___
Eyes
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ng maramdaman kong malapit na akong mahulog sa kama, a little bit na lang talaga. Agad kong idinantay ang paa ko sa katawan ni R na nakapulot naman sa akin.
Past ten na kami nakauwi kagabi at sa liit ng kwarto ko, syempre maliit din ang kama. Nahiya ako doon sa kwarto niya sa mansyon nila, sobrang laki rin kasi no'n kaya minsan kapag nagpapahinga kami ay hindi na namin kailangang matakot o kabahan na baka mahulog kami kapag himbing na himbing na kami sa pagkakatulog eh dito sa kwarto ko? Sa kama kong 'to talaga namang kakabahan ka. Isang tulak lang, hulog ka na.
Napatingin ako sa himbing na Redeaz, nakasimangot ang mukha nito habang ang mga braso ay nakayakap sa bewang ko. Natagalan kami masyado kagabi kakatingin sa kalangitan, it was wonderful. Panay din ang turo namin sa mga nakikitang constellation, they were beautiful. Kaya ng makauwi kami ng gabing gabi na ay agad kaming nakatulog, knock out agad.
I nudge Redeaz's shoulder, wala itong naging reaction. Hindi man lang nagising. Napakamot nalang ako sa pisngi ko, tulog mantika talaga.
Napatingin ako sa dingding ng kwarto ko kung saan nakasabit ang orasan at talagang...
"Aray!"
"Tangina!"
Sabay naming reklamo ng mahulog kami, literal na nahulog kami sa sahig. Sobra ata akong nagulat ng makitang alas otso na kaya gumalaw ako, wrong timing lang dahil sabay kaming nahulog ni Redeaz dahil doon. Natawa nalang ako habang bumabangon, Redeaz on the other hand is glaring at me, throwing daggers. I want to congratulate her for doing that, she made it haha nagawa na niyang bigyan ng matalim na tingin ang inosente kong mukha. I want to know her reaction after that but this is not the right time though.
"Peace! But we really have to hurry and get up. It's past eight already at mamamasyal pa tayo ngayon, 'di ba?" I raised my brow. Nanlaki ang mga mata nito.
"Hala ka! Oonga!" Napatayo ito mula sa pagkakasalampak. We both planned to take a bath pero isa-isa lang, ako muna ang kakain and then siya muna ang maliligo and then vise versa para hindi kami masyadong matagalan.
Walang hiya na din naman itong si R dito sa pamilya ko. My parents treated her like their daughter and its making me happy every time I see her smile because of that. Ganoon din ang mga kapatid ko na tinatratong ate si Redeaz. My parents know about her kasi syempre nakukwento ko sakanila ang nangyayari sa school pero kahapon pa lang nila ito nakita ng personalan and I'm very glad when they welcome her with an embrace.
"Good morning Clark!" Bati nito sa bunso na nanonood na naman ng TV.
"Good morning Ate Rede! Andyan po sa kusina kapatid niyo po," nagkatinginan kaming dalawa sa sinabi nito.
"You texted him?" Gulat kong tanong. Well, isasama naman namin siya pero nakakagulat na andito na at nakakahiya! Oh ghad! Grabe pa tulog namin tapos may pinaghihintay pala kami. Bigla tuloy akong na conscious sa ayos ko ngayon, baka may muta pa ako. Tangeks! Maputla pa naman ako kapag bagong gising, pasimple kong inayos ang magulo kong buhok pero nagulo ko lang ata lalo kaya inis na tinigilan ko ito, I bit my lower lip nervously.
"Ah, yeah kagabi." Sabay naming pinasok ang kusina. Nakita namin itong prenteng nakaupo sa dining area. I saw my brothers too, wala na sina Mama at Papa. Siguro hindi din naabutan ng mga ito si Geo, maaga palang kasi ay umaalis na sila kapag Sunday para mamalengke at nasabi ko na din kasi sakanila na aalis kami ni R so I think nauna na silang sumimba habang ang tatlo ko namang mga kapatid ay susunod nalang sakanila, gano'n kami pag Sunday. Pero magbabago na ngayon but my parents and brothers doesn't mind, I told them about Redeaz and Geo at wala naman silang problema sa gagawin ko. Sabi pa nga nila ay isama ko daw ang dalawa sa family bonding namin at pwede din kaming makisama sakanila pag Sunday pero sabi ko ay baka mailang pa sila and they do understand. Alam ko naman na dadating din ang panahon na magsasama-sama rin kami.
I want R to feel the bond of a family also him.
