CHAPTER FORTY NINE

185 14 0
                                    

Twin

"Come, ipapakita ko sa'yo ang picture ni Lola." Redeaz smiled at me, nakahawak ito sa braso ko habang sa kabila naman ay si Tita Ariela. I'm really sensing bad, kanina pa magulo ang utak ko at kalooban at hindi pa nakakatulong ang sinasabi nila at ang mga sinabi ni Charlie sa'kin.

'You see, para talaga kayong mag-kambal. You and her are so alike, ano kayang mayro'n at gano'n? Maybe your a lost cousin of mine..' kahit nagbibiro lamang si Charlie ay tila tinamaan ako sa sinabi nito and I remember my mother, may hindi rin sila sinasabi sa akin at ang nais ko lamang ay malaman kung ano yun.

"Here she is, look!" Ang atensyon ko ay nalipat sa itinuro ni Redeaz, I gasp in surprise. I couldn't believe this, just what on earth is happening?

"Charlie's grandmother?" Gulantang kong tanong dito. Redeaz smiled, nagkibit-balikat ito.

"Charlie is our cousin, hindi mo ba alam? Opps, sorry besty akala ko kasi alam mo na hehe." Natulala ako sa litrato ng matanda, kahit anong pikit at mulat ko ay hindi talaga nagbabago ang nakikita ko, kamukha ko talaga siya at parang ipinaglihi ako sakanya. Kaya pala sinabi ni Redeaz na hindi niya magugustuhan si Charlie kahit anong mangyari kasi mag-pinsan sila at yung sinabi niyang hinahangaan niya ito. Damn, now I'm more confused.

Ikinabigla ko ng humikbi si Tita Ariela, Redeaz look shocked too.

"T-tita, are you okay?" Napuno ng labis na pag-aalala ang puso ko sa biglaang pagluha nito. Ng mapatingin ako sa mga mata nito ay parang may pumukpok sa puso ko, agarang namugto ang mata nito dahil sa pag-iyak.

"C-can I see something i-in your body? Sa gilid ng bewang mo hija," Utal nitong sabi, nagtatakang napatingin ako kay R at maging siya ay nagtataka na rin sa nangyayari. I don't know what's going on pero tila ito rin ata ang gusto ng kalooban ko.

'Ito na ba ang kasugatan sa lahat ng tanong ko? Handa na ba ako?'

Pigil ang hiningang tumango ako sa ginang na nasa harap ko.

I remember something at my left waist. Wala sa sariling inangat ko ang suot kong dress hanggang sa makita nito ang buong kaliwang banda ng bewang ko. Isang singhap ang narinig ko mula sa dalawang kasama ko, agarang napaluhod si Tita Ariela sa sahig habang lumuluha pa din at agad naman itong dinaluhan ni Redeaz at ang kaninang nagtatakang ekspresyon ay napalitan ng pangungulila habang mangiyak-ngiyak na ring napatingala sa'kin.

"R-R..." nanginig ang mga labi nito. Napatingin ako sa bewang ko kung nasaan ang hugis puso kong birthmark, ang ipinagkaiba lang ay hindi buo ang puso, kalahati lamang ito.

"Anong nangyayari?" Sa ganoong tagpo kami naabutan ni Tito Augusto at Geo. Sabay sabay kaming napatingin sa mga ito.

"D-Daddy.....si Rudeoz, s-si.....Rudeoz ang n-nawawala.." Putol putol ang mga salita ni Redeaz ng magsimula na din itong umiyak. Nalilito na talaga ako, anong ibig sabihin nito?  May sagot sa isipan ko pero hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin 'yoon, kung kaya ko bang sumira ng buhay, buhay ng taong mahal ko.

"Ang a-anak ko Augusto!"

Tila bombang sumabog 'yon sa pagmumukha ko, napamaang ako sa gulat at ganon din ang dalawang lalaki. Napailing ako, hindi ito pwede! Hindi!

"Ano p-pong sinasabi nyo? Hindi po ako ang a-anak nyo..." Umiling ako ng umiling bilang pagtanggi, anong nangyayari? Akala ko ay dinner lang ang pupuntahan ko, akala ko simpleng kasagutan lang ang hinahanap ko pero ito pala, ito pala ang isang lihim na hindi ko alam sa buong buhay ko. Bakit nagkaganito? Napalingon ako kay Geo, maging siya ay gulat na gulat sa sinabi ng Mommy niya.

'No! I'm just dreaming! This is just a d-dream, h-hindi to totoo..' Hindi pwedeng maging magkapatid kami! I can never accept that! I remember Mama, ang mga sinabi nito, ang mga narinig ko. Tila nabuhayan ako do'n, kung ganon ay..

"Totoo ang sinasabi ni Mommy R, anak ka niya. I-I'm, I-I'm your t-twin.." Ikinagulat ko ng itaas nito ang suot na dress at katulad ng akin ay may ganoon din syang birthmark sa bewang niya, tila magka-ugnay talaga kami lalo na't kapag ipagdidikit kaming dalawa ay mabubuo ang hugis pusong birthmark.

Napapikit ako sa libo libong emosyon na naramdaman. Bakit ngayon pa nangyari ang bagay na'to? Bakit kung kailan masaya na ako? Why does happiness never last? Fucking destiny! Napalingon ulit ako kay Geo, nanlalambot ang tuhod ko. Gusto kong magsumbong, gusto kong yakapin siya pero napatingin ako sa katabi nito at kay T-Tita Ariela, I will hurt them. I can never be a Vasquez when he is too, sa batas ay magkapatid pa rin kami at kapag nagkataon, what will happen to us?

Napaluha ako at wala sa sariling tumakbo papalayo sakanila. I want to go home, I need my Mama, I need them to tell me everything. How did this happened? H-How?











_________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon