ERW20

36.4K 1.3K 527
                                    

ERW20

Hindi pa ako nakakailang hakbang papalayo ay naramdaman ko na ang paghila ng isang kamay sa aking braso. Dahil sa lakas noon ay agad akong napaharap sa kanya.

Agad kong sinalubong ng masamang tingin ang humawak saakin dahil alam ko namang iisang tao lang na nandito ang may kakayahang gawin iyon ngayon.

"Sey..." he called me.

Nagtagpo muli ang aming mga mata. I wasn't able to stand the intensity of his eyes that no matter how bad I am feeling now, I looked away.

"Uuwi na 'ko..." I plainly said.

Sinubukan kong bawiin ang braso ko sa kanya ngunit hindi niya iyon pinayagan. Hindi niya ako hinahayaang makawala ngunit hindi rin naman masakit ang pagkakahawak niya saakin.

"I know I became a really big jerk..." malalim ang boses niyang sabi saakin.

I chuckled lowly. "Gusto ko na umuwi, Theo..."

"I'm sorry."

Natigilan ako. I felt how my heart clenched so bad that it's a bit painful. Hindi ko din naman inaasahan sa sarili ko na umabot sa galit ang tampo ko sa kanya. I also don't know why he has to say he's sorry because he didn't do anything wrong. Literal na wala siyang ginagawa. But I just really feel so bad...

"Let's talk, please?"

Mabigat ang aking pakiramdam habang nakatingin ako sa kanya ngunit wala, hindi rin naman ako makakawala dahil hawak niya ako. I don't know... naiinis ako sa kanya. The sight of him today is really making me feel so heavy but at the same time, I just I wanted to cry to him.

Kaya naman kusa akong nagpadala sa hila niya at umupo ako sa swing chair katabi ng kinauupuan niya kanina. Nahagip ng mata ko Cai na nakikipaglaro na muli sa ibang mga bata dito.

"How are you?" tanong niya saakin.

I suddenly feel like glaring at him. Noong makita niya ang sama ng tingin ko ay agad siyang napamura. He scratched the back of his head.

"Sorry na..." ulit niya na tila nanunuyo.

"Why?" tanong ko sa kanya.

He didn't show up for more than a month. Kahit pumupunta ako sa art studio niya ay kahit isang beses, hindi ko siya naaabutan o naabutan niya ako doon. Hindi siya nagre-reply sa mga text ko. Kahit sa chat sa mga accounts niya na ginawa niya para saakin. He totally ignored me.

Siguro, kasalanan ko din... I know he's busy. But somehow, I felt attached to him as the first person who became my friend whom I am totally comfortable to. Nasanay lang siguro ako na nandyan siya and then... he suddenly wasn't.

Ayos lang naman... pero kahit isang reply lang sana ay may natanggap ako sa kanya. Just to ease my mind from everything I thought had gone wrong. Pero wala...

My mind became restless thinking of what I did that made him do that to me. Kung ano ba iyong nagawa ko o nasabi ko noong huli kaming nagkita. I played it a millionth time in my mind to see what went wrong pero hindi ko pa din alam hanggang ngayon.

I felt like I failed again. This time, in making a good relationship with other people.

Like always, failing.

"I became confused of some things so I have to step back on the recent tracks I've been in my life... konti atras lang naman." lumingon siya saakin at ngumiti. The one that I wasn't able to see for a month-long.

Kunot-noo ko siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi. Iyon ba? Is that all? Dahil hindi ko pa rin maintindihan kung anong ibig sabihin non. I am very confused with the answer he gave me because it didn't even give a chance to see his reason, not even a bit clearer. Anong koneksyon ko doon?

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon