CHAPTER THIRTY NINE

202 16 0
                                    

Life

"You naughty girl.." natawa ako, halatang halata sa eyebags ni Geo ang kawalan ng tulog. R is beside me too, tawang tawa ito sa itsura ng kakambal niya, ang sabi niya'y nagulat daw talaga siya kanina dahil pagkabukas ni Geo sa pintuan ng kwarto ay bumungad sa mukha ni Redeaz ang mata nito. I didn't know that a simple baby can make him stay awake at night, buong magdamag pa ata siyang gising haha.

"What happened to you, huh?" Ngisi ko, sinamaan ako nito ng tingin bago napabuntong hininga na lamang. Napanguso pa siya at tila sinisisi ako, partly it's my fault pero kasalanan niya rin hmp! Namilit kasi, ayan tuloy ang napala.

Tinalikuran ako nito bago mabilis na naglakad papalayo, napahagalpak kami sa tawa ni Redeaz.

"Grabe! Ang bully mo R, iiyak na 'yun si Kuya.."

"Iiyak sa kilig, tinawag ko siyang baby, eh. Serves him right," I chuckled.

"Yucks! Ang bakla naman nun!" Ngiwi nito, her phone rings. Agad naman nitong inilabas ang cellphone bago may binasa, kunot na kunot pa ang noo nito bago napasinghap.

"Omg! Look.." ibinigay nito sakin ang phone. I knotted my forehead before reading what's on it.

'MISS SANFORD IS DATING CHARLIE ACOSTA.'

"W-what the hell?" Naibulalas ko na lamang, ang nag-post ng picture ay syempre sino pa ba? Edi 'yung kontrabida ng buhay ko. I thought she stopped already kasi hindi na naman siya nanggulo kahapon ng hapon pero nag-lie low lang pala, tae.

"That girl is really pissing me off! Sinisiraan ka niya kay kuya! Akala naman niya ay magkakagusto si kuya sakanya. Duh? My twin is better than that!" Gigil nitong sabi, binawi nito ang cellphone at may kinalikot doon na kung ano ano, panay pa ang irap ng gaga habang nagta-type sa cellphone. Problemado talaga sya, hayss. I don't really care about the picture, it's not even true, tss.

"Let her be, inggit lang 'yun." Pagpapakalma ko dito, the picture was taken when I first talk to Charlie about my job at kung saan dumating naman si gago at nag-away kami. Napakunot ang noo ko.

'Wait nga lang.'

"R, did you tell Geo about your feelings for Charlie? Oh, not feelings but the crush thingy?" Wala sa sariling tanong ko dito, inilihis nito ang tingin sa cellphone bago ibinaling sakin.

"Yep, I did pero not love, okay? Like eww! Wala akong mahal na tulad ni Charlie!" Natatawang umirap ito na tila nandidiri pa.

'Damn it!'

Sabi ko na nga ba may mali eh and that's it! Tsk, sa simula palang pala ng laban ay binabakuran na ako ng gago. Napailing na lamang ako, such a wise ass.

"Why did you asked anyway?" Tanong niya, umiling na lamang ako bilang sagot.

"Nothing, bye. See you mamaya!" Kumaway ako sakanya habang nakangiti. She smiled too and waved her hand.

Ng tuluyan ng magkahiwalay ang landas namin ay balik na naman ako sa pananahimik alangan namang kausapin ko sarili ko, 'di kaya nagmukha akong tanga nun, duh? And anyways, hindi na nagbalik 'yung gago, hindi man lang ako binalikan sa daan. Talagang napikon siya pero pustahan babalikan ako nun, ako pa. Di ata ako kayang tiisin nun at baka mabaliktad ang sitwasyon, ako pa mamaya ang susuyuin niya HAHAHA.

"There she is.." Kumunot ang noo ko sa mga humarang sa'kin, uh what's happening? Anong ka-OA-han na naman to? My forehead creased as I totally remember them all, not their names pero alam kong lahat ng nakaharang sa'kin ay ang mga babaeng may gusto sa boyfriend ko. Ugh! Really, now? This is childish!

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon