ERW11
Tulala ako at kinakabahan habang naglalakad ako papalapit sa room. Kanina nga ay ramdam na ramdam ko ang weird na tingin ni Fire saakin sa kotse dahil inaakto ko. Noong tinanong naman niya ako ay sinabi ko nalang na may recitation kasi kami sa isa sa major ko kaya kinakabahan ako.
Nakonsensya tuloy ako lalo na noong chi-neer niya pa ako at binigyan ng iba't ibang advice sa kung paano makakasagot. I hate it when I lie to him. It's just that...I don't have a choice but to. Naiinis ako sa sarili ko dahil puro kasinungalingan na lang ang sinasabi ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim noong tumapat ako sa pinto ng aming room. Hindi pa naman ako late pero hindi din ako early bird. Ayoko kasing male-late kasi nakakahiyang pumasok sa room tapos lahat ng mata ay nakatingin sayo. Ayoko din namang maagang pumasok dahil matagal naghihintay.
Kinakabahan kong binuksan ang pintuan ng aming room. Hinihiling ko na sana ay wala pa si Allen o kaya naman biglang may nangyari na naging sanhi ng pag-absent niya. Masama bang hilingin yon?
Ano ba, Sey!
"Is the door that heavy? Bakit ang bagal mong magbukas?"
Mariin akong napahawak sa doorknob at naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba noong marinig ko ang boses ni Allen sa likod ko na mukhang kakarating pa lamang. Dapat pala binilisan ko na lang ang pagpasok!
Napakamalas ko ba talagang nilalang at ni minsan hindi napupunta ang tadhana sa tabi ko?
"Here... I'll do it."
Nanlaki ang mata ko noong ilapag niya ang kanyang kamay sa taas ng akin at siya na mismo ang nagpihit ng pinto at nagtulak noong habang nakasunod lang ang kamay ko sa kanya.
My heartbeat rose faster. Agad kong hinila ang kamay ko papalayo sa kanyang kamay. I can feel my cheeks burning lalo na at ramdam na ramdam ko ang kanyang presensya sa likod ko.
"Ah...eh..."
"Good morning, Sey." nakangiti niyang bati saakin.
I blushed more. Tumango na lang ako sa kanya at yumuko. Mabilis akong naglakad papasok ng maingay na classroom namin. Buti nalang at walang nakapansin saamin sa pinto, o talagang hindi naman iyon kapansin-pansin?
"Hi, Sey!"
"Good morning, Sey!"
Maliit na ngiti lang ang binigay ko sa mga kaklase kong bumabati na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit kahit hindi ko naman sila close. Hindi ko rin naman sila mailalapit kay Fire dahil wala naman akong balak makipag-usap sa kanila.
Kahit nakarating na ako sa upuan ko ay hindi pa rin ako mapakali. Paano, feeling ko kasi nakatingin pa rin saakin si Allen at noong lumingon ako sa direksyon niya ay talagang nakumpirma ko iyon ngunit mas lalo pa akong nahiya.
Tingin pa kasi, Sey! Nakakahiya!
Binuksan ko na lang ang sketch pad ko upang may maging distraction ako sa pagkapahiya ko sa kanya ngunit ramdam ko pa din kung gaano kainit ang aking pisngi. Noong dumating ang prof namin ay nagsiayos ang mga kaklase ko at bumalik sa mga upuan nila. Ako naman ay nanatili sa ginagawa ko. I remained sketching while our prof is discussing in front.
Nakikinig naman ako. I mean, naririnig ng tenga ko ang sinasabi niya ngunit nanatili ang focus ko sa aking ginuguhit. It was the outer view from the window that was close to me. Iyong ang naging subject ko ngayon oras na ito.
Nagkaroon ng maikling recitation habang patuloy na nagdidiscuss ang aming guro sa harap. The only thing that kept me from panicking from my most hated thing about daily discussion-which is oral recitation, is the fact that my prof in this subject is not the type of person who keeps an index card to randomly select students. Kung sino ang tumataas ng kamay, iyon ang tinatawag niya. Sana lang ay lahat katulad niya.
BINABASA MO ANG
Every Reason Why
General FictionRugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want her to be. No matter how much she tries, she will never be like her twin brother, Fire, who's living up to his name, burning wildly and beaut...