"Twin! Ang aga mo!" Salubong ni R dito. Malamig na tinignan nito si Redeaz bago napatingin sa 'kin na agad niya din namang iniwas. I pouted.
"Sabi mo eight, don't worry kakarating ko lang." Kibit balikat nito.
"Kain na kayo mga ate," aya ni Flare habang sumusubo ng pandesal.
Naupo naman ako sa mesa habang si R ay dumiretso na sa banyo at mas piniling simangutan lang ang kakambal pagkatapos lumapit dito para humalik sa pisngi and Geo did the same too, mas lalong nanulis ang nguso ko sa nakitang iyon, yes Geo is sweet. Very sweet actually, kay Redeaz nga lang.
"Saan ba kayo ngayon ate?" Tanong ni Yuan, sumandok muna ako ng kanin bago siya nilingon.
"Kahit saan basta masaya," ngisi ko.
"Kuya Auriel, pakibantayan ate ko baka umandar na naman ugali niyan sa pupuntahan niyo. Mahilig pa naman din 'yan mamahiya." Tawa ni Flare, binigyan ko naman ito ng matalim na tingin.
"At 'pag ikaw 'di nanahimik, lahat ng damit mo susunugin ko." Tila tutang tumingin sa akin 'to habang nakasimangot. I raised my brow at him.
"Ate, ang bad bad mo." Napatingin ako kay Clark na kakapasok lang ng kusina, may hawak itong mug, nag-milo na naman siguro.
"Matagal na akong bad," sagot ko pabalik.
"Kaya nga pero bakit wala kang sungay? Sa TV may mga sungay yung bad people dapat ikaw rin." Aba! Noong una gusto akong magka-boyfriend ngayon umap-grade na, sungay na naman ngayon.
"Ikaw na bata ka, lahat nalang talaga ng ayaw mo gusto mong mangyari sa 'kin eh 'no?" Ngumiti ito at talaga naman...!
"Opo ate. Wala ka namang boyfriend at alam ko na kung bakit. Bad ka po, ang rude rude mo ate." Sumimangot ito, sumimangot rin ako. Talagang hindi niya makalimutan ang mga kalokohan ko noon. Paano ba naman kasi ay nakita ako nitong may inaway, tinapunan ko ng juice iyong malanding babae na pinagbintangan akong slut, like duh? Ako? As in ako? Oh ghad! That was her wrong move, agad nag init ulo ko. Ayun umiyak pagkatapos kong awayin, weak naman pala.
And then iyong time na may pinahiya ako, nakita iyon ng tatlo and up until now ay hindi nila iyon makalimutan. Nabansagan na rin ata akong 'bastos' dahil minsan na din akong may nasagot na babae na mas matanda sa akin, it was that woman's fault anyway. Ang sabi nya ay sakanya daw ang perang hawak ko, at ninakaw ko daw. Hindi niya alam na sweldo ko iyon, and I was so simple that time dahil hindi pa ako nakakapagbihis ng maayos dahil galing pa 'ko sa trabaho and then iyon lang ang sasabihin niya? Syempre dahil mas matanda siya at mukhang mayaman edi lahat ng tao kampi sakanya and I was shocked that time, papaanong nasabi nila iyon? Sa tindi ng init at pagod ko ay nasagot ko iyong babae at may napahiya na naman ako. Kumalat iyon ng kumalat at iyon ang dahilan kaya natanggal na naman ako sa trabaho. They see me as a rude girl since then at wala akong binago sa nakikita at naririnig nila tungkol sakin. Judge me if they wanted to, hindi ko naman ikakalugmok iyon at mas lalong hindi nila ikinatataas iyon. They even look pathetic as hell.
"Bakit ba bad lagi ang tingin mo sa 'kin?" Kunot noong tanong ko. I really wanted to laugh, natatawa ako sa mukha ng kapatid ko. Nakanguso ito. Narinig kong bumukas ang banyo senyales na tapos ng maligo si R pero 'di ko parin inalis ang tingin ko sa kapatid ko.
"Kasi po bad ka naman talaga." Ang inosenteng mga mata nito ay nakatingin sa' akin. Napakamot ako sa pisngi ko bago inilihis ang aking tingin dahilan para sumalubong sa akin ang titig ni Geo.
Halata sa mukha nito ang amusement habang tinititigan kami and is it just me or Clarkson and him really have the same pair of dark yet innocent eyes?
_______________________________________________
LROA_26💕
BINABASA MO ANG
Loving Her Rudeness
Acak'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not. Some may think lust is love. Beauty is love or fame is love. But love is not like that. Love is fla...
