CHAPTER FOUR

470 36 2
                                    

___

Bakulaw

"So, how's your first day?" Inabot ni R sa akin ang milk tea na inorder niya. I immediately accepted it and took a sip.

"Fine. Akala ko talaga magiging disaster."

At ikinuwento ko pa sa kaniya ang ibang nangyari kung saan first day pa lamang ay may test na agad. Gosh! Buti na lang at nag-advance reading ako. Kung hindi? Kasali na rin sana ako sa mga kaklase kong nakatayo sa harapan na pinapaulanan ni Professor Yang nang tanong.

"I feel you. Ganyan talaga iyan si Professor Yang. Sobrang strikto rin niyan, nako! You'll be dead in no time kapag hindi ka nag-advance reading," natatawang sabi nito.

Napabuntonghininga na lang ako. Yes, I'll be dead in no time. Buti na lang at hindi lang ganda ang ibiniyaya sa akin, may kaonti rin sa utak. At least may kaonti.

"Ay, wait. Nakita mo bang pumasok ang kapatid ko? As far as I know same kayo ng schedule at class. BSBA, major in Marketing Management din kasi ang kinuha niyon na kurso." Napatingin ako sa kaniya.

"May kapatid ka?" gulat kong tanong.

"Well, yeah. Actually, we are twins. Mas matanda iyon sa akin. So, nakita mo bang pumasok si kuya?" she again asked. Napanganga ako.

Wews! May kakambal siya! Paniguradong guwapo rin iyon!

"Nope, wala akong napansin," kalaunan ay sagot ko nang mahimasmasan. Paniguradong wala. Kasi kung pumasok ang kapatid niya ay siyempre mapapansin ko iyon kasi nga magkakambal sila ni R. They will have the same aura. A very powerful one. Wala naman akong napansin kanina na ganoon kaya paniguradong hindi pumasok ang kakambal niya.

"Aishh! Hindi na naman siya puma--- oh shoot! My time is up! Kita na lang tayo mamaya. Bye, gotta go!" Halos magkandadapa-dapa ito para makaalis.

I shrugged my shoulders. That's life anyway. I mean, college life. Tatayo na rin sana ako mula sa pagkakaupo nang may biglang humila sa akin.


"Ano ba!?" Agaran kong tinampal ang kamay na humawak sa akin.

Paniguradong hindi si R ito dahil nagmamadali na iyong umalis kanina, saka wala naman akong ibang kaibigan dito sa school na ito. Hindi na nila ako gusto dahil sa nangyari kaninang umaga. Duh? Kasalanan ko pa ba na maarte iyong babae?

"Ouch!" Ouch mo mukha mo. Another piece of OA.

"Ouch? Kung ilampaso ko kaya iyang mukha mong kakambal ni Kookie, huh?" I glared at her. Gosh!

Nakapandidilim nang paningin. Kanina ko pa ito napapansin sa paligid. Guess, my gut feeling was right. Wews lang. Akala ata nila dahil wala si Redeaz ay hindi ko na sila kakayanin. Oppsie, they are wrong. Tss, wala na bang bago? Eh hindi nga nila kayang tapatan ang bibig ko eh, kamao ko pa kaya?

"What?! Kookie?! You gotta be kidding me, miss. Sa ganda kong ito!?" pikon nitong sigaw na tila wala nang iniinda. Nanlalaki pa ang mga mata nitong napuno ng eye shadow.  Akala naman niya ikinaganda niya. May pa ouch-ouch pa. Ang sarap ibaon.

"Ganda? Miss, saan banda? Magpa-retoke ka na lang. Ang pangit mo kung itatabi ka sa mala-diyosang tulad ko." I rolled my eyes.

"Maganda ka nga pero pangit naman ang ugali." Ngumisi ito at ngumisi rin ako. Ab-aba, siyempre hindi ako papatalo. Anong akala niya?

"At least maganda. Ikaw nga pangit ang ugali, pangit din ang mukha, so, anong ipinaglalaban mo?" taas kilay kong tanong.

Nang wala itong naisagot ay nakangising tinalikuran ko na sila. Parang bata, may backup pang kasama. Tama ulit ako. Pati salita ko hindi nila kayang labanan. Ganda, este,  kamao ko pa kaya? Hehe.

Dahil nawalan na rin naman ako nang gana pumasok ay maglalakwatsa na lang ako sa kung saan. Basta may malalakaran doon ako, duh?

"Aray, tang ina!" mura ko nang madapa ako.

Agarang nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng paa. Halos mapatili pa ako nang gumalaw ito pero nang makarinig ako ng tila reklamo ay agad din akong natauhan.

'Tang ina lang? Bwesit! Akala ko patay!'

"Hoy! Kung sino ka mang bwesit ka, gising! Arghh! Daanan ito, hindi tulugan! You idiot!" Malakas kong sinipa ang paa nito sa sobrang inis na naramdaman ko.

"Aray! Ano ba?"

Napatingin ako sa lalaking napabangon dahil sa ginawa ko. Natatabunan ito kanina ng bushes kaya akala ko talaga putol na paa iyong dahilan ng pagkakadapa ko. Tapos ay ito lang pala? Baliw ba ito? Who would even sleep in here? Takot pa naman ako sa multo. Akala ko talaga ay may mangmumulto na sa akin, duh? Naapakan ko iyong paa siyempre baka magalit. Sumimangot ako.

"May gana ka pang umaray! Eh ikaw nga itong haharang-harang sa dinadaanan ko! Bwesit kang bakulaw ka!" Arghh! Nakakapandilim ng paningin!

He's not actually a 'bakulaw'. Dahil talagang nagsusumigaw ng kagwapuhan at kakyutan itong lalaking ito pero, hindi! Hindi ako magpapaapekto sa mukha niya dahil ang ugali niya ang bakulaw! PANGIT!

"Miss, ikaw naman itong naglalakad, hindi ba? Bakit hindi ka tumingin sa dinadaanan mo? I doubt that you'll be trip if only you were looking at the path you're taking."

I gritted my teeth, masama ang tinging ibinigay ko rito. Guwapo sana kaso--kaso arghhh! Nakakagigil! Masasapak ko ito!

"So, sinasabi mong hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko?" pikon kong tanong. Pilit ko mang ikalma ang sarili ko ay hindi ko magawa. Napipikon talaga ako sa isang ito!

He has that aura around him that I hate so much. It's arrogance. Damn it.

"Yes, kasi kung oo, edi sana hindi ka nadapa, right?" He smirk while eyeing me form head to toe. Ipinagdiinan pa talaga nito ang oo!

"Whatever, Mister whoever you are! Sa susunod na makita ko iyang paa mo sa dinadaanan ko ay talagang puputulin ko na iyan!" Sa kawalan nang masasabi ay iyon na lang ang nasabi ko.

This is the first time that I have lost words to say to my opponent and it is damn embarrassing! Nakakahiya at talagang naaapakan nito ang ego ko! Sino ba ang lalaking ito? How can he do this to me?

"Okay then, Miss. I'm looking forward for that day then." And for the first time since we started arguing he finally smiled. Oh god! Nanlaki ang mga mata ko. He smiled! He smiled? He did?

Agad agad ko itong tinalikuran nang maramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi at dahil lang iyon sa ngiti niya! Damn who is this guy? Bakit naaapektuhan ako ng ganito sa simpleng ngiti niya!?

Nakakainis! Sa kauna-unahang pagkakataon ay may naging katapat ang kasamaan ng ugali at tabas ng dila ko. And I couldn't believe that it will be a freaking stranger sleeping and hiding behind the bushes! Arghh!

I'm going to kick that guy's ass the next we face! Hmph!

___________________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon