ERW24

33.4K 1.5K 1.3K
                                    

ERW24

Hindi ko pa din magawang kumalma habang nakaupo ako rito sa bench katabi ni Allen. Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang direksyon na tinahak ni Theo kanina kahit wala na namang kahit maliit na bakas niya doon.

It was so fast. Parang hindi ko nasusundan ang nangyayari. Kanina lang ay tumatawa pa ako dito habang kausap si Theo. Bakit ngayon ay si Allen na ang katabi ko?

"Sey..."

Nalipat ang tingin ko kay Allen noong narinig ko ang tawag niya saakin. Nasa gitna namin ang dala niyang bouquet na magandang nakaayos habang nasa gitna ang isang malaking sunflower. I actually liked the aesthetic arrangement of the bouquet. It wasn't a grand one. Simpleng-simple ngunit elegante.

However, I don't really expect to receive one today...

"You like it?" tanong ni Allen.

Napakagat ako ng labi at muling kinabahan.

"Yeah... uhm maganda..." I awkwardly smiled at him.

A smile formed on his lips. Nagkamot siya ng ulo pagkatapos.

"I choose it well. I wanted an arrangement that suits you."

Hindi ko alam kung bakit bawat minuto atang tumitigil akong kasama siya ay parang mas kinakabahan ako. Komportable naman ako kay Allen. We are always together these past few days and I really like his company. Ngayon ko lang talaga nararanasang magkaroon ng taong komportable ako sa presensya bukod sa pamilya ko, the reason why I am still fascinated about him and Theo.

But right now... I don't know.

"B-bakit ka nga pala... nandito?" tanong ko.

I don't want to offend him by questioning his sudden visit but I just can't help but be curious. Wala naman kasi siyang sinabing pupunta siya? Tsaka palagi naman kaming magkasama sa ospital...

He chuckled.

"I wanna talk to you."

Patago kong kinuyom ang kamao ko dahil sa tumitinding kaba na nararamdaman ko. What talk requires him to go here? Magkikita naman kami bukas sa ospital?

"Di ba pwede bukas?" I laughed, still trying that it sounds really awkward.

He bit his lower lip, looking like he's thinking before he shifted his gaze again to me. I decided to look just on his forehead because I can't stand staring at his eyes.

"Ahm... I thought about it a lot and I contemplated a lot too..." he chuckled and shook his head. Tila sarili ang kinakausap ngunit alam kong saakin iyon nakadirekta.

"Huh?" I asked, getting some suspicions.

Sana hindi... oh my god, Fire. I wanna wring your neck! Gusto ko nang umalis dito! I don't think I can stand the tension that's building up in my body.

"You know I like you... right?" tanong niya saakin.

Gusto kong pumikit ng mariin dahil sa aking narinig ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil nakakahiya kung ipapakita ko sa kanya na hindi ako natutuwa sa aking naririnig. Paano ako matutuwa? This is so awkward for me!

Ano ba dapat ang ginagawa tuwing ganito? Pwede bang time-out muna?

"Allen..." I called him with an unknown reason because I don't know what to say.

Damn it! Theo, bat mo ako iniwan dito?

"Sorry, am I making you uncomfortable?" tanong niya saakin, nakita ko ang totoong pag-aalala sa kanya.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon