ERW21

36.1K 1K 396
                                    

ERW21

"Saan ka galing?" salubong ni Fire saakin, ilang hakbang palang ang nagagawa ko pagkatapos makalagpas sa pinto.

Nakita ko siyang nakaupo doon at striktong nakakrus ang mga braso sa dibdib. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nasa center table pa din ang mga gamit ko. Nakasalansan na iyon, hindi katulad noong magulo kong iniwan kanina.

Agad akong nagtungo at mabilis kong hinagip ang mga gamit ko habang patuloy na umiiwas sa mata ni Fire. I scoop all my things by one arm. Ang isa ko namang braso ay nananatiling nakatakip sa kalahati ng mga mata ko pababa.

He'll see my puffy eyes!

"Bat nakatakip ka dyan?" kunot-noong tanong niya.

"Ang kati kasi! Baka magka-sore eyes ako. Wag kang tumingin!" banta ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod. Pinaling niya ang kanyang mukha sa gilid. Itinabing niya pa ang mga kamay niya sa may mata niya. Arte!

"Ano ba 'yan, Sey! Saan ka ba kasi nagsu-susuot?" inis niyang tanong saakin. "Sabihin natin kala Mama!"

Agad akong nagpanic. Napatigil ako sa paglalakad papalayo sa kanya at agad akong lumingon. Nakita ko siyang hindi pa rin nakaharap saakin.

"Wag na! Di naman 'to malala."

"Sey!" tawag niya pero dire-diretso na akong umakyat sa taas at mabilis na pumasok sa kwarto ko.

"Talk to you tomorrow!"

Magpapanggap na lang ako bukas na hindi natuloy iyong sore eyes na sinasabi ko. Tapos na naman siguro silang mag-dinner kaya hindi ko na kailangan pang bumababa ulit. Gabi na naman ako nakauwi...

Binaba ko ang aking mga gamit sa study table at agad akong humiga sa kama habang nananatiling nakabitin ang aking mga binti. Nakatulala lang ako sa kisame habang patuloy na nalulunod sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

Theo waited for me to calm down. He allowed me to say everything that I wanted to. Ang alam ko lang, everything I am feeling just poured altogether even if I already shed enough tears alone, marami pa rin akong muling nailabas. I was just crying the whole time in Theo's arms.

Theo just ordered dinner for us. Pagkatapos naming kumain ay hinatid na din niya ako pauwi. Wala sa loob kong hinawakan ang puso kong hanggang ngayon ay mabilis pa din ang pagkabog. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong kalakas na tibok ng puso ko. Ganon pa rin iyon... still very different from the fast heartbeats I have when I am anxious or shy.

These beats are calm and warm, but wild and strong.

Noong nagkaroon na ako ng lakas na tumayo ay nagtungo na ako sa banyo upang mabilis na maligo. Pagkatapos noon ay nilinis ko lang muli ang sugat ko at pinatuyo ang buhok ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at humiga sa kama. Agad kong nakita ang text doon ni Allen at ilang mga missed calls.

Allen:

Hi, I'm home.

Sey, tumawag si Fire. Tinatanong kung kasama kita. Where are you?

Wala ka daw ba sa inyo? Are you okay?

Sa dulo ay may reply na hindi naman ako ang nagtype ngunit itong cellphone number ko ang gamit.

Ako:

She left her phone at home. Si Fire 'to.

Napalabi ako habang binabasa iyon. Wala nang reply doon dahil siguro si Fire na muli ang kinausap nito sa sariling number ng kambal ko. I immediately composed a text.

Ako:

Good evening, Allen! I'm safe. Sorry for making you worried.

Nagulat ako noong wala pang ilang segundo ay may reply na agad siya.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon