ERW15

35.6K 1K 396
                                    

ERW15

Tahimik lang kaming dalawa pagkatapos ng mahabang minuto na umiiyak lang ako sa kanyang bisig habang ang kanyang kamay ay patuloy na humahagod sa aking likod upang damayaan ako.

Humiwalay agad ako sa kanya noong tuluyan ko nang nailabas ang aking mga emosyon. Ang takot ko, lalo na ang sakit na nararamdaman ko mula sa mga nakaraang araw. Akala ko tapos na akong umiyak kagabi. Akala ko, naibuhos ko nang lahat. Hindi ko akalain na mayroon pa ding natitirang luha saakin. Ang kaibahan nga lang, tila mas magaan sa pakiramdam ang paglalabas ng luha ko ngayon.

"When did you start..." natigilan siya agad sa kanyang unang tanong na pumutol sa katamihikan namin. He gazed at my wrist. Alam ko na agad ang kayang ibig sabihin ngunit nahihirapan ata siyang isa-boses 'yon.

"4 years ago..." tahimik kong sagot sa kanya, hindi ko alam kung bakit mas naging magaan saakin na sagutin ang mga tanong niya. It felt just right to answer him even if it's been so long since I've kept it to myself alone as a secret.

Since I met him, everything unusual before seems okay and usual now... only to him.

Nananatili akong nakaupo at nakasandal sa swivel chair niya habang siya naman ay nasa harap ko at nakasandal sa kanyang table habang nakatutok ang buong atensyon niya saakin.

"Why..." halos puro hangin ang bulong na iyon sa kanya.

I know he has a lot of questions. Alam ko din na kahit umaakto siyang maayos sa harapan ko ngayon ay tinatago niya lang ang kanyang gulat at pagkalito sa lahat ng mga nangyayari. All I can do for him and for myself is to answer all his questions now.

But can I trust him?

I balled my fist. How lame that question is... alam ko sa sarili ko na buo ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko din alam kung paano. When we first met, I already gave him an ample of my trust even if I don't know him. Sumama ako sa kanya, isang bagay na hindi ko pa nagagawa kahit kailan. Sa kanya lang...

And now that I started knowing him, his natures, his personality, his likeness... I trusted him more. Tiwala na hindi ko pa naibibigay kahit sa kaninong tao... maging sa kakambal ko. With Theo, I always feel like I am safe. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit sobrang bilis kong naging komportable sa kanya.

"Because it's tiring to live..." mahina kong sagot sa kanya.

Noong nilingon ko siya ay nakita ko ang kanyang pagtango na parang bang naiintindihan niya ang sinasabi ko kahit puno ng tanong ang kanyang mga mata.

"Look in front..." utos niya saakin.

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi pero sinunod ko ang kanyang utos. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa unahan.

"Sinong nakikita mo?" tanong niya saakin.

My eyes are focused on the biggest and the center painting. Iyong unang pumukaw ng aking atensyon pagkapasok ko pa lang dito.

"It's Cai..." sagot ko at binalik ang tingin ko sa kanya.

Maliit siyang ngumiti sa akin at tumango.

"He was one of my favorite subjects. Can you see how beautiful his smile is?" tanong niya muli saakin.

I stared at Cai's full smile. Labas ang kanyang mga ngipin at halata ang lubos na kasiyahan sa bata. Tumango ako kahit hindi ko alam kung saan papunta ang aming usapan. I wanted him to speak his mind whatever is inside of it lalo na tungkol sa lahat ng kanyang nakikita.

"We fought for that smile to exist."

Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. What does that mean? Hindi naman siguro iyon iniisip ko hindi ba?...

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon