ERW27

34.1K 1.2K 526
                                    

ERW27

"Tsk, wala ka bang pamilya?"

Nanlaki ang mata ko noong marinig ko ang boses na iyon galing sa likod ko.

"Fire!" medyo malakas kong sigaw at tumalikod para harapin ang kapatid kong nasa kalahati pa lang ng hagdan pababa. He scowled at me.

"Good morning too, my lovely twin."

Sumimangot ako. Good morning daw eh halos 11 AM na siyang bumangon. It's almost noon! Iba talaga itong si Fire kapag bakasyon!

Pinanood ko siyang mabilis na bumaba mula sa hagdan at lumapit sa kung nasaan ako. He ducked a little to put a light kiss on my forehead before he pulled me to put me behind him.

"Not you, though." bitter na saad ni Fire kay Allen na nananatiling nakaupo sa couch habang may ngiting nakalagay sa kanyang mukha. Sanay na sanay na sa sumpong ng kapatid ko.

"Ang aga-aga nandito ka na naman."

"Fire..." mahinahon kong saway sa kanya at hinawakan ang braso niya. Pumantay ako sa kanya ng tayo. I know they are friends and they are used to talk with sarcasm but isn't Fire already too harsh?

"Tsk, kaka-graduate nyo lang kahapon. Dapat nagce-celebrate pa kasama ang pamilya."

Napangiwi ako. "Ilang araw ba dapat mag-celebrate? It's not like a week-long celebration."

"Aba't!" humarap ito saakin ng nakakunot ang noo. "We're a team!" reklamo niya.

Tumango ako sa kanya at marahang tinapik ang kanyang braso. "Yup, it's a team member's responsibility to knock a member's head when they seem off."

Fire's eyes widen. Magsasalita pa sana siya ngunit sabay kaming napaharap noong narinig namin ang tawa ni Allen.

"Woah..." he said in between his laughs. "Magkamukha pala talaga kayong dalawa."

Fire sneered. "Malamang, kambal. Alangan namang kamukha kita?"

Napangiwi ako noong maimagine ko ang sitwasyong sinabi ni Fire.

Allen laughed again. "Too identical, too synchronized, kambal nga..."

Ngumiwi si Fire at tinulak ako pa unahan. He tapped my shoulders. "I'll eat. Mukhang iba na nangyayari dyan sa manliligaw mo." saad niya at tumalikod papalayo saakin. Pinanood ko ang likod niya na naglalakad papalayo saamin.

Ilang segundo ako nakatingin sa kanya bago ko inilipat ang tingin ko kay Allen na nakangiti na saakin. I smiled back at him and took the seat next to him.

"Sorry about that. Napansin ko lang bigla kasi pantay kayong tumayo sa harap ko." saad niya saakin habang nakangiti.

Tumango ako sa kanya. "Ayos lang... hindi lang naman ikaw ang pumapansin." I said to him. Noong matitigan ko ang kanyang mukha ay may naalala akong itanong sa kanya. "Bakit nga pala nandito ka? I mean... no offense but Fire's a little bit right?" tanong ko.

He chuckled a little and scratched his head dumako ang tingin niya sa center table. "Ah, flowers!"

Napatingin ako sa kung saan siya nakatingin. Pinanood ko ang galaw niya habang kinukuha niya ang malaking bouquet ng pulang roses na hindi ko alam kung bat ngayon ko lang napansin considering na malaki iyon at halos sakupin noon ang buong center table. My lips parted. Hindi iyon katulad ng kalimitan niyang binibigay na isang malaking sunflower lang na nasa gitna.

"Here..." he smiled at me shyly. "Congratulations." bati niya kahit nabati na naman niya ako kahapon pagkatapos ng graduation namin.

"Oh, wow..." tangi kong nasabi. Sinubukan kong hawakan iyon ngunit parehas kaming natawa dahil halos sakupin ng bulaklak ang buong kalahati ng nakaupo kong katawan.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon