Lucky
"Rude, hindi ka ba kakain?" Katok ni Mama sa kwarto ko, matamlay na napabuntong hininga ako.
"Mamaya nalang po," Sagot ko dito, ipinagpatuloy ko ang pagtitig sa litrato naming dalawa sa selpon ko. Its my only photo of us two, iyon yung nasa field kami habang nakasandal ako sa likod niya. Sana pala gumawa ako ng maraming ala-ala sa loob ng mga araw na kasama ko pa siya. Nakakatawa nga eh, isang araw lang naging kami.
"Ate, hindi ka ba papasok?" I heard Clark's voice, he knocked the door twice.
"Ate, malungkot ka pa rin ba?" Sunod nitong tanong.
"Clark, wag mo munang istorbohin ang Ate Rude mo. Nagpapahinga si ate." I heard Papa Jake's voice, mahina lamang ang boses nila sa labas. Agarang nanikip ang dibdib ko sa nangyayari, napasandal na lamang ako sa headboard ng kama ko bago napaluha. Sila tanggap na nila, sakanila okay lang, pero sa'kin bakit ang hirap? Bakit ang sakit? Damn it! Hanggang kailan ba mananatili 'tong sakit? Sana may kapangyarihan ako na walain lahat ng sakit na nararamdaman ko kasi tang ina lang, ang hirap. Ang h-hirap hirap.
"Ate, alis na po kami." Huling katok ni Clark sa pintuan ng kwarto ko bago ko narinig ang mga yapak nilang umalis. I know I'm being selfish right now, hindi lang naman ako ang nasasaktan, I know my real parents are hurt too lalo na si Mama, alam kong mahirap sakanyang bitawan ako para ibigay sa totoo kong magulang pero anong magagawa nila? And here I am, acting like a brat pero hindi ko pa kasi kayang tanggapin nalang ang lahat ng basta basta. Lalo na sa narinig ko kaninang umaga.
__
"Kailan siya babalik?" Tanong ni Papa kay Mama, akmang pupunta lang sana ako ng banyo ng marinig ko silang nag-uusap.
"H-Hindi ko alam, ang sakit lang hon. Ilang taon syang nawala sa akin tapos mawawala na naman siya ulit, he really loves Rude and I'm so proud of h-him..." Pumiyok ang boses ni Mama habang nagsasalita. My chest tightened at that.
"I know, I'm proud of him too. He may not be my biological son but I'm willing to accept him as mine. Ang kaso ay gusto niyang hanapin ang totoo niyang ama, kaya siguro kahit si Mr. Vasquez ay walang nagawa, he's really determined. He wants Leonardo's last name and surely Leonardo is a lucky father to have a son like him." Umalis siya, iyon lang ang alam ko. Funny that he's still thinking about our mess up situation. Hindi ko inakala pero maghihintay ako, maghihintay ako hangga't pwede na.
__
Days had passed at ito lang ang drama ko lagi, matagal akong matutulog kakaiyak, magigising na mugto ang mata, kakain kapag may gana, magkukulong sa kwarto at matutulog ulit. Baka nga ay bumagsak na'ko eh, hindi narin ako pumapasok. Kumalat na sa school ang paghihiwalay namin at ang pag-alis niya papuntang ibang bansa, wala naman akong pake sa sasabihin ng iba. I'm not just really ready to face anyone.
Isang araw ay napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng katok sa kwarto ko, tila kayang sirain ng kung sino mang poncio pilato ang pintuan gamit lamang ang pagkatok. Pupungay pungay akong napatayo sa kama para buksan ang pinto and when I did, a very furious yet worried Redeaz Marie Vasquez welcomed me.
"What the hell Rudeoz Green?!" Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, ang mga walang buhay kong mata ay napatingin rin sa sarili ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked instead, tila nagulat ito sa itinanong ko. Mas lalo ko lang ata siyang ininis.
"Really? You're asking me that? Are you stupid?" Sarkastiko nitong tanong, I scoff.
"I am, so what? May problema ka? Sa pulis ka mag-report, 'wag sakin," Pilosopo kong sagot dito, akmang isasarado ko ang pintuan para magkulong ulit ng malakas niya itong itulak.
"You are not going to lock yourself again, Rudeoz! Ano ba!? Akala mo ba hindi kami nag-aalala sa'yo!? Mom and Dad are so worried and hurt! Ganoon rin si Tita Sierriel, are you really that selfish?! Hindi lang naman ikaw ng nasasaktan ah? Hindi lang naman ikaw itong iniwan! What's with you? Ikaw ang nagtulak kay Auriel papalayo, 'di ba? Bakit ka nagkukulong ngayon? Kailangan mong panagutan 'yan, Rude! Ginawa lang ni kuya ang sinabi m---"
"Pero hindi ko sinabing lumayo siya! Hindi ko sinabing umalis siya! I just want to end our relationship to protect him! But it doesn't mean he have to go away from u-us, fro--"
"Eh anong gusto mong gawin niya? Manatili sa tabi mo kahit pinagtutulakan mo siya? Kahit nasasaktan mo siya? Rude, tao rin si Auriel! May feelings din yung tao! Why are you so selfish?! And to p-protect him? Rude naman, Auriel can handle his self properly, k-kaya ka niyang ilaban. You haven't see how determined he is when he confronted Daddy para lang kumawala at mahanap ang totoo niyang magulang. He wanted so bad to fight for you, he left the country for you that even Dad's command cannot hold him to stay..." I was silent by her words, tears started to stream down my cheek, napayuko ako at napahinga ng malalim. Ang kirot sa dibdib ko ay mas lalong lumala, tama nga ang hinala ko. Mr. Vasquez won't let him go but he did because Geo is determined habang ako, anong ginagawa ko? Nagkukulong? Tang ina lang, may magagawa ba 'to?
"Si Auriel lang naman yung umalis, 'di ba? Andito pa kami, si Mommy, Daddy, Tita Sierriel, Tito Jake, si Clark, Yuan, Flare. Andito pa naman kami, bakit 'di mo kami makita? I'm your t-twin, you can share to me every heart aches you have right now, we can share it together. Dadamayan kita, yes, it's painful but what are f-family for, right?" Suminghot ito, napakagat labi ako. Yes I'm selfish, an idiot, stupid rude woman!
"Ate, I miss you..." Redeaz open her arms for an embrace, patakbong pinutol ko ang kokonting distansyang mayroon kaming dalawa at ng tuluyan na akong nakalapit ay napahagulhol na lamang sa balikat niya.
'I'm so lucky to have her..'
________
LROA_26💕
![](https://img.wattpad.com/cover/233116937-288-k265087.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Aléatoire'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...