Fault
"Woah! Sikat na sikat ang kainan ng section niyo!" Puna ni R ng magkita kami sa labas ng booth namin.
I gave her a smirk.
"Syempre, masarap lahat ng pagkain namin eh," tsaka ako natawa ng mahina. Totoo naman, kaya dinudumog.
"Really? Then can I try it later?" Tinaasan niya ako ng kilay, hindi niya kasi alam na nag-offer or suggest ako ng street foods para ibenta namin. I want to surprise her though.
"Sure, hinding hindi ka magsisisi 'pag nagkataon." We are heading to my classroom. Sinamahan niya ako para tumulong na mag-ayos and that's an honor for me dahil duh? Who am I to reject someone like her? Siguro nga kahit siya na lang ang kunin kong make up artist ko lagi ay okay lang. Redeaz is good with girly things, ang akin lang naman kasi ay sa pananamit. I don't really put make ups in my face, kahit lipstick ay 'di ko nagawa. Liptint would do pero miminsan lang ako naglalagay nun. Hindi naman sa pagmamayabang pero masyado ng maganda tignan ang labi ko, I have a pouty lips at may pagka baby pink ang kulay nito. I love it that way, it looks innocent and carefree. Kay Redeaz ay medyo may pagkadark ang pink, sanay din itong maglagay ng lipstick maliban nalang kung lumalabas kami.
"Ang booth niyo? How was it?" Tanong ko na lamang sakanya.
"Its also a success! Marami naman kasing mahilig sa sweets dito sa school at 'yong iba ay tila nag-ala valentines, buti nalang at may mga hearts shapes sa mga chocolates at lollipops namin. Ghad! Ang sweet sweet pa ng iba habang bumibili, like geez! Sanaol may jowa!" Kwento niya at natawa naman ako. Kalaunan ay napanguso rin, I want chocolates and I'm really craving for it.
"Doon tayo mamaya sa booth niyo 'pag pupunta na tayo sa mga rides, please? I'm craving for chocolates and mallows." Natawa ito, wala na kasi kaming stock. Ubos na at 'yon pa ata ang unang naubos sa mga binenta namin. Busy rin ako sa pag-iihaw kanina kaya 'di ko man lang naisip na bumili 'tsaka nangyari pa 'yong pag-uusap namin nung apat. My blood boiled, nakalimutan ko tuloy, mainit ang ulo ko ng umalis kanina sa booth, kumalma lang ng paglabas ay nakita ko si Redeaz. I'm just really bad at controlling my temper, being calm when arguing with someone is my thing but talking nonsense things weren't, I hate it. Nandidilim ang paningin ko.
"Sige ba, ferris wheel tayo mamaya ah?" Itinaas baba nito ang kilay, I chuckled and nodded as an agreement. Gusto ko din nun, kailan pa ba iyong last time na nakasakay ako ng ferris wheel? I can't remember anymore, I would love to experience it again with Redeaz, my best friend.
"Ay wait, anong talent ang gagawin niyo ni kuya?" Kuryoso niyang tanong bigla.
I smiled," Kanta lang with a twist."
Napuno ng pagtataka ang mukha niya.
"Twist? Anong twist? Don't tell me sasayaw si kuya? Gosh! Baka matalo kayo niyan," natawa ako sa sinabi niya. And now, he's bringing his twin down. Talaga namang babae na 'to.
"Grabe ka sa kuya mo eh nung nagrereto ka pa eh marami rami ka pang sinabi na mga bagay kung saan siya magaling, kulang nalang pati bahay ng kapitbahay niyo ay buhatin mo sa pagbubuhat mo," natatawa ko pa ring sabi. She rolled her eyes.
"Duhh? Magaling naman talaga siya at talented but I don't know if my twin can dance. Gosh! I haven't seen him dance yet, baka naman ay tuod siya o 'di kaya ay trying hard! Kung sinabi ko man sa'yo noon na marunong si kuyang sumayaw ay dahil 'yon sa nirereto ko siya sa'yo, duh? I need someone who can accept him fully with his flaws and imperfections," tatawa tawang sabi niya but in her voice, I know she's serious.
"Marami namang tatanggap sa kuya mo, magtanong lang yun ay marami ng magkakan-darapang lumuhod sakanya," My voice also became serious as I remembered my talk with my classmates earlier. I just can't get it out of my system, I'm really annoyed.
"Wews, may pinag-huhugutan?" Curiosity is written all over her face as she ask that question.
I pouted," Remember? Yung mga nakaaway ko? It was actually all your kuya's fault why they are all targeting me! They all like your twin! Kaya naman pala lahat ng nakabangga ko ay 'yong mga babaeng may gusto sakanya, I thought it was a coincidence pero hindi pala!" Reklamo ko sakanya, nabu-bweset na naman ako.
"Aishh! Those girls, mga salot talaga. Damn them! They are ruining my twin's plan!" Bulong niya, ang iba'y 'di ko narinig at wala akong balak marinig 'yon kung tungkol lang din naman 'yon sa mga babaeng 'yon, niliko ko na lamang ang usapan pagkatapos nun. Its making my blood boil so kinakailangan ko talagang umiwas sa usaping 'yon.
We were talking about the usual stuff habang naglalakad sa corridors papuntang classroom namin. When we arrived, silence then welcomed us in embrace.
"Yung mga dress mo andyan na ba? Meron na? I can let manang send some of my dresses," She asked while walking along with me. I turned on the light switch dahil medyo madilim sa loob, I don't know who turned the lights off dahil kanina naman pag-alis namin ay naka-on ito.
"Yep, nakahiram naman ako sa isa naming kapit bahay, you know mga bakla. They also provided the gown I'm going to used and wear in the Q&A. Sobrang ganda nga nun, wait I'll get it. Papakita ko lang sa'yo, you'll definitely love it," Excited kong sabi sakanya sa masayang tono.
"Sure, I'll just sit here," Aniyang nakaupo na at patingin tingin sa designs at kabuoan ng classroom namin. Nilagyan kasi namin 'to ng design para hindi magmukhang plain at patay ang paligid namin.
Tumango lang ako sakanya tsaka nilapitan ang gawi ng mga gamit ko.
Napakunot ang noo ko ng tuluyan na akong nakalapit.
I gasped in schock. Ang mga punit punit na tela ng mga dress ko ay nakakalat sa sahig and then the gown! Ipinatong lamang ito sa upuan, hindi ko ito masyado napansin kanina dahil nga malayo at ng nakalapit naman ako ay sa mga punit punit na tela ng mga dresses ko na ang nakaagaw sa pansin ko. Punit punit ang dulo ng gown na tila pinaglaruan ng kung sino man, ang mga dyamanteng peke na nakadikit sa mga tela nito ay wala na at halatang binuhusan ito ng kung ano man pero ang kaninang itim na itim kong gown at naging colorful bigla. Sadyang planado ang paggawa nila dito dahil hindi na basa ang gown, tuyong tuyo na ang ibinuhos dito.
Naiinis ako. Tang ina lang.
"Hey, where's your gown na ba--- Oh sh*t!" Yeah right, damn hella shit.
"Who did this?" Gulat nitong tanong ngunit ang tono ay may kasamang galit, galit sa kung sino mang gumawa nito.
"Sino pa ba?" I whispered in gritted teeth, my chest tightened as his face crossed my mind.
'This is all his fault!'
________________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Random'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...