Hindi Kaya
"Namumutla ka, are you really okay?" tanong ni R, bati na kami, well hindi naman kami nagtatagal ng hindi nagpapansinan. After all we're best friends not just twins. I smiled at her.
"Just nervous," tipid kong sagot, marahan nitong hinaplos ang balikat ko bago ngumiti.
"Kaya mo yan, ikaw pa ba. Your Rudeoz Green Vasquez at hindi ka marunong umatras sa laban, if kuya won't accept you now then do what you really have to do. We're always here to support you kahit ano man ang maging desisyon mo. Even if it would ruin our name, still, andito pa rin kami para sa'yo." Kagat labing kinurot ko ito sa tagiliran niya, ang OA niya! Nakakateary eyed tuloy. Natawa ito sa reaksyon ko.
"Aw, iiyak na ba ang twinny ko?" She pouted her lips, nang-aasar na ningitian ako nito. Inirapan ko naman, Mom at my other side, smiled at me gently.
"We love you, nak," tila hinaplos ang puso ko sa sinabi nito. I'm really lucky to have them, late ko man silang nakilala ay hindi iyon naging hadlang para mas lalo akong mapalapit sakanila. And I thank Geo's Mom for that, hindi nila ipinagkait sa'kin ang lahat. They even treated me good, knowing na hindi naman nila ako totoong kadugo.
"Ay naku! Ang drama natin. Tara na nga, baka hinihintay na tayo nina Mama." Ngumiti ako sakanila, finally happiness does exist. Hindi man ito palaging nasa kamay mo at least, naranasan natin 'to. Balance nga ang mundo diba? If happiness exist then sadness too.
"Alright! I already miss Clark." Ngiwing nilingon ko si Redeaz, tinaasan ko siya ng kilay. Agad namang naglikot ang mga mata nito.
"Parang no'ng una lang, naglasing kasi brokenhearted tapos ngayon, naku! Naku! Nandadamay pa ng ibang pangalan, tsk," pagpaparinig ko dito.
"Ano ba! Flare explained naman na...hindi daw iyon sadya..." She pouted her lips, binatukan ko ito. Pasalamat nalang kami at private party 'to, walang press.
"At naniwala ka naman? Aba, aba. Ang rupok mo rin e 'no? Ano? Mahal mo na yun ha? Tapos iiyak iyak ka kapag may kahalikang iba, oh my ghad, Redeaz! Isusumbong kita kay Mommy at Daddy! Ang tanga mo!" Nasapo ko ang noo ko, ako ata ang tatanda ng maaga sa isang 'to, naku!
"Rudeoz! Of course not! Ano ka ba!? Go with the flow lang naman 'yong ginagawa ko eh!" aniya, nangatwiran pa talaga. Nako! Nandidilim paningin ko sa'yo, sister!
"Ewan ko sa iyo, 'wag kang lalapit-lapit sa'kin pag pinaluha ka nun, ha?" Irap ko dito bago siya tinalikuran. Napakamot na lamang ako sa pisngi ko, tanga niya din eh. Nagkagusto pa kay Flare pa talaga as far as I know nagmana 'yon kay Papa na babaero daw nung kabataan nito. Hay nako.
Ng makapasok ako sa bagong bahay nina Mama ay napangiti na lamang ako, sabi ni Mama binili ito ni Geo para sakanila. Its a very big mansion, sobrang gaan din ng ambiance and every furnitures I see are all beautiful, sobrang nakakaakit tignan.
"Ate!" Clark welcomed me with a hug, may isinuot ito sa pulso ko. Agaran akong napasinghap ng makita ang bracelet na nakita ko noon sa isang jewelry shop sa Australia. Gulat na napatingin ako kay Clark.
"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ko, manghang hinaplos ko ang mga pendant nito, it has a moon and stars as pendants. Gusto ko sana tong bilhin kaso nawala si Redeaz kaya hinanap ko muna at pagbalik ko sa shop ay wala na ang bracelet. Nagreklamo pa ako no'n kay R dahil sobra akong nagandahan sa porselas and it completely reminds me of him, those stars reminds me of his twinkling eyes every time he smile at me.
"May nagpapabigay po sa inyo niyan ate. Ang ganda po, 'di ba?" Ngumiti ito, magsasalita sana ako ng umalis ito agad. Napalunok ako at itinaas ang kamay ko para makita ng lubusan ang porselas na agad kong pinagsisihan lalo na ng magtagpo ang mga mata naming dalawa.
'Oh shut! Hindi pa ako ready!'
Napakagat labi ako bago naglakad sa kabilang deriksyon. I keep on roaming my eyes around, looking for Redeaz pero tila pinaglalaruan ako ng mga mata ko dahil hindi ko makita ang mga ito.
"Asan na ba yung mga 'yon?" Kung hindi lang marami ang mga tao dito ay magdadabog na ako.
Inilabas ko ang selpon ko mula sa pouch na hawak ko para tawagan si R o 'di kaya si Mama o si Mommy pero kahit isa sakanila ay hindi sumagot sa tawag ko.
'Ano bang ginagawa nila?'
Nagpapanic na napalingon lingon ako sa kahit saan.
"Looking for someone?" Oh sh't! Hindi ko na napigilang mapatalon sa gulat dahil sa nagsalita nun. My heart race in rapid way, agad din akong napalunok dahil sa kaba.
"A-Ah hi..? Ahm hehe welcome home. A-Ah, sige..." walang lingon lingon kong sabi dito. I heard him chuckled, tila tumalon sa kung saan ang puso ko dahil sa ginawa niyang iyon.
"Sinong kausap mo? Aren't you going to face me? Don't you miss me, Miss Vasquez?" Asan 'yong baby? Este ah...
"Ah ano nagmamadali kasi ako, sige mamaya nalang, may h-hinahanap kasi ako eh..." I almost lost my balance when someone from my other side accidentally push me, agaran nitong nahawakan ang pulsuhan ko para pigilan ang pagtumba ko. And with his touch, para akong napuntang cloud nine.
"Face me first, will you?" aniya, halata ang inis sa boses nito. Napangiwi tuloy ako, kahit kailan ay hindi na siya nagbago. His voice is still cold as ice.
"Auriel!" Someone from the crowd called him, natatarantang iwinaksi ko ang kamay nito at nakisiksik sa napakaraming tao para makatakas sakanya.
'Oh ghad! Hindi ko pa talaga kaya!'
_________
LROA_26💕
Three more chaps before the Epilogue:)
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Random'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...