at mas lalong gago siya. Oh, 'di ba? Gagana 'yon dahil mainit na rin ulo ko, masasapak ko 'to pag nagtangka itong lumapit ng tuluyan sa 'kin.
"Don't you dare come near me, Geo! We'll definitely end this truce pag lumapit ka! Tell me your problem, walang saysay ang truce na'to kung ganyan ka. Ano? Kapag naiinis ka idadamay mo 'ko? Dahil nanlamig ka sa iba, ganoon ka din sakin? Eh kung itaob kaya kita?" I glared at him, itinigil nito ang paghakbang at napabuntong hininga. Alam kong wala ng filter ang bibig ko, duh? Kailan ba nagkaroon? Kaya nga nabansagan akong 'Rude Girl' diba? Because I'm definitely rude at dagdagan pa ng pagiging prangka ko.
"Walang problema, Rude. I'm sorry, sorry now please. Can you be my partner?" Napasimangot ako, galawan talaga ng isang 'to. Nakita ko ring ganito siya kay Redeaz pag may nagagawang mali, he's sweet nga 'di ba? Ayon si R isang sorry lang galing sa twinny niya bigay agad, bati ulit. Hmp! Akala niya naman makukuha niya ko sa paganyan ganyan niya, duh! 'Di ako marupok, 'no.
And I did remember that were not alone. Napatingin ako sa mga audience namin na nakanganga. Who wouldn't? Hindi palasalita ang isang 'to at mas lalong hindi ito mahinahon magsalita, well kasi hindi naman to nagsasalita masyado maliban nalang kong gusto niya. He's always cold pero ngayon ngayon lang ay nakita nila ito at narinig na nanglambing.
"Ewan ko sa'yo! 'Di ako sasali. Final decision ko na 'yan, huwag kang makulit!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.
"Pumili ka nalang ng iba. I'm not into beauty contest." Irap ko bago lumabas ng classroom, wala na akong gana and our professor is already late, wala na siguro 'yong planong pumasok.
"Rude! Rudeoz!" Mas binilisan ko ang paglalakad ko ng marinig ang pagtawag niya sa'kin.
"Rudeoz Green." nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko na nasa loob ng mga bisig niya. Rinig na rinig ko ang malalakas nitong paghinga habang nakayakap sa akin. I was even dumbfounded because of that, panong hiningal na siya eh ang hina ko nga kong maglakad at alam kong mabilis niya lang akong naabutan maliban nalang kong------hindi ko naiwasang mapalunok.
"Minsan talaga nakakainis 'yang pagiging bingi mo," he groaned.
"Minsan rin talaga nakakainis 'yang ugali mo lalo na iyang pagiging moody mo," ganti ko rin. I even sounded like a kid na nagrereklamo, ganoon din naman siya.
Hinila ako nito sa kung saang lupalop man ng mundo habang ako naman ay nagpahila lang. Sa laki ba naman niya, makakaangal pa ba ako?
"Tsk! I want you to be my partner. Bakit ba ayaw mo?" Nakaupo na kami ngayon sa isang bench.
"Eh sa ayaw ko, ano bang mapapala ko riyan?" reklamo ko sakanya.
"May price iyon," aniya na nakapagpataas ng kilay ko.
"How much?" His lips protruded in a pout as I ask that question. Napahagikhik ako sa mukha nito, parang batang pinagbagsakan ng langit at lupa. Parang luging-lugi siya sa kung ano man. He's too cute that I can't resist to pinch his both cheek. Nanggigigil talaga ako, dang! Ang swerte ko at palagi ko siyang nakikitang ganito.
"Duh? Sasali ako kung malaki. Pera na 'yan, huwag tanggihan ang grasya." I wink at him.
"Kailangan mo pang manalo," aniya sa tamad na paraan. Balik poker face na naman ang Lolo niyo, okay lang mahal naman siya ng Lola niyo, aysus landi!
"Sa ganda kong 'to?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yabang." It's settled then, pera na rin iyon.
___________________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Random'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...
