CHAPTER FIFTY THREE

184 17 0
                                    

Family

"Dalian mo!" sigaw ni Redeaz, panay ang katok nito sa pintuan ng kwarto ko. I grunted in annoyance!

"Malapit na nga, 'di ba!? Nakakainis ka na!" sigaw ko pabalik, natawa naman ito. I rolled my eyes, she's too excited. Napakamot na lamang ako sa pisngi ko bago napabuntong hininga.

"Ayurn!" aniya, ngiting ngiti ito pagkabukas ko ng pinto. I made face, a reason for her to laughed. Napangiti na lang tuloy ako at natawa na rin ng mahina, how I miss her laughs.

"Sina Mama?" tanong ko sa kaniya, bahagya kong inayos ang suot kong dress, magbe-beach daw kasi kami this weekend. And Redeaz is excited of course, after all ay kasama namin ang lahat. Mommy and Daddy promised to come with us, ang trabaho nila ay iniwan muna nila para daw hindi sila ma-busy. Kasama namin sina Mama at Papa with my brothers, they may not be my biological brothers but in my heart they are. That will never change.

"Nasa van na silang lahat, tayo na lang ang hinihintay. Bakit kasi ang tanga mo eh, nadapa ka tuloy," sisi nito sa akin. Ngumiwi naman ako at umirap.

"It's not my fault na hindi ko nakita ang kahoy, okay?" sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"Tingala sa langit pa more," ganti niya.

"Bakit? Bawal hangaan ang kalangitan, ha? Ang ganda kaya no'n kanina. The shape of the clouds are amazingly beautiful," ganti ko rin. ‘Whatever’ lang ang isinagot nito sa 'kin bago ako hinila para mas bilisan ang lakad namin.

"Excited na'ko!" patiling sabi nito, nakangiting nilingon niya ako. I smiled at her, ‘me too.’

__

"Ang ganda rito!" manghang sabay naming sabi ni R, sabay rin kaming natawa dalawa.

We were both pulling our case while holding each other's hand. Nang malaman namin na magkadugo kami at nagbalik na ako sa dating katinuan ay mas lalo lamang naging malapit kami sa isa't isa, hindi na rin ata kami mapaghiwalay. Kung hindi siya ang natutulog sa amin ay ako ang nagpupunta sakanila hanggang sa napalitan na ang apelyido ko ng tuluyan.

Pagbalik ko sa school ay maraming natigalgal lalo na't na-announce na ang tungkol sa totoo kong pagkatao at tanggap ko na 'yon. Sina Mama at Papa ay ganoon din, hindi nila ipinagkait sa akin ang lahat. I am now Rudeoz Green Vasquez, the heiress of Vasquez Group at tila sa akin nga maipapamana ang lahat lalo na't walang balak maging business tycoon si R but she did promise to help me.

Ang hindi ko lang ata nakasanayan ay ang pakikisama sa totoo kong magulang, mas malapit pa rin ako kina Mama at Papa.

"Ma'am Rude ako na po ang bahala sa mga gamit niyo ma'am. Mamasyal na lang po kayo ni Ma'am Redeaz," my personal maid said at oo may maid ako, sosyal but I'm not treating her like that though.

"Kayo ang mamasyal ni Ana, Lisa. Enjoy the beach, hindi kita sinama dito para mag-trabaho. Now go and enjoy yourself, minsan lang 'to," taboy ko sa kaniya. Ana is Redeaz personal's maid too. Kakakuha lang nina Mom sakanila para daw 'di kami mahirapan at kailangan na daw naming masanay kasi magiging kasa-kasama na namin sila hanggang sa mag settle down na kami.

"Talaga ma'am? Sure ka riyan ma'am?" Tila nagningning ang mata nito at ng tumango ako ay napatili na lamang siya bago nagpaalam sa amin ni Redeaz na pupuntahan si Ana.

"Para naman kasi tayong lumpo kong tratuhin nila," natatawang sabi ni R and I agreed.

"Tara na nga, maraming gwapo rito. Magsasaya tayo!" We both giggled at that.

"Basta mabait ay okay na," gatong ko rin bago nagtatawanan na nilakad namin ang hotel.

__

"I'm glad that your happy," Napalingon ako sa nagsalita, napansin kong ngayon niya lang ako nilapitan. Nasa beach na kami ni Redeaz. Kakabihis lang namin kanina at dumiretso na kami rito. Nakikipaglaro na si R kay Clark sa dagat habang ako ay nanatili pa rito sa dalampasigan. Ngumiti ako sa kaniya ng malumanay, I don't know what to act in front of her, sinasanay ko pa lang ang sarili ko.

"I'm sorry for being selfish, M-Mommy..." Dahil hindi pa naman kami nagkakaharap masyado ay ilang pa rin ako kapag tinatawag ko siyang Mommy o Mom. Agarang nanggilid ang mga luha nito sa sinabi ko bago ako sinugod nang yakap.

"Oh my daughter! I'm so sorry, anak. I'm sorry, hindi ko man lang napigilan si Aur--"

"Its okay Mommy, siguro ay nakatadhana rin iyong mangyari. All I have to do now is enjoy this, live my life to the fullest with my new and bigger set of family. With all of you." Hinaplos ko ang likod niya, hindi ko na rin napigilang maiyak. Its just that, I never thought that a mother's hug can wipe every bad emotions and feelings you have. Atsaka ko rin lang naalala.

Napalingon lingon ako sa paligid para hanapin ang isang tao, I meet her gaze, nakatingin din ito samin. Humiwalay ako sa yakap ni Mommy, inilahad ko ang mga kamay rito.

"M-Mama," with my trembling voice I uttered. Malumanay na napangiti ito bago tinakbo ang pagitan namin. I laugh while still crying, naramdaman ko ring yumakap mula sa likod ko si Mommy.

"I'm sorry Mama. I'm s-sorry," bulong ko sa kaniya, panay lamang ang alo nito sa akin at haplos sa buhok ko. She kissed my forehead while Mommy kissed the top of my head.

"Oh, isali niyo naman kami!" Napabitaw kami sa isa't isa dahil sa sumigaw no'n, Redeaz with the three run towards us. Napangiti na lamang ako.

"Group hug!"







_________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon