___
Sucks
"Ang ganda, 'di ba?" Turo ko sa kalangitan. R smiled at me and nodded. Naglatag kami ng picnic blanket sa open field para may mahigaan. At swerte na lang namin dahil walang planong umiyak ang langit ngayon. Sobrang aliwalas nito, punong puno ito ng bituin at sobrang laki ng buwan at talagang maliwanag siya ngayong gabi.
'Its so beautiful.'
Redeaz and I have some similarity. Pareho kami ng favourite, we both love the sky, its either day and night. We both love the stars so much. We have the same favourite food which is some spicy foods. I really love those. Para tuloy kaming kambal minsan. And oh, we both love color gray.
"Palagi ka ba dito?" Tanong niya habang kumakain ng baon naming chichirya, spicy chichirya.
"Yep, kapag masyado akong stress sa school noon dito agad ako dumidiretso. Ito ang takbuhan ko simula ng mapadpad ako sa open field na 'to. Tahimik rin kasi dito at payapa, walang makakaistorbo sa'yo. I love the peacefulness it gives me." I smiled at her.
"Yeah it's soothing. Sa amin kasi, sa rooftop lang ako lagi. Its also beautiful in there. Well visit it next time, ano game ka?" Itinaas baba nito ang kilay.
I chuckled," Sure, why not."
"By the way, did you and kuya talk already?" Napalingon ako sakanya dahil sa naging tanong nito.
"H-huh? Talk?" Kumurap kurap ako sa gulat. Agad ring inatake ng kaba ang dibdib ko. Did she knew already?
"Tanong ko lang, nirereto kita sakanya, remember?" Napairap ako sa sinabi niyang iyon at nakahinga na din ng maluwag. Tss, I thought. Kinabahan ako doon, tang ina lang.
"Reto? Nah, 'wag na R. I think I can't like your kuya or kahit makakasundo man lang. He's too cold, we're not suitable for each other." I shrugged like its a normal thing but damn, my heart is still beating so fast. This past few this days, nagiging nerbyoso na talaga ako, lalo na kapag may kinalaman sa isang iyon. It's not like, I like him tss, I hate that guy's guts.
Natawa si Redeaz.
"Gano'n lang talaga iyon but hey, my kuya is really sweet and a gentlemen too. He's not a showy person pero talagang sweet si kuya. Just let him take his time," sumimangot ako sa sinabi niya. Playful at mapang-asar siguro, tss. Idagdag pa na sobrang init ng ulo ng isang iyon sa akin. Wala akong maalala na may ginawang masama sakanya maliban doon sa pagsipa ko sakanya noong una kaming nagkita sa garden, its his fault anyway. Pero duh? Hindi ako naniniwala na ang isang tulad niya ay sweet at maginoo. Wala sa pagmumukha niya, mukha siyang gago amp.
"Basta, ayaw ko doon." Ngiwi ko. Napahagalpak ito sa tawa. Taka tuloy akong napatingin sakanya.
Pagkatapos ng nangyari sa cafe ay hindi ko na ulit nakita ang gago. Hindi rin sya pumapasok sa klase pero sa pagkakaalam ko ay palagi siyang nakakapasa kapag may exam. Kahit 'pag kasama ko si R ay hindi ko na nararamdaman ang presensya niya. Well that's fine though, I don't really want him around me. Its freaking the hell out of me every time my heart beats fast when he's around.
Alam ko namang dahil iyon sa kahihiyang nagawa ko sa mansyon and I'm really trying to forget that day. Its really embarrassing.
"Hayss, Sunday bukas. Simba tayo?" Tanong ni Redeaz ng biglaan. I look at her...confused.
"Wala ba kayong family day bukas?" I ask, as far as I know ay ganoon talaga ang pamilya. May isang libre na araw na magkakasama sila. Sa pamilya namin, its always been Sunday or every night at dinner o 'di kaya ay sa umaga bago pumuntang school. Hinding hindi kami nagsisimulang kumain ng may kulang, we always share stories to each and everyone of us. Nakakatawa man iyon o seryoso. We well always listen and understand each other.
Napanguso ito sa sinabi ko.
"Nah, we don't have those. My parents are always busy with work and they always don't have time para sa amin ni kuya. We got used to it. For us its normal, umuuwi lang sila kapag birthday namin ni Auriel and after that ay trabaho na naman ang pagkakaabalahan nila," I don't know but I got sad when she said that. Kahit sino atang makakarinig sa sinabi niya ay malulungkot, who wouldn't? Hindi pa 'ko nakakaranas ng ganyan, kahit noon na bata pa ako ay palaging andyan si Mama para ipasyal ako sa kahit saan, si Papa na dadalhin ako sa kahit saang restaurant para makakain ng masarap kaya ng lumaki ako, kapag may natitira akong ipon I always spent it for our day. Dinadala ko ang tatlo kong kapatid sa mga lugar kung saan nadala na rin ako ni Mama at Papa and every time their happy, I'm happy too.
Problema talaga ng mga mayayaman ang ganyan. Wala na silang naiitirang time para sa pamilya nila. Kaya ayaw ko minsan sa mga mayayaman, their not so amazing. Mansyon at mukha lang ata nila ang maganda. Buhay kaya? I don't think so and I bet magulo ang buhay nila just like Redeaz's life. She always have to hide her face in public places. That's too much and its too sad to have a life like that.
"Well then bukas or very Sunday well be our day. Pwede mo ring isama ang kakambal mo. The more the merrier!" I exclaimed happily dahilan para mapangiti ito.
'Maybe his life sucks too.'
Hindi ko alam but definitely, I want him to be happy also. Maybe because he's my best friend's twin. Yeah, that's it.
____________________________
LROA_26💕
Happy Reading:)
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Random'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...