ERW2
I can't believe it! Kilala niya ako?
Naglalakad ako palabas ng campus habang iniisip pa din yon. I blushed remembering how I reacted. Agad kong sinara noon ang sketch pad , tinigil ang ginagawa ko at mahinang nagpasalamat, walang choice kung hindi makinig sa sinasabi ng aming guro. I don't know if he find it rude or not pero hindi kasi ako nakapag isip agad! Anong kayang naging reaksyon niya?
My god, Sey! Ano pa ba ngayon araw ang kapalpakan na hindi mo nagagawa?
Natigil ako sa paglalakad noong makita ang mga kaibigan ni Fire na nakaipon doon sa tabi ng kotse niya. Napangiwi ako habang pinapanood ko silang magtawanan. I hesistated kung sasabay pa ako kay Fire umuwi. Magtaxi nalang kaya ako?
Bat ba kasi sila nakatambay pa doon!
Tatalikod na sana ako noong malihis ang tingin saakin ng kapatid ko. Okay, damn it.
"Sey!" masaya niyang tawag saakin kaya nagsilingunan din ang mga kaibigan niya sa direksyon ko.
Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi lumapit.
"Hi, Sey!" bati nila saakin noong nakarating ako sa lugar nila.
"Hi." Mahina kong bati at tumabi kay Fire. Pamilyar sakin ang mga itsura nila dahil matagal na nilang kasama si Fire ngunit hindi ko alam ang mga pangalan nila. Wala din naman akong interes alamin dahil wala naman akong planong kausapin sila. I only knew Allen and Hero, his best friend, because they are my classmates.
"Sey, this is Polly." pakilala ni Fire sa babaeng pinakamalapit saakin. Kumaway naman siya. Tipid akong ngumiti. "Samantha, Zion, Phil." turo niya sa sa mga ito, nagkanya kanyang bati ang mga ito.
"Where's Al and Hero anyway?" tukoy nung Samantha sa dalawa pa nilang kaibigan na napansin ko din na wala pa.
Bigla akong kinabahan. Kung pwede lang ay iwan na si Fire dito ay ginawa ko na. 50% na ng utak ko ang nagsasabing magpaalam na at magtaxi nalang at 50% din ang nagsasabing nakakahiya kayang magsalita! Ayoko nang gamitin ang bibig ko, baka magsisi na naman ako.
"Palagi naman busy ang dalawang iyon." the guy on the right, Phil said.
"Hihintayin pa ba natin?"
Nag uusap usap sila habang ako ay nakikipagtalo din sa utak ko kung ano ba ang kailangan kong gawin, all I want is to get away from this! At the end, naglakas loob akong balingan si Fire.
"Do you still have some business? Una na ko." mahina at pabulong kong paalam sa kanya na hindi napapansin ng nag uusap pa ding apat sa unahan namin.
Nagtaas ang kilay ng kapatid ko at nawala ang ngiti. I think he didn't like my idea of not being with him.
"I'll send the taxi's plate number to you, don't worry." paninigurado ko pa sa kanya ngunit hindi pa rin siya mukhang kumbensido.
"Can't you go with us?"
I grimaced. "Can you hear yourself?" balik kong tanong sa kanya ngunit mahina lang para hindi marinig ng mga kaibigan niya.
He sighed and pressed his key fob. Natigil ang apat mula sa pag-uusap dahil sa ginawa niya.
"Mauna na kayo, hatid ko lang pauwi." tukoy niya saakin.
"Akala ko ba sasama siya?"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Polly. At kailan pa ako nagsabi ng ganon?
"Change of plans, susunod nalang ako."
They said their goodbyes na simple kong sinagot ng isang beses bago ako pumasok ng kotse. Saglit pang kinausap ni Fire ang mga kaibigan niya bago siya pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...