CHAPTER TWO

618 45 14
                                    

___

Rudeoz and Redeaz

"Mama!" Natawa ako nang makitang ngumiwi si Flare. Kakatapos ko lang manakal at sa kamalas-malasan ay naumpog siya kanina kakaiwas sa akin.

HAHAHAHA, fifteen years old na pero tatanga-tanga pa rin. Naku!

Mas lalong idiniin ni Mama ang yelo sa noo nito na halatang may bukol na dahilan para umungot na naman siya nang reklamo.

"Kung hindi ka ba naman tanga, Flare! Nako! Nag-iinit ang ulo ko sa inyo!"

Isa isa kami nitong binigyan ng matalim na tingin. Nag-peace sign lang ako bago ngumisi. Napailing na lamang ang mga ito sa akin. Nakuha pang dumila sa akin ni Flare habang matalim ang titig sa akin. Duh? Hindi ako nasasaktan sa ganiyan lang.

"Ikaw naman, Rudeoz."

Inangat ko ulit ang tingin kay Mama ng may nagtatanong na mata.

"Ay, ewan ko. Kamusta pag-e-enroll mo?" Paglihis na lamang nito sa usapan.

I chuckled. Hindi ata nakayanan ni Mama ang inosenteng mukha ko.

"Okay naman, Ma. Enrolled na ako saka maghahanap na lang ako ng bagong trabaho na mapapasuka. Baka may pumayag sa mga mayayamang kaklase ko." Itinaas baba ko pa ang kilay ko habang nakangisi rito.

"Sabi ko naman sa iyo ay huwag ka ng mag-part time job. May pera naman kami ng Papa mo."

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi ni Mama. Alam niya rin namang hindi na magbabago ang desisyon ko. Final na iyon. Period.

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama para pumuntang mall na agad nilang inaprubahan. Alam naman nilang hindi ko na kailangan pang magpaalam. Tho, I wanted to. Hindi naman mahigpit sa akin ang mga magulang ko at sobrang nagpapasalamat ako roon pero alam ko pa rin sa sarili ko ang mga limitasyon ko.

I always do the good things and follow the good ones even though, I'm not really an angel. Nasa mga nakakakilala lang sa akin iyon. Because bitches deserve a slap while an asshole deserves a kick in the ass. It depends on how they treat me and how they see and talk to me. Palagi namang ganoon. Aba, kung sa panahon na ito ay magiging anghel ako habang kaharap ang demonyo ay syempre talo na ako. Simula pa lang ay wala na agad akong puntos. A demon will always be a demon. It's either you'll play along or lose while they're cutting your wings.

I entered an elite boutique. Wala naman akong bibilhin. Titingin lang ako. Wala namang nakalagay sa labas na bawal saka may mata ako edi syempre puwede, duh?

"Miss, this dresses would suit you perfectly," anang sales lady. Ngiting-ngiti ito sa akin.

I nodded slightly. Hindi ko naman bibilhin iyon. Ang mahal. Thousands of coins for a piece of cloth? Hindi ba sila nahihilo? Ako, hilong-hilo na.

"Excuse me. Can I have a minute in here?" Napatingin ako sa sales lady na nasa tabi ko pa rin. Tinignan lang nito ang babae at walang pakeng nilihis ang tingin.

She's all smiles while facing me. Quite a bitch, eh?

I look at the girl who called for her attention and then back to myself. Hindi katulad ko na maaliwalas tignan dahil sa dress na suot ay kabaligtaran naman niya ito. Balot na balot ang babae na tila may pinagtataguan. Tila sinadya ang pagiging nerdy nito para makaiwas sa mga tao. Tinatago ang makinis niyang mukha sa likod ng napakalaking glasses. May braces din ito sa ngipin. I find her cute.

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon