CHAPTER FIFTY SEVEN

196 19 0
                                    

Beat

"Ma'am? Boss? Hello? May tao po ba?" Napakurap kurap ako sa biglaang pagsasalita ng sekretarya ko, kunot noong tinapunan ko siya ng tingin. Buti nalang at sanay na 'to sa kamalditahan ko.

"May kailangan ka?" Wala sa sariling tanong ko dito, napakamot ako sa kilay ko habang nakatingin sakanya. Ngumiti ito.

"Yes boss, actually kanina pa po ako nagsasalita dito, ho! Buti naabot ko na signal mo, mag-wifi ka kasi minsan boss para may connection naman tayo kahit nasa ibang world ka na. Anyway, ten minutes late na po kayo sa meeting niyo boss, pinatawag ko na lang si Mark para padaluhin and you have an appointment this afternoon kay Mr. Sanchez with the buying of shares," Napangiwi ako sa sinabi nito, seriously? Ganoon ba talaga ako katagal na nakatulala? Napatango tango ako sa sinabi niya, hindi na pinansin ang unang sinabi nito na namana naman niya galing sa akin. Nag-a-out of the world din kasi siya minsan, kailangan ko pang hampasin ang table niya para matauhan but she's an effective secretary kaya 'di ko kailanman tinanggal.

"What time ba 'yang kay Mr. Sanchez?" Tanong ko na lamang.

"2:00 pm, boss." I nodded my head and let her go. Nasapo ko na lamang ang noo ko pagkalabas nito.

"Huwag mo na kasi siyang isipin masyado," Anang isang boses, I pouted, kunot noo akong nagsalita.

"Hindi ko siya iniisip, alright? At bakit ko naman siya iisipin? Duh? Okay na ako, move on na." I waved my hand in the air, tila nantataboy ng demonyo.

"Talaga? Kaya pala i-nistalk mo siya kanina kasi you're not thinking about him at move on ka na," ganti nitong sabi, mas lalo akong napabusangot. Syempre alam iyon ng utak ko, siya ako eh.

"For ano lang naman yun, I just want to know if----teka nga---Oh shit!" Mura ko sa bigla, hindi ako nag-iisa. Oh ghad! Why didn't I notice her earlier?

"What the hell, Lisa?!" Gulat kong sigaw, nasapo ko pa ang dibdib ko. Kanina pa ba siya? So it means na siya ang nagsasalita kanina at hindi ang sarili ko? At nakita niya ang pang-i stalk ko kay Geo? Oh ghad! Nakakahiya!

"So, anong nalaman mo tungkol 'sakanya'?" She smirked, halatang nang-aasar lamang siya. Matalim ko siyang tinignan.

"Out!" Itinuro ko pa ang pintuan pero imbis na sumunod ay umayos pa ito ng upo sa sofa at ngumiti pa sa akin.

"Four years had passed already. He is now Auriel Geopardy Legaspi, the heir of Legaspi Group, son of Leonardo Legaspi. And within those years he had accomplished more and more, he is now known as a Legaspi not a Vasquez. Syempre, with those success he had done, that would be no wonder, right, boss?" Ani nito, reminding me about him within those years without me.

"Out Lisa! Out!" Napailing ito sa isinigaw ko bago lumabas ng opisina ko. Napabuntong hininga na lamang ako bago napasandal sa aking swivel chair.

She is right. Within those years ay mas lalo lamang naging successful si Geo, he accomplished college with the highest honor at ng maipakilala ito ni Leonardo Legaspi bilang anak niya ay  agad gumawa ng sariling pangalan si Geo, he is now ruling he's father company na sa pagkakaalam ko ay magiging kanya din naman sa tamang panahon. Siya ng napiling rightful heir sa kumpanya dahil sa ipinakita niya sa totoong ama after all ay wala namang balak humawak ng negosyo ang mga anak ng father niya sa wife nito.

Sa loob ng mga taong iyon ay nagawa niya ang dapat niyang gawin ng wala ako. See? Kung pumayag ako sa desisyon niya noon, masisira ang lahat. His name will be ruined at ako lang ang magiging rason nun. Look at him now, he's now the boss. He'd fly high and I'm proud of him because of that. Lahat kami ngayon ay may narating na, lahat kami ngayon ay okay na dahil sa pagpaparayang iyon.

Hindi naman sa lahat ng oras ay puso na lang ang susundin mo, minsan you also need to listen to your mind to avoid breaking your heart  and ruining everything you had. And that's what I did, I let him go to avoid so many complications and now were happy, well not wholely but at least, right? I do believe in right moment, right time, right guy and right love.

Wala sa sariling napatingin ako sa mukha nito, nakabalandara ito sa screen ng laptop ko. I'm stalking him nga, diba? Tss, kahit kailan ay walang nagbago sakanya except for being more mature but as I stare at him, I'll eventually know that he's still the same handsome yet cute guy I had fallen into years ago. Wala sa sariling napangiti ako bago isinara na ang laptop.

"Ho! I still have an appointment to do!" I stood up and stretched my hands.

__

"Thank you Mr. Sanchez. It's nice doing business with you." Matamis na ngumiti ako sa kaharap. Inilahad ko ang kamay ko para makipag-kamay na agad naman nitong tinanggap kalakip ang isang ngiti.

"Thanks to you too, Miss Vasquez. I shall keep going now." Tumango ako rito at ng magsimula itong lumakad palayo ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at handa na sanang tumayo ng magtagpo ang tingin namin ng taong hindi ko inaasahan.

I blink my eyes in surprise," Geo..."

My heart for years that had never beat for someone finally beats for the person it had known till now.










___________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon