ERW6

39.9K 1.5K 612
                                    

Trigger Warning: Self-harm

Please skip this chapter (or at least, the first half) if you're not mentally prepared. Read at your own risk. Thank you!

xxx

ERW6

"After your graduation, wag ka munang magtrabaho, just focus on reviewing for your NMAT." Daddy said while drinking his coffee, talking about the admission test in medical schools. Tapos na siyang kumain at nagbabasa nalang ng broadsheet habang kami naman ay nagpapatuloy pa rin sa pagkain.

"But what about her NLE? She has to take the board exam..." Mama said, now bringing the licensure exam in the table.

"That can come for later. May second batch naman non. Sey can take NMAT in July and NLE in November..."

Napabuntong hininga ako at napahigpit ang kapit ko sa hawak kong mga utensils noong mas lumalim pa ang pag-uusap nila tungkol sa akin, kahit hindi naman ako kasali sa talakayan nila.

"Aww, you'll graduate soon Sey, iiwan mo na ko sa school." malungkot na saad ng katabi kong isang taon pa ang kailangan bago makagraduate.

"Wanna go with me and take NMAT?" pabulong kong tanong sa kanya para hindi makagulo sa mga magulang namin malalim pa din ang usapan.

Ngumiwi siya saakin.

"Do you decide now what school will you choose?" bulong niya din.

"I'm not even thinking of NMAT nowhere near."

He chuckled. "That sucks."

I mentally breathed hard before faking a smile on him.

Ni wala pa sa dulo ang first semester ay iyon na agad ang kanilang pinag-uusapan. That's right... it fucking sucks.

I don't even know if I can pass NMAT. And school? Kung papalarin man, mas gusto ko sanang manatili sa SAU dahil nag-ooffer din naman sila ng Medicine... but I don't know about Daddy and Mama's choice, surely, iyon ang dapat kong sundin.

Tahimik lang ako habang nag uusap sila Mama tungkol sa mga plano nila saakin after graduation na minsan ay nakikisingit din si Fire. As much as I want to be a part of their conversation, hindi ko pa din matanggap na parang planong plano na ang buhay ko na wala na ata akong mapaglalagyan ng sarili kong desisyon. Medyo mahaba pa naman ang mga buwan bago ako gumraduate pero eto na agad ang pinag uusapan nila.

"Alis na po ako." paalam ni Fire at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko bago umikot para halikan sa pisngi si Mama. He tap Papa's shoulder and walk out of the dining room. Mayroon kasi siyang pasok ngayon habang ako ay wala. He spends four days at school, habang ako ay tatlo lang.

"Take care!" Pahabol na sigaw ni Mama.

"Sa kwarto lang po ako." paalam ko dahil wala na akong ganang kumain. My Mom smiled at me and nodded.

Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanila. My heart feels so heavy na sa oras na pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko ay sinubsob ko na ang aking sarili sa kama. Walang luha, ngunit masakit. Pakiramdam ko ay sa bawat paggalaw ko sa mundo at bawat araw na pinipilit kong mabuhay, patuloy ko lang ding winawasak ang puso ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong parang walang buhay na nakahiga lang sa kama, nakatingin sa kawalan at walang ginagawa. Ni hindi ko nga alam kung paano ko iyon nagagawa. Basta pakiramdam ko, wala namang sense lahat ng gagawin ko. In the end, I won't get to choose something I want. That is the fate of someone who's less... ... not any better... nor even a little braver...

Nakakapagod na talaga.

Pinikit ko ang mata ko at sinubukang matulog nalang. Pero nagpakita saakin ang mga imahe ng sarili ko mula pagkabata hanggang ngayon. Lahat ng kabiguan. Lahat ng ako.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon