CHAPTER FORTY FIVE

197 17 0
                                    

Naguguluhan

"Sheez! Magiging sister-in-law na kita bes!" tili ni R ng mapag-isa na lamang kami. Natawa naman ako sa sinabi niya, excited much eh.

"Gaga! Tapusin mo muna pag-aaral mo!" Irap ko sakanya, Geo is not with us. Inaya muna siya ni Mama, Mom wants to asked him about something.

"Ehh! Sige sige, kyahh! Excited na 'ko!" Niyakap ako nito. Gaga talaga, hindi pa nga kami nakakapagtapos ay pag-aasawa na agad ang naisip niya.

"Tsaka if 'di ka naman makapag-tapos ay okay lang. Mayaman naman kami, mag-anak ka lang ay okay na." Humagalpak ito sa tawa ng batukan ko siya, seriously? Tang ina lang, kanina kasal, pag-aasawa tapos ngayon naman anak?! Ginagago ba 'ko nito? Pigilan niyo ako, nandidilim paningin ko!

"Eh kung ikaw nalang kaya ang mag-asawa? Mas excited ka pa kesa sa 'kin eh!" masungit kong sabi kasabay ng pag-irap ko sakanya. Napabusangot naman ito at inirapan ako.

"Bigyan mo muna ako ng boyfriend, gaga!" Natawa ako, dakilang NBSB ang ate niyo, ako rin sana kaso wala eh, dahil kay gago. Ang rami kasing lamang dagat dito eh lupa naman 'to, himala nga at nabuhay sila, tsk.

Nagkulitan pa kami ni Redeaz ng ilang minuto bago ko naramdaman ang mga braso nitong pumulupot sa bewang ko mula sa likod, napangiti na lamang ako sa panlalambing nito. Si R naman ay napatili bago kami iniwan para mauna na sa sasakyan. Gabi na rin kasi kaya kailangan na nilang umuwi.

"Kamusta ang usapan niyo ni Mama?" Tanong ko dito, napansin ko kasing tahimik lang siyang nakayakap sa 'kin, oh well tahimik naman talaga siya, hindi nga lang kapag ako ang kasama kaya nakakapanibago. Tinakot siguro 'to ni Mama haha.

"Okay lang. I got your Mom's permission." He kissed the top of my head bago ako inikot paharap sakanya, hinagkan nito ang noo ko bago malumanay na tinitigan ang mukha ko. I smiled at him and gently caress his cheek, napapikit naman 'to sa ginawa ko bago dahan dahang napangiti.

"I love you." tugon ko sa malumanay na boses, he opened his eyes, ang mga mata nitong kasing dilim ng gabi ay tila nagliliwanag, ang kasiyahan sa mga mata niya ay nagsasayaw na tila mga bituin sa madilim na kalangitan. The night sky reminds me of him, silent, dark and mysterious yet beautiful.

"I love you." aniyang nakapagpatunaw sa puso ko, every reaction I got from him is priceless, tila hindi ito kayang tumbasan ng kahit ano. He's not my world kasi sabi nga nila, 'wag mo gawing mundo ang tao lang naman and it's true, never do that because if that certain people left you, your doomed. He's not my world but his the center of it since the day I felt this strange or amazing feelings towards him at kapag nawala siya sa sentro ng mundo ko, maglalaho din ang lahat. I can live without a world but not without my happiness, not without him.

"Don't leave me no matter what, Rudeoz," kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ngumiti ito habang seryoso ang mga matang nakatingin sa 'kin. He gently reach for my hand and kissed it.

"I love you no matter what." Kahit naguguluhan ay ngumiti ako at tumango, I know my Mom loves him now. Baka nga ay pilitin na ako nitong ipakasal kay Geo haha. Maybe he's talking about his family, baka akala nito ay aatras ako. Ha! Dream on.

"I love you more." I giggled and kissed his cheek, I even tiptoed just to reach it.

Hinatid ko lamang siya sa sasakyan niya pagkatapos at ng tuluyan nadin akong nakapag-paalam sa dalawa ay bumalik na 'ko sa bahay pero agad din akong napatigil ng makarinig ako ng bulungan malapit sa kagubatan. Sa eskinitang tinitirahan kasi namin ay may parang mini forest. Bago ko mararating ang field na tinatambayan ko mula noon para manuod ng bituin ay kinakailangan ko pang dumaan sa gubat and its the only way to get into the field, well sa parte lang na'to na eskinita. Wala namang mga hayop o ahas sa gubat at private area 'yon but then pasaway ako kaya kahit bawal ay pumasok pa rin ako at 'yon ang dahilan kung bakit ko nakita ang field na hanggang ngayon ay naging tambayan ko na rin. Wala pa namang nakakahuli sa 'kin, lucky me noddles pansit canton, charot! Haha.

Kumunot ang noo ko ng makilala ang mga bulto ng dalawang taong nag-uusap. Tila galit si Mama at naiinis, parang may ipinupunto siya kay Papa, mas lalo lamang kumunot ang noo ko. Si Papa naman ay tila pinapakalma si Mama sa mga sinasabi nito, panay din ang iling niya habang nagsasalita, nangangatwiran rin siguro siya sa nais niyang sabihin.

Dahil medyo malayo ako sa mga ito ay 'di ko naririnig ang usapan nilang dalawa. Humakbang ako ng papalapit sa kanila sa tahimik na paraan, kunot na kunot ang noo ko sa nangyayari. I'm not a fan of eavesdropping but this one is something, I felt something strange poking me, telling me to listen to them. Its like part of me is gonna be revealed.

'Revealed? Ano bang nangyayari?'

Nang tuluyan na akong nakalapit sa mga 'to ay nagtago ako sa isang puno malapit lamang sa gawi nila. I heard mom's voice, its trembling like she's nervous or excited and happy?

"Siya 'yon hon. Its him, hindi ako p'wedeng magkamali!" Giit ni Mama kay Papa, nagtaka ako lalo sa sinabi nito, sinong him? Is it Geo? Anong meron kay Geo? Ano bang pinag-usapan talaga nila kanina? May nangyari ba? May tinatago ba sila?

"Hon baka nagkamali ka lang--"

"You can't just say that Jake! Nakita naman natin 'di ba? Jake, its him. Siya 'yun Jake! I can feel it, ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano yun nangyari? Sila pala ang n-nakakuha, Jake s-siya yun..." My Mom's voice broke, agad naman siyang niyakap ni Papa at inalo.

Tila kinapos ako ng hininga sa sinabi nito. Anong nangyayari? Anong pinagsasabi ni Mama? Anong nakuha? Sinong nakuha? Ang katanungan na 'yon ay nanatili sa isip ko buong gabi. May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa pamilyang 'to? At anong kinalaman ni Geo sa nangyayari? I know, siya ang tinutukoy ni Mama na 'its him' pero para saan ang it's him ni Mama?

'Argh! Naguguluhan ako!'












______________

LROA_26💕

-I want to ask if ano sa tingin niyo ang nangyayariThank you sa sasagot!:>

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon