Worth The Catch
"Ahm good evening rin, hijo." Tumikhim si Mama habang titig na titig kay Geo, ganoon din naman ang huli. I'm really confused, what's with them? Even some of their features are same.
"Pasok kayo," ng magsalita si Papa ay tila natauhan ang dalawa sa nararamdaman ng mga ito. I knotted my forehead, hindi naman siguro na-inlove si Geo kay Mama 'di ba? Charot lang, biro lang hehe. Ang seryoso kasi nila eh pagsu-sungit at papamamahiya lang ang alam ko.
"May mga dala po kaming pagkain, Tita." R smiled at my Mom, agad din naman itong ginantihan ni Mama ng ngiti. Tinabihan ko naman ang gago sa paglalakad na tila wala pa sa sarili.
"Okay ka lang?" Tanong ko dito, napakurap kurap ito at napalingon sa'kin.
"Huh? Ah yes, okay lang. Medyo kinakabahan lang, your Mom is cool." Ani nito, napanguso na lamang ako tsaka nagkibit-balikat.
"Nainlove ka na sa Mama ko?" Kumunot ang noo nito sa tanong ko.
"Grabe ka makatitig sakaniya eh. Don't worry, tanggap ko naman. Pareho kaming maganda ni Mama eh, magkamukha kasi kami." Ngumisi ako, nagbibiro lang naman ako pero itong kaharap ko sobrang seryoso. Anong nakain niya?
"Hindi naman kayo magkamukha." Eh! Ano?
"Ha?" Natameme ako.
"Your Mom have a chinky eyes, bilogan ang sayo. Ang sakanya'y tila laging seryoso, ang sayo naman parang palaging nangungusap. You don't look the same at all." Aniya, napanganga ako. Many people said na kamukha ko si Mama even R, siya lang ang nagsabing hindi.
"OMG! Gusto mo talaga si Mama?! Mas pinapaganda mo siya kesa sa'kin!" I pouted. Napailing ito at pinitik ang noo ko. Napangiwi ako dahil mahapdi iyon, sa laki ba naman ng kamay niya?
"Ikaw lang mahal ko," masungit nitong tugon. Agaran akong napangisi bago nagtaas baba ng kilay.
"Weh? Totoo?" Sinundot ko pa ang tagiliran nito.
"Totoo--"
"Hoy! Kayong dalawa, 'di ba kayo titigil sa kakabulong diyan? Ano tatayo nalang kayo forever?! Walang balak kumain, huh!?" Ang kontrabida sa landian namin ni Geo ay sumingit, masama ang tingin na nilingon ko ito.
"Walang forever, gaga!" Irap ko bago hinila si Geo para umupo na. Hindi man lang namin napansin na nasa dining area na pala kami, malay ko ba diba? Busy ako kakalandi eh.
"So, kailan naging kayo nitong dalaga namin, hijo?" Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ay naitanong 'yun ni Mama, agad kong naibaba ang kutsara bago napatikhim.
"Kahapon po," sagot nito. I pouted my lips, yes kahapon lang but then damn, yesterday was something. I was so happy at kahit hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang kasiyahang 'yun. It only takes one day to complete me.
"Niligawan?" Sunod nitong tanong. Napairap ako sa tanong ni Mama, bakit 'yung mga pangyayaring tapos na ang itinatanong niya? Duh? Mababago ba ang mga 'yun?
"Dalawang araw po." Nilingon ako ni Mama, I raised my brow at her. Problema niya? Eh alangan namang ipaagaw ko sa iba 'yan. Swerte naman ng mga hipong 'yun or to be exact mga lamang dagat, marami kasi sila at iba't ibang klase pa 'tsaka kinain ako ng selos, wala ng makakatalo dun. Sumenyas si Mama sa'kin na pumasok sa kusina, sa sobrang liit ng bahay namin ay syempre maliit din ang kusina, dikit na dikit pa. Seryoso si Mama'ng nakatingin sa'kin, napangiwi tuloy ako ng wala sa oras.
"Mama!" Pabulong kong reklamo ng kurutin nito ang tagiliran ko, natatawa pa ako ng hawiin ko ang kamay niya papalayo.
"Hindi ka man lang nagpabebe!" Masungit nitong bulong pabalik, hinila nito ang ilang kahibla ng buhok ko, napa-‘aww’ naman ako agad kalakip ang isang mahinang tawa. Malakas ang pagkakahila nito, naalog ang brain cells ko, kung meron man hahaha.
"Eh! Kailangan pa ba nun?" Ungot ko, akmang babatukan ako nito ng umiwas ako sa kamay niya, natatawa ko pa itong hinarap pagkatapos. She glared at me, napahilot pa siya sa sentido niya.
"Papaanong hindi ka hiniwalayan nun sa isang araw niyong pagsasama? At bakit ka'ko niligawan ka niya? Kakausapin ko 'yun baka magbago ang isip--"
"Mama!" Natatawa kong saway sa pabulong na paraan. Come on! Bakit wala man lang silang support? Argh!
Silence engulf us two after our 'kulitan' moment. I smiled wholeheartedly, nilingon ko si Mama.
"Mahal ko Ma eh, ang rami kong kaagaw kaya inangkin ko na." I chuckled, may kakayahan naman akong angkinin siya so why not use it? Nagtaas baba ako ng kilay dito, ang huli naman ay napailing na lamang bago napa-buntong hininga.
"As long as he can make you happy then I'm on it. I like him for you, I can see that his really serious and so much in love with you, don't ever let go of that boy's hand, Rudeoz. He's worth the catch." Tinapik nito ang balikat ko bago naunang lumabas ng kusina.
Pagkalabas ko ay nakangiti na ng malapad si Redeaz, si Geo ay may tipid na ngiti rin sa mga labi habang nakikipag-kwentuhan sa pamilya ko. I smiled.
'As I thought so.'
___________
LROA_26💕
So, hi! Hehe even without readers I'm still planning to update this story completely this Sept kasi kumpleto na din naman talaga 'to and I'm just a dakilang tamad but now is not the time haha, that's my deadline lalo na't malapit na ang pasukan jeez I still have to get ready haha. Anyways, always take care and Iwuvyou:) Good luck!
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
De Todo'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...