CHAPTER SEVENTEEN

289 25 0
                                    

___

Denial

"R!" I waved my hand at Redeaz. Its our rehearsal today at ang boring sobra! Lakad dito, lakad doon, ngiti dito, ngiti doon. Argh! Kaya ayaw ko sa ganito, hmp! I'd rather stay somewhere peaceful and listen to my favourite song o 'di kaya ay manonood ako sa YouTube ng starry nights. Hays, mas may appeal ang ganoon. After all stars are really beautiful and amazing. Kanina sa practice ay hindi talaga ako masaya, hindi naman ito ang gusto ko at mas lalong hindi ako si R para magustuhan ang ganitong gawain. Buti nalang at marunong akong magsuot ng heels at gumamit nito, may trainor din naman ako and I know she's professional. Ano pang silbi ng pagiging model ni Redeaz, 'di ba?

"Careful." Inalalayan ako ni Geo pababa ng stage, I glared at him.

"Hindi ako lumpo at mas lalong hindi ako tanga maglakad!" Pikon kong sabi dito. Kanina pa siya ganito, siya ang taga alalay ko sa paglalakad kahit hindi ko naman kailangan at hinding hindi ko kakailangin. Lalo na pag may kaharap kaming iba. Sa totoo lang ay naiilang ako, sa sobrang dami ba naman ng tao sa paligid namin, sinong hindi maiilang? And this girls around us are giving me death glares, geez I won't even die just by their stares. Nakakatawa sila, tss. Mas maganda nga kong sila ang pumalit sa pwesto ko kaso ayaw pala ng isang 'to sa iba, akin lang daw siya, ay namali, ako lang daw dapat partner niya. O siya sige gora para na rin 'to sa pera mga 'te.

"Ang ganda mo lalo!" Salubong ni R sa akin. I pose like a beauty queen dahilan para magtawanan kami. I missed being with R, nakakasama ko na lang siya kapag lunch, minsan ay hindi pa lalo na't busy rin siya para sa rehearsal nila. Miminsan lang siya nagagawi kapag tinutulungan niya ako sa tamang paglalakad at pag-ikot. Uwian lang ata ang time namin para sa isa't isa this past few days dahil sa practice.

So technically ay si Geo lagi ang kasama ko na ikinaiinis ko minsan, sa bawat ginagawa namin ay hindi pwedeng walang panggulo. May sumisingit talaga, hindi na nahiya para namang papansinin sila.

"Gosh, buti nalang hindi ako sumali sa contest na ito, talo na ako agad. Ikaw kalaban ko eh!" Sinundot nito ang tagiliran ko. I giggled at what she said.

"Wews. Tigilan mo ako, lumalaki ulo ko," natawa ito sa sinabi ko.

"Grabe din, oh ano? Musta practice?" Itinaas baba nito ang kilay.

"Finely boring. Kaya ayaw ko sa ganito eh," buntong hininga ko habang nagkikibit balikat.

"That's fine, kasama mo naman si kuya." Napasimangot ako. Iyon na nga eh, kasama ko siya kaya boring. Siya kaya iyong nagpapakalat ng stiffness, duh? Bato kasi, malay ko ba sa isang iyon at sumali sa ganito eh parang hindi naman siya sanay. Ano? Nagpapasikat lang sa mga taga-hanga niya? Aba at ginamit pa ako, kunsabagay may makukuha din naman ako sa gagawin kong ito kaya hindi na rin masama. Ang masama ay 'yong kasama kong bato, hmp!

"Sobrang stiff ng kuya mo, duh? Wagas kung maka poker face," daldal ko. I made face and chuckled, si R man ay natawa rin sa kalokohan ko. I felt someone beside me stand, syempre alam ko na kung sino, duh? Bato nga 'di ba? Mafefeel mo agad presensya niya hahaha ang bigat kasi.

"Ano?" Ang malamig nitong boses ay narinig ko, syempre kasi may tenga ako.

I ignored him and smile at R like I didn't backstab him awhile ago. This is my hobby now, its pissing him off.

"Ikaw R? Musta sayaw?" Paglilihis ko sa usapan. I almost shouted in shock ng maramdaman ko ang pangingiliti nito sa tagiliran ko. Dahil nasa likod ko siya ay wala akong naging kawala sa bawat sundot at haplos nito sa tagiliran ko. Shocks! This is my weakest part lalong lalo na ang talampakan ko.

"Auriel Geopardy!" I laugh hard while shouting his name. Panay ang pilit kong pagkawala dahil naluluha na talaga ako sa pangingiliti niya. Damn this gago! Marami ng napapatingin sa gawi namin at nakakahiya na talaga, para kaming mga bata!

"What did you say?" Seryosong tanong nito habang patuloy pa rin sa pangingiliti sakin.

"Wala---HAHAHAHAHA ano ba---HAHAHAHAHAHAHA!" I tried to stop him pero dahil mas malaki siya sakin at mas malakas ay wala akong nagawa, walang epekto ang pagpigil ko sa malalaki niyang kamay. Damn, napasubo ako sa pang-iinis sakanya.

"Uh-huh. Wala?" Alam kong matalim na ang tingin nito sa akin basi sa boses niyang sing lamig ng north pole. Tangina ipinaglihi ata talaga 'to sa yelo! Sakop na sakop na nito ang buo kong katawan mula sa likod habang ako naman ay parang kiti kiti dahil lang sa kakatawa. Gosh! It tickles! Ayaw ko na!

"HAHAHAHAHAHA----f*ck! Tigil na--HAHAHAHAHA, fine-HAHah sorry na HAHAHAHAHA!" sa sinabi kong iyon ay agad siyang tumigil. Sapo sapo ko ang tyan ko ng tigilan niya ako. Tae, ang sakit na ng tyan ko kakatawa.

"Tang ina mo Geo!" Hinampas ko ang braso nito ng harapin ko siya.

"It's your fault," aniya sa malamig na paraan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Totoo naman, you're like an old man! So stiff and serious, come on!" Reklamo ko habang nakaismid. Nang taasan ako nito ng kilay ay agad akong nagtago sa likod ni R habang tumatawa.

"Why are you so pikon ba? Totoo naman, ah!" Giit ko, mas lalo ko atang nainis. Humakbang ito papalapit dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Ghe! Lumapit ka, sasapakin talaga kita!" Eksaderang tumikhim si Redeaz dahilan para matigil ako sa kakangisi.

"Alam niyo, nakakahiya kayong dalawa. Rehearsal room 'to at hindi playroom at mas lalong hindi landian room!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi kami naglalandian!" Halos isigaw ko iyon dahil sa kahihiyan, napalayo pa ko sakanya dahil sa gulat habang nanlalaki ang mga mata. Napahagalpak ito sa tawa habang ako ay matalim ang tingin sakanya, nakakainis! Anong nakakatawa?

"Denial..." sumipol ito habang nakangisi, mas lalo lamang tumalim ang tingin ko sakanya.

"Hindi nga, masyado lang pikon yang kakambal mo!" Salubong ang kilay na sabi ko dito.

"Ikaw din naman. Binibiro ka lang 'te, kalma, ang puso..." I pouted, damn it!

"Ewan ko sa'yo!" I shouted in so much frustrations. Mas lalo lamang akong nainis ng makita ko ang multong ngisi sa labi ni Geo.







___________________

LROA_26💕

Loving Her RudenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon