CHAPTER TWENTY ONE

268 25 0
                                    

Him

"R! Okay ka lang ba? Wala bang sugat ang katawan mo? Gasgas? Patingin nga!" Isang tarantang Redeaz Marie ang bumungad sa amin. Kakagat pa lang sana ako sa burger na in-order ni Geo nang dumating siya bigla. Welcoming us with her concern questions. Oh, very sweet, sana lahat.

"I'm alright. You worried too much, iniwan mo pa tuloy ang practice niyo," I said, a little bit embarrassed.

"Of course I would, you're my best friend! Nang nalaman ko sa kapatid ng isa kong kaklase na napaaway ka na naman ay sumugod na ako. Ano ba talagang nangyari?" she asked, habang naupo na rin. Ang isang burger ko ay ibinigay ko na sa kaniya. Geo on the other hand, left for us two to have our girl talk.

Ikinuwento ko naman kay Redeaz lahat nang nangyari. Hindi ko pa matapos tapos agad dahil may mga side comments pa siya kahit punong puno ang bibig.

"Tss, those girls! Mga plastik naman talaga ang mga 'yon! Dapat sakanila ay itapon sa basurahan. Alam mo ba na kinaibigan din ako ng mga 'yon noong una para mapalapit kay kuya, and when I found out about that ay ningudngod ko talaga iyong isa sa putik, as in doon sa field. I don't care kung maraming nakakita, that girl deserve it. Kung magkagusto kay kuya akala mo naman ang babait, okay lang sana kung okay ang attitude kaso hindi," nangingitngit ang kalooban na kwento nito, nakuha niya pang umirap. Natawa naman ako. I think last year iyon nangyari kung saan hindi pa ako rito nag-aaral. I would love to watch those scenarios. Siguradong matatawa ako ng sobra.

"Atsaka 'wag ka nang magpapautos sa mga iyon. Kapag nang-utos ay sabihin mo agad sakin, I'll definitely come to your rescue." She chuckled and I did too.

It's really comforting to have her at my side. Kahit naman may pagka-sama, o sama talaga ang ugali ko ay naapektuhan pa rin naman ako. I know I am being too much sometimes, or I am really too much, it's just that I can't help it, they always made me do it.

"And don't you ever think na walang tatanggap sa ugali mo. Hindi mo lang alam pero baka nasa paligid lang iyong taong 'yon." She giggled. Kumunot naman ang noo ko. S'yempre, duh? Lalaking tatanggap sa ugali ko? I doubt that, magiging panaginip ko na lang ata kung meron man. Duh? Anong ipagmamalaki ko sa lalaking iyon if ever, 'di ba? Mahirap lang din ako, hindi puwedeng itong ganda ko ang ipagsigawan ko sa pagmumukha niya. Wews, mabubusog ba kami sa mukha kong 'to? Hindi naman, tss.

"Hindi naman ako umaasa para roon. Okay na rin naman na hindi ako mag-asawa," I chuckled. But on my mind, I already have someone first on my list.

'Tsk! Why am I thinking about him?'

Napakamot ako sa pisngi ko. Tss, I doubt that guy would even accept me, or my rudeness lalo na ang ugali ko. Atsaka malabong-malabo talaga, he's rich while I'm not.

"Ano!? You got to be kidding me R!" napakurap kurap ako sa biglaang outburst ni Redeaz. Problema niya?

Napangiwi ako.

"Hinding hindi iyan mangyayari Rudeoz! Come on, Oh my ghad lang. Ikaw? Hindi mag-aasawa? Oh my ghadness! Kahit magbayad pa ako ng ilang libo mahanap lang ang right boy mo ay gagawin ko," she said, panicking. Napatampal ako sa noo ko. Now, bakit ko nga ba naging best friend 'to?

I laughed at her." You're crazy, R."

"And wrong. It should be the right man, Redeaz. Not the right boy, a boy is still young. No matter how that boy loves me, he will still have his reason to give up the fight. While a man, a man can accept you fully, it will not find a reason to give up but a reason to continue fighting, and loving you even though their inside a battle with an uncertain ending. And that is why, I prefer a man than a boy," wala sa sariling protesta ko. Nakangangang nakatingin lang naman ito sa akin.

"Where did you get that?" aniyang gulat pa rin.

"Just popped up in my head." I smiled at her and winked.

"Damn, now I doubt kung may makakatalo pa ba sa iyo sa contest. Your thinkings and thoughts are amazing. Baka kahit simpleng tanong lang ay pasasabugin mo na sila sa gulat," aniyang natatawa. Ngumisi lang din ako bago kami nagsimula ulit sa kuwentuhan.

"Pero seryoso, Rudeoz. Don't ever think na walang tatanggap sa 'yo o sa ugali mo. You may not know but someone is willing to embrace your flaws and imperfections in life. Rude, someone is out there waiting for you to noticed him. You may be rude and poor but he's willing to accept and love you endlessly. Sana mapansin mo na siya. I'm really waiting for that to happen," kalaunan ay sabi niya ng maghihiwalay na kami ng landas. Napakunot ang noo ko, someone? Sino?

She smiled. "That someone can be a man for you, not just a boy."

Iniwan ako nito na punong puno ng katanungan ang isipan ko. Sinong someone ang pinagsasabi niya?

'Could it be him?'

Damn impossible.






_______________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon