Inggit
"Tumpak na tumpak, girl!" Puri ng President namin, ngayong araw ay tinry namin lahat ang pagkaing ilalagay namin sa menu. Sabi naman ni Leandra slash Leandro ay okay lang ang kahit ano, hindi na daw pipiliin kung anong ibebenta namin tulad ng nasa kabilang section na puro cookies at cake lang na may konting drinks na pwedeng ipares.
Sa ginawa naming kainan booth ay kahit ano ang pinaplano naming i-serve at ibenta. May mga para sa sweet person which are cakes, cupcakes, candies, cookies, mallows, chocolate at mga iba pa, ang naatasan sa mga task na 'yon ay iyong mga magagaling mag-bake habang ang mga mallows naman ay bibili na lang sila, sa chocolate ay sila mismo ang magbe-bake lalo na't may isa kaming kaklase na magaling sa gawaing 'yon. Syempre kinakailangang kami talaga ang gumawa nun. Pwede din silang mag-lunch o kumain kahit ano mang oras dahil nasa menu din naman namin iyong mga usual foods for breakfast, lunch at supper at doon ko ipinasok ang street foods na ngayon ay tinitikman ni Pres.
Iba't ibang putahe ng street foods ang isinali ko, iyong mga inihaw lang na kaya kong lutuin este ihawin. May isaw, betamax, paa ng manok, at iba pa. Noong una ay para din silang si Redeaz na takang-taka sa pagkain na inihain ko sa mesang nasa harapan ng classroom namin pero ng isa-isa silang tumikim ay halos hindi na nila tinigilan pa. Ako mismo ang nag-ihaw nun kahapon, hindi ako pumasok sa trabaho para gawin 'yon at ininit ko lang kaninang umaga pagkagising ko, tinulungan pa ako ni Mama at Papa pati na ang tatlo para maaga kong matapos 'yon.
"I can help you with this, Rude. Just teach me the process para naman ay hindi ka mahirapan, 'di ba may pageant ka pang sasalihan pagkatapos sa booth?" I nodded at Leandra, napanguso ako ng maalala ang pageant, medyo kinakabahan ako sa isang 'yon. I'm not really into those things pero dahil may price, edi ito napasubo ako.
"Sure, madali lang naman 'yan gawin." Ngiti ko dito. May iba sa kaklase ko na gustong tumulong para rin matuto and one of them is Belinda, remember the I-don't-know-girl?
Were not friends but were civil with each other, okay na 'yon at least nabawasan ang kaaway ko.
"Yes! Buti nalang, try ko ding gawin 'to sa bahay pag may time, I am sure Mom and Dad would love this food. Hindi naman maaarte ang mga 'yon, gora lang basta ba ay makakain nila. Surely, dapat ay hindi nakakalason," natatawang sabi ni Pres. Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. I thought mayayaman's are maarte well except for R and Geo 'cuz their not. Akala ko lang iyon dahil gano'ng mayayaman ang nakakasalamuha ko simula pagkabata pero meron pa din palang iba na hindi ganoon and I'm glad I meet some of them.
I told them some technics on grilling the isaw and betamax para mas lalong maging malasa. Sinabi ko rin sakanila na kung ayaw nilang maglinis masyado ng intestine ay pwede naman silang bumili ng malinis na, iyon din naman ang ginagawa ko lalo na kapag tinatamad ako. And they can experiment for the sauce na gagamitin nila para sa pag-coat ng isaw at betamax.
"Ang sarap talaga. Thank you for this Rude." Tumango lang ako sa mga ito.
"Huwag nga kayong magpakasarap diyan, maybe may iba siyang inilagay diyan sa mga food niyo. Baka ma-poison kayo," ang kontrabida sa buhay ko ang pumasok at sumingit. This girl, kulang ba siya sa aruga? Papansin eh, duh?
Natahimik naman ang lahat, also me. I don't really like talking to some dick head, but I do have to.
"Alam mo, if I would put poison sa mga foods dito, that would be yours," Kalmadong sabi ko sa malamig na paraan, nakuha ko pang ngumisi dito ng tipid.
Her eyes widen at what I said. Oh, scared little bitch?
"Are you scaring me!? Plano mo ba akong patayin?! OMG! Guys, this rude girl is planning to kill m--"
"Stupid. Why would I kill you? Wala namang nakakainggit sa'yo. A certain person said that only envious people would kill someone at hindi ako tanga para mainggit sa'yo. Yes, you're pretty, maganda ka lang pero hanggang ganda ka lang. See this?" I cut my words off and point a finger at my very very delicate and beautiful face.
"Pang dyosa 'to habang ikaw, hanggang talampakan lang kita. Ikaw yung lupa na inaapakan ko." I smirked, staring at her furious face.
Hindi na ata magbabago ang babaeng 'to, inggit na inggit eh. Pati si kamatayan dinadamay, duh? I'm not tanga. I'm not yet planning to be a serial killer but if I would, sure akong siya ang mauuna, I'll spare that gago's life for now lalo na't itong isang 'to ang kaharap ko.
Parehong babae lang ang kaaway ko ngayon sa babaeng natapunan ng juice first day of school at iyong babaeng pekeng kaibigan ni Belinda. Hays, why is this happening to my life? I was just stating facts pero maraming inggit sakin, hay nako.
"Dyosang masama ang ugali." Irap nito habang nakataas ang kilay.
"Tss, kailangan ko ba talagang ulit-ulitin ang mga salita ko?" Napakamot ako sa pisngi ko.
Nakakapandilim talaga ng paningin ang babaeng 'to.
"Ako dyosa? Masama ang ugali, at least pwede pang baguhin ang ugali ko 'pag nagkataon. Eh iyong sa'yo na gandang pan-talampakan ko lang, mapapalitan ba 'yan? Mababago ba? 'Di ba hindi?" Ngisi ko sakanya.
"On the other hand, yes pwede. Retoke nga lang. Aw, baka gayahin mo ang pagmumukha ko dahil sa inggit, ha? Hinay hinay lang Miss. Ang mga plastik pa naman, tinatapon." I chuckled humorlessly, this girl is stupid.
"Ang sama talaga ng ugali mo!" Sigaw niya at tumakbo palabas ng classroom.
Napabusangot ako, what's with her? Anong problema niya? Wala naman akong ginawang masama sakanya pero grabe siya mag-kontrabida sa akin.
"Don't mind her, Rude. Inggit lang talaga 'yon sa ganda mo." Pres chuckled at tumango lang din naman ang iba naming kaklase bilang pag-sang ayon.
Tss, its fine. Wala din naman akong planong pumatol sa isang 'yon. Just wasting my precious time.
___________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Sonstiges'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